backup og meta

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?

Madalas na pangkalusugang problema, mapa bata man o matanda, ang pagkakaroon ng mahinang baga o asthma. Ito ay marahil maaaring magdulot ng iba’t ibang sintomas tulad ng paninikip o pananakit ng dibdib, pag-ubo, paghingal, at wheezing. Ngunit, bukod sa mga nakasanay na inhaler at mga tableta, pwede bang magbigay ng halamang gamot sa  mahina ang baga? Ibabahagi ng artikulong ito ang ilan sa mga posibleng makatulong sa iyo. 

Maikling Background Tungkol Sa Asthma

Bago tayo tumungo sa iba’t ibang mga posibleng halamang gamot sa mahina ang baga, ating kilalanin muna maigi ang naturang kondisyon. 

Ang asthma, o hika, ay tumutukoy sa isang sakit na naaapektuhan ang iyong mga baga. Para sa karamihan, ito ay isang pangmatagalang (chronic) kondisyon, lalo na kung nasa hustong gulang ka na noong una kang inatake nito. Samantala, minsan ay nawawala o bumubuti ito pagkatungtong ng mga bata sa kanilang teenage years. Ngunit, maaari rin itong bumalik kalaunan. 

Katulad ng nabanggit, nagdudulot ito ng mga sintomas tulad ng mga sumusunod:

Nangyayari ang asthma attacks kapag may bumabagabag sa iyong mga baga.

Malaki ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng naturang kondisyon kung mayroon sa inyong pamilya ay may hika. Maaaring gumanap ang atopy o ang genetic tendency na magkaroon ng allergic disease sa iyong pagkakaroon ng allergic asthma. Gayunpaman, hindi lahat ng hika ay maituturing na allergic. Maaari ito maging non-allergic kung ang asthma ay dulot ng mga iba’t ibang mga salik sa kapaligiran. Ilan sa mga allergens ay molds, dust mites, paninigarilyo, maging ang pag-eehersisyo. Ang air pollution at mga viral infection sa baga ay maaari ring humantong sa asthma. 

Sa kabilang banda naman, nangyayari ang occupational asthma kapag ang isang taong hindi kailanman nagkaroon ay naexpose at nagkaroon dahil sa kanyang trabaho. Kadalasan ito sa mga taong nagtatrabaho sa mga pabrika at konstruksyon. 

Mga Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga

Mayroon iba’t ibang mga paraan ng paggamot ng mahinang baga dulot ng asthma. Bukod sa mga inhalers, bronchodilators, at anti-inflammatory drugs, maaari mo ring ikonsidera ang paggamit ng mga halamang gamot sa mahina ang baga. 

Bawang

Ang una sa listahan ng mga halamang gamot sa mahina ang baga ay maaari mo na agad matagpuan sa iyong kusina. 

Ayon sa isang pag-aaral, mayroong kaakibat na ilang mga benepisyo sa kalusugan ang bawang. Dahil ang asthma ay isang inflammatory disease, makatutulong ang anti-inflammatory properties nito sa pag-ibsan sa mga sintomas na nararamdaman. Sa katunayan, isa pang maliit na pag-aaral na isinagawa sa mga daga ang nagbigay koneksyon sa paggamit ng parehong bawang at ginseng sa pagbawas ng mga sintomas ng hika.

Luya

Katulad ng bawang, ang luya na karaniwang sangkap din sa iba’t ibang mga putahe ay itinuturing ng iba na halamang gamot sa mahina ang baga. Ito rin ay nagtataglay ng mga anti-inflammatory properties na diumano’y mainam para sa malubhang hika.Ipinakita ng isang pag-aaral na ang pag-inom ng mga oral ginger supplements ay nagpapabuti ng mga sintomas ng hika. 

Turmeric

Ang turmeric ay isa namang dilaw na pampalasa na kadalasang inihahalo sa iba’t ibang mga pagkain. Ito ay nagmumula sa curcumin na taglay nito. Bukod sa pagbibigay nito ng kulay, tanyag din ang naturang compound upang mabawasan ang mga pamamaga. 

Sa isang pag-aaral, inobserbahan ng mga mananaliksik ang mga kalahok na mayroong mild hanggang moderate na asthma. Sila ay pinainom ng curcumin capsules sa loob ng 30 araw. Mula rito, napag-alaman ng mga mananaliksik na nakatutulong ito mabawasan ang airway obstruction, isang maaaring alalahanin sa mga taong mayroong hika. Bagaman ang resulta ng pag-aaral na ito, nangangailangan pa rin ng patuloy na pananaliksikat imnestigasyon upang matukoy ang mga benepisyo at panganib ng paggamit ng naturang halamang gamot sa mahina ang baga. 

Key Takeaways

Madalas na kinikilala ang mga taong may hika sa pagkakaroon nila ng mahinang baga. Gayunpaman, maraming iba’t ibang mga treatment na makatutulong sa pagkontrol ng mga sintomas nito. Ang ilan sa mga nabanggit na halamang gamot ay mainam na pandagdag sa iyong treatment plan, hindi pamalit sa mga ito. 
Mahalagang hindi mabalewala ang mga nararamdamang sintomas. Kung hindi ito aaksyunan agad, maaaring itong humantong sa mas malulubha pang mga kondisyon. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Halamang Gamot dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Evaluation of Efficacy of Curcumin as an Add-on therapy in Patients of Bronchial Asthma – Afroz Abidi, Surabhi Gupta, Manu Agarwal, H.L. Bhalla, and Mahip Saluja, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4190737/ Accessed July 18, 2022

Potential therapeutic effects of curcumin, the anti-inflammatory agent, against neurodegenerative, cardiovascular, pulmonary, metabolic, autoimmune and neoplastic diseases – Bharat B Aggarwal, Kuzhuvelil B Harikumar, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18662800/  Accessed July 18, 2022

Modulation of steroid activity in chronic inflammation: a novel anti-inflammatory role for curcumin – Saibal Biswas, Irfan Rahman, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18327875/ Accessed July 18, 2022

Experimental studies on the effect of (Lambda-Cyhalothrin) insecticide on lungs and the ameliorating effect of plant extracts (Ginseng (Panax Ginseng) and garlic (Allium sativum L.) on asthma development in albino rats – Mouchira M Mohi El-Din, Amna M Mostafa, Aml Abd-Elkader, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24739272/ Accessed July 18, 2022

Effects of Ginger and Its Constituents on Airway Smooth Muscle Relaxation and Calcium Regulation – Elizabeth A. Townsend, Matthew E. Siviski, Yi Zhang, Carrie Xu, Bhupinder Hoonjan, and Charles W. Emala, https://www.atsjournals.org/doi/full/10.1165/rcmb.2012-0231OC Accessed July 18, 2022

Short-term heating reduces the anti-inflammatory effects of fresh raw garlic extracts on the LPS-induced production of NO and pro-inflammatory cytokines by downregulating allicin activity in RAW 264.7 macrophages – Jung-Hye Shin, Ji Hyeon Ryu, Min Jung Kang, Cho Rong Hwang, Jaehee Han, Dawon Kanga, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0278691513002287?via%3Dihub  Accessed July 18, 2022

Asthma: New Integrative Treatment Strategies for the Next Decades – Diego A. Arteaga-Badillo, Jacqueline Portillo-Reyes, Nancy Vargas-Mendoza, José A. Morales-González, Jeannett A. Izquierdo-Vega, Manuel Sánchez-Gutiérrez, Isela Álvarez-González, Ángel Morales-González, Eduardo Madrigal-Bujaidar, and Eduardo Madrigal-Santillán,  https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7558718/ Accessed July 18, 2022

Asthma, https://www.nhs.uk/conditions/asthma/ Accessed July 18, 2022

Asthma, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6424-asthma Accessed July 18, 2022

Learn How to Control Asthma, https://www.cdc.gov/asthma/faqs.htm#:~:text=What%20Is%20Asthma%3F,or%20early%20in%20the%20morning. Accessed July 18, 2022

Kasalukuyang Version

12/05/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Sakit Sa Katawan: Anu-Ano Ang Mga Mabisa?

Halamang Ornamental Na Maaaring Gamiting Gamot, Alamin Dito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement