backup og meta

Halamang Gamot Sa Taba Sa Atay, Anu-Ano Ang Mainam?

Halamang Gamot Sa Taba Sa Atay, Anu-Ano Ang Mainam?

Disclaimer: Mahalagang kumunsulta muna sa doktor bago subukan ang anumang uri ng mga potensyal na halamang gamot sa taba sa atay.

Alam mo ba na ang iyong atay ang pinakamalaking organ sa loob ng katawan? Dahil ito ay parte ng iyong digestive system, tumutulong ito sa pagtunaw ng mga pagkain, pag-imbak ng enerhiya, maging magtanggal ng mga lason sa katawan. Bukod pa rito, mahalaga ang atay dahil ito ay umaaksyon din para mabigyang suporta ang iba’t ibang mga body functions sa pangaraw-araw. Ngunit, paano kung may sobrang taba sa iyong atay? Ano ang maaari mong gawin para rito. Pagdating sa halamang gamot sa taba sa atay, epektibo nga ba?

Pag-Unawa Sa Kung Ano Ang Fatty Liver Disease

Bago tayo dumiretso sa mga halamang gamot sa taba sa atay, atin munang talakayin kung ano ang kondisyon na layuning gamutin.

Tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang fatty liver disease ay isang pangkaraniwang kondisyon na dulot ng pagkakaroon ng masyadong maraming tabang naipon sa atay. 

Ito ay ikinokosiderang problema kapag ang taba umabot na sa 5-10% ng timbang ng iyong atay. Ito ay kumpara sa maliit na halaga na dapat mayroon ang isang malusog na atay. Dahil dito, maaaring maapektuhan ang pagkilos ng atay sa pangaraw-araw na maaaring humantong sa pinsala. Ito ay kilala rin sa katawagang hepatic steatosis o silent liver disease. Ito ay marahil maaari itong mangyari nang hindi nagdudulot ng anumang sintomas. 

Gayunpaman, karamihan sa mga kaso ay hindi naman nagdudulot ng seryosong mga problema ngunit maaari ito lumala sa paglipas ng panahon. Ito ay maaaring umunlad sa tatlong natatanging mga yugto:

  1. Steatohepatitis. Ito ay tumutukoy sa yugto kung saan namamaga ang atay, na humahantong sa pagkapinsala ng mga tissue nito.
  2. Fibrosis. Matapos ang unang yugto, ito naman ay maaaring masundan ng pamumuo ng scar tissue kung saan nasira ang iyong atay.
  3. Liver cirrhosis. Naiilarawan ang pangatlong yugto sa pagkakaroon ng malawak na scar tissue. 

halamang gamot sa taba sa atay

Bukod sa mga yugtong ito, mayroong dalawang pangunahing uri ng fatty liver disease:

  • Alcoholic fatty liver disease. Ito ay tumutukoy sa uri ng kondisyon na buhat ng labis na pag-inom ng alak. 
  • Nonalcoholic fatty liver disease. Bilang katapat ng naunang uri, ito naman ay tumutukoy sa kondisyon na hindi nauugnay sa pag-inom ng alak. Ito ay maaaring maging simple fatty liver o nonalcoholic steatohepatitis (NASH). 

Mga Posibleng Halamang Gamot Sa Taba Sa Atay

Sa katunayan, ayon sa isang pagsusuri ng mga pag-aaral, mayroon ilang mga partikular na halamang gamot, supplements, maging mga pampalasa na maaaring alternatibong gamot para sa nonalcoholic fatty liver disease.

Ngunit importanteng kumunsulta muna sa doktor dahil hindi lamang ito ang dapat asahan para maibsan ang sintomas ng fatty liver.

Kabilang sa mga halamang gamot sa taba sa atay ay ang bawang, turmeric, green tea, at milk thistle. 

Bawang

Nangunguna sa listahan ang isang halamang gamot sa taba sa atay na hindi mawawala sa tahanan ng bawat pamilyang Pilipino, ang bawang. Kilala itong puno ng makapangyarihang antioxidant at anti-inflammatory compounds katulad ng allicin, alliin, at ajoene. Ang mga ito ang maaaring makatulong sa pagsuporta sa kalusugan ng atay. 

Nakakitaan ng isang pag-aaral na ang 51% ng mga kalahok na kabilang sa grupo na nakakuha ng garlic treatment ay mayroong makabuluhang pagbabago sa kalubhaan ng akumulasyon ng taba sa atay. Ito ay kumpara sa 16% lamang mula sa control group. 

Bukod pa rito, napag-alaman ng isa pang pag-aaral na ang pagkonsumo ng hilaw na bawang nang higit sa 7 beses bawat linggo ng mga kalalakihan ay nakatutulong sa pagbawas ng panganib na magkaroon ng fatty liver disease.

Turmeric

Bukod sa bawang, kasama rin sa listahan ng mga posibleng halamang gamot sa taba sa atay ang turmeric. Ito ay nakikilala dahil sa dilaw nitong kulay na mayroong active ingredient na tinatawag na curcurmin. Ang naturang sangkap ang siyang responsable sa pagbawas ng mga salik ng panganib ng nonalcoholic fatty liver disease at hepatic steatosis. Ilan sa mga makapangyarihang anti-inflammatory, antioxidant, at anticancer properties na taglay nito ang siyang dahilan kung bakit mainam ito para sa mga sakit sa atay. 

Green Tea

Kilala ang green tea at ang epigallocathecin-3-gallate (EGCG), isang compound na taglay nito. Karaniwan itong kabilang sa pag-aaral ng halamang gamot paras sa iba’t ibang kondisyon sa atay. 

Milk Thistle

Matagal ng ginagamit ang milk thistle bilang gamot sa mga sakit sa atay. Iminungkahi na ang milk thistle ay may malakas na antioxidant effect na maaaring makatulong sa pagsulong ng liver cell regeneration, bawasan ang pamamaga, at makinabang sa mga may sakit sa atay. Gayunpaman, ang mga resulta mula sa pag-aaral ng tao ay halo-halo. 

Key Takeaways

Malaki ang ginagampanang papel ng atay sa ating kalusugan. Isang pangkaraniwang kondisyon kung ituring ang fatty liver disease. Ngunit, makatutulong naman ang ilang mga halamang gamot sa taba sa atay upang maibsan ang paglaganap at paglala ng naturang kondisyon. 

Tandaan: Kumunsulta sa doktor tungkol sa fatty liver disease. Bagaman may posibilidad na makatulong ang mga nabanggit na halamang gamot, hindi sila dapat subukan ng walang pahintulot ng inyong doktor. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Halamang Gamot dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fatty Liver Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15831-fatty-liver-disease#:~:text=Fatty%20liver%20disease%20(steatosis)%20is,10%25%20of%20your%20liver’s%20weight, Accessed July 11, 2022

Fatty Liver Disease, https://medlineplus.gov/fattyliverdisease.html, Accessed July 11, 2022

Potential Therapeutic Benefits of Herbs and Supplements in Patients with NAFLD – Brandon J. Perumpail, Andrew A. Li, Umair Iqbal, Sandy Sallam, Neha D. Shah, Waiyee Kwong, George Cholankeril, Donghee Kim, and Aijaz Ahmed, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6165515/, Accessed July 11, 2022

Milk thistle (Silybum marianum): A concise overview on its chemistry, pharmacological, and nutraceutical uses in liver diseases – Ludovico Abenavoli, Angelo A Izzo, Natasa Milić, Carla Cicala, Antonello Santini, Raffaele Capasso, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30080294/,  Accessed July 11, 2022

Association between dietary raw garlic intake and newly diagnosed nonalcoholic fatty liver disease: a population-based study – Shunming Zhang, Yeqing Gu, Liu Wang, Qing Zhang, Li Liu, Min Lu, Ge Meng, Zhanxin Yao, Hongmei Wu, Yang Xia, Xue Bao, Honglei Wang, Hongbin Shi, Shaomei Sun, Xing Wang, Ming Zhou, Qiyu Jia, Kun Song, Huiling Xiang, Kaijun Niu, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31557727/, Accessed July 11, 2022

Curcumin in Liver Diseases: A Systematic Review of the Cellular Mechanisms of Oxidative Stress and Clinical Perspective – Mohammad Hosein Farzaei, Mahdi Zobeiri, Fatemeh Parvizi, Fardous F. El-Senduny, Ilias Marmouzi, Ericsson Coy-Barrera, Rozita Naseri, Seyed Mohammad Nabavi, Roja Rahimi, and Mohammad Abdollah, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6073929/, Accessed July 11, 2022

Herbal remedies for liver fibrosis: A review on the mode of action of fifty herbs – Uzma Latief and Riaz Ahmad, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6035307/, Accessed July 11, 2022

Hepatoprotective effects of garlic against ethanol-induced liver injury: A mini-review – Min-Jie Guan, Ning Zhao, Ke-Qin Xie, Tao Zeng, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/29208504/, Accessed July 11, 2022

Therapeutic Effects of Garlic on Hepatic Steatosis in Nonalcoholic Fatty Liver Disease Patients: A Randomized Clinical Trial – Davood Soleimani, Zamzam Paknahad, and Mohammad Hossein Rouhani, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7354004/, Accessed July 11, 2022

Kasalukuyang Version

12/05/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Pababain Ang Cholesterol Gamit Ang Halamang Gamot?

Halamang Gamot Para Sa Sakit Ng Tiyan: Heto Ang Mabisang Solusyon!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement