backup og meta

Ano ang cholera? Alamin ang facts tungkol sa sakit na ito

Ano ang cholera na nagkaroon ng kahalagahan sa buong mundo noong 1817? Sa taong iyon, isang nakamamatay na outbreak ang naganap sa Jessore, India. Pagkatapos ay kumalat ito sa karamihan ng India, pati na rin sa Myanmar at Sri Lanka. Noong 1820 ay naiulat na ang mga epidemya sa Thailand, Indonesia at Pilipinas. Mahigit 100,000 katao ang namatay sa isla ng Java lamang..

Noong ika-19 na siglo, kumalat ang kolera sa buong mundo mula sa orihinal nitong reservoir sa Ganges delta sa India. May anim pang kasunod na pandemya ang pumatay ng milyun-milyong tao sa lahat ng kontinente. Ang kasalukuyang ikapitong pandemya ay nagsimula sa Timog Asya noong 1961, at umabot sa Amerika noong 1991.

Ano ang cholera at sanhi nito

Ang kolera ay isang talamak na impeksyon sa pagtatae na dulot ng paglunok ng pagkain o tubig na kontaminado ng bacterium na Vibrio cholerae. Nananatiling isang pandaigdigang banta sa kalusugan ng publiko ang cholera. Isa itong tagapagpahiwatig ng hindi pagkakapantay-pantay at kakulangan ng panlipunang pag-unlad.

Ang Vibrio cholerae, ang bacterium na nagdudulot ng cholera, ay kadalasang matatagpuan sa pagkain o tubig na kontaminado ng dumi ng taong may impeksyon. Kasama sa mga karaniwang mapagkukunan nito ang sumusunod:

  • Municipal water supplies
  • Ice na gawa sa municipal water
  • Mga pagkain at inumin na binebenta ng mga street vendors
  • Mga gulay na tinatanim gamit ang tubig na naglalaman ng dumi ng tao
  • Mga hilaw o kulang sa luto na isda at pagkaing-dagat na nahuhuli sa tubig na nadumhan ng polyuted na sewage

Kapag ang isang tao ay kumakain ng kontaminadong pagkain o tubig, ang bakterya ay naglalabas ng lason sa bituka na nagbubunga ng matinding pagtatae. Malayo ang posibilidad na mahawaan ka ng kung ano ang cholera mula lamang sa kaswal na pakikipag-ugnayan sa isang taong nahawahan.

Ano ang cholera at sintomas nito

  • Pagtatae-Isa sa mga sintomas ng cholera ay ang pagtatae na maaaring mangyari nang biglaan. Ang pagtatae dahil sa kolera ay kadalasang may maputla, at parang gatas na anyo. Kahawig ito ng pinaghugasan ng kanin bago isaing.
  • Pagduduwal at pagsusuka– Ang pagsusuka ay nangyayari lalo na sa mga unang yugto ng cholera at maaaring tumagal ng ilang oras.
  • Dehydration-Maaaring makaranas ng dehydration  sa loob ng ilang oras pagkatapos magsimula ang mga sintomas ng cholera. Ang dehydration na ito ay maaaring mula sa banayad hanggang sa malala. Ang pagkawala ng 10 porsyento o higit pa sa timbang ng katawan ay nagpapahiwatig ng matinding dehydration.

Ang mga senyales at sintomas ng pagkaubos ng tubnig sa kolera ay kinabibilangan ng pagkamayamutin, pagkahapo, lumulubog na mga mata, tuyong bibig, matinding pagkauhaw, tuyong balat at mabagal na bumabalik kapag naipit sa isang tupi, kaunti o walang pag-ihi, mababang presyon ng dugo, at hindi regular na tibok ng puso.

Ano ang cholera at dehydration

Dapat dagdagan ang pag-inom ng tubig kung ikaw ay may cholera. Ang pagsusuri ng isang doktor ay dapat nakatuon sa posibleng dehydration. Malalaman ito sa pamamagitan ng sumusunod na mga palatandaan::

  • Mabilis na tibok ng puso
  • Pagkawala ng skin elasticity
  • Tuyong uhog
  • Mababang presyon ng dugo

Ang mga taong may malubhang cholera ay maaaring magkaroon ng matinding dehydration, na maaaring humantong sa kidney failure. Kung hindi ginagamot, ang matinding dehydration ay maaaring humantong ito sa pagkabigla, pagkawala ng malay, at kamatayan sa loob ng ilang oras.

Cholera at kahirapan

Ang kolera ay laganap sa Estados Unidos  noong 1800s. Napigilan lamang ang pagkalat nito sa pamamagitan ng mga modernong tubig at mga sistema ng paggamot. Mga 10 kaso lamang ng cholera ang naiulat bawat taon sa nasabing bansa. Bihirang magdulot ng cholera ang kontaminadong pagkaing-dagat.

Gayunpaman, ang paglaganap ng cholera ay isa pa ring malubhang problema sa ibang bahagi ng mundo. Iniulat ng World Health Organization na mayroong 1.3 milyon hanggang 4 na milyong kaso ng cholera bawat taon. Ang sakit ay pinaka-karaniwan sa mga lugar na may mahinang sanitasyon, siksikan, digmaan, at taggutom. Kasama sa mga karaniwang lokasyon ang mga bahagi ng Africa, timog Asya, at Latin America. Kung naglalakbay ka sa isa sa mga lugar na iyon, ang pag-alam sa mga sumusunod na katotohanan ng cholera ay makakatulong na protektahan ka at ang iyong pamilya.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cholera

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/cholera?gclid=Cj0KCQjwnbmaBhD-ARIsAGTPcfXEnzxv6z12xWPSo2oOZ_KfMB8lWhBjmGUM2stdSTI1V2MjFPCtAQ4aArJdEALw_wcB

 

Illness and symptoms

https://www.cdc.gov/cholera/illness.html#:~:text=Cholera%20is%20an%20acute%20diarrheal,be%20severe%20and%20life%2Dthreatening.

 

Cholera

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cholera/symptoms-causes/syc-20355287

 

Cholera

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/cholera-faq

 

What is cholera

https://kidshealth.org/en/parents/cholera.html

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Lunas Sa Ubo Na Maaaring Gawin Sa Bahay

Rashes Lang Ba, o Monkeypox Na? Heto Ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas