backup og meta

Halamang Gamot Para Sa UTI: Mayroon Nga Ba?

Halamang Gamot Para Sa UTI: Mayroon Nga Ba?

Ang urinary tract infection o UTI ay isang infection sa kahit na anong parte ng iyong urinary system, kabilang na ang urethra, pantog, mga bato, at ureters. Sa kabutihang palad liban sa mga komersyal na antibiotics, ang mga halamang gamot sa UTI ay mabibili rin.

Karamihan ng mga UTI infections ay nakaaapeto sa pantog o urethra, na nasa ilalim na bahagi ng urinary tract. Ito ay sinasabing isa sa mga pinaka karaniwang bacterial infections at mas karaniwan sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

Mabuti na lamang, ang UTI ay madali lang ma-diagnose at maaaring malunasan ng antibiotics. Para sa mga pasyenteng may hindi komplikadong UTIs, mayroong mga halamang gamot na mabibili upang matulungang malunasan o maiwasan ang UTIs.

Paano Malalaman kung Ikaw ay may UTI?

Sintomas

Bago lunasan ang UTI, kailangan na mapatingin muna ito upang magarantiya na maibigay ang akmang mga gamot. Ayon sa pag-aaral, ang hindi tamang paggamit ng antibiotics ay isa sa mga rason kung bakit ang ilang pathogens ay naging resistant sa tiyak na mga gamot.

Ang ilan ay ginagamot ang sarili at gumagamit ng antibiotics nang walang sapat na patunay na sila ay may bacterial infection. Kahit na mayroon sila, maaaring magamit nila ang maling gamot na maaaring maging sanhi ng resistant sa bacteria.

Ngunit paano mo malalaman kung kailangan mong tawagan ang doktor?

Nasa ibaba ang mga sintomas ng UTI:

  • Matapang na amoy ng ihi
  • Laging naiihi
  • Cloudy na ihi
  • Ihi na matingkad na pink, pula, o kakulay ng cola na indikasyon ng dugo
  • Nakararanas ng hapdi kung umiihi
  • Palaging umiihi ngunit kaunti lamang
  • Sakit sa bahagi ng pelvis na kadalasang nangyayari sa mga babae

Kung nararamdaman ang kahit na ano rito, maaari mong tawagan ang iyong doktor, at papayuhan ka nilang magsagawa ng urine test, upang malaman nila kung ikaw ba ay may bacterial infection sa iyong urinary system. Base sa resulta, magrerekomenda sila ng iba’t ibang lunas tulad ng komersyal na antibiotics o halamang gamot sa UTI.

Iba’t ibang Uri ng UTI at Mga Sintomas

May iba’t ibang uri ng UTI, depende sa kung anong parte ng urinary system infected. Bawat uri ay maaaring iba-iba rin ng sintomas.

Acute Pyelonephritis

Sa acute pyelonephritis, ang bato ay infected. Ayon sa National Kidney Foundation, ito ay mas seryosong urinary tract infection. Ang Pyelonephritis ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa kidney sa mga bata kung ang problema ay hindi nalunasan sa lalong madaling panahon at lumala.

Kabilang ang mga sintomas na:

  • Mataas ng lagnat
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Side (flank at sakit sa itaas na bahagi ng likod
  • Panginginig at chills

Urethritis

Ito ang klinikal na termino kung ang iyong urethra ay infected ng bacteria sa urethritis. Ang mga pasyente ay kadalasang nakararanas ng discharge at hapdi kung sila ay umiihi.

Cystitis

Kung ang pantog ay infected, ito ay tinatawag na cystitis. Kabilang ang mga sintomas na:

  • Senyales ng dugo sa ihi
  • Pelvic pressure
  • Lagi at masakit na pag-ihi
  • Masakit na bahagi ng tiyan

Paano Nadi-Diagnose ang UTI?

Kung nararamdaman ang kahit na anong sintomas at humingi na ng medikal na atensyon, ang iyong doktor ay magsasagawa ng urine test na kailangan mong magbigay ng sample ng ihi. Ang urinalysis ay karaniwang sapat na upang makita ang presensya ng bacteria. Titingnan ng mga eksperto ang bacteria sa iyong ihi o mga white blood cells, na senyales ng infection. Karagdagan, isa pang test ang kailangang isagawa upang malaman ang tiyak na bacteria na nagiging sanhi ng infection. Ang pinaka karaniwan ay ang E.coli, na normal na nakikita sa loob ng colons.

Ayon sa Urology Care Foundation, maaari ka ring makakuha ng agarang medikal na tulong kung nakakita ka ng dugo sa iyong ihi. Maaari itong senyales ng urinary tract infection, ngunit maaari ding senyales ng iba pang isyu ng iyong urinary tract.

Paano Nagagamot ang UTI?

Ang lunas ay depende kung gaano kalala ang problema.

Ang simple (hindi komplikado) na urinary tract infection ay maaaring madaling malunasan gamit ang oral antibiotics na irereseta ng doktor. Mahalaga na matapos ang full course ng pag-inom ng antibiotics kahit na ang sintomas ay nawala na ng ilang mga raw upang masiguro na ang bacteria ay tuluyan nang nawala at hindi ka magkaroon ng resistance sa ginagamit na antibiotics.

Sa kabilang banda, ang komplikadong UTI ay ginagamot din gamit ang antibiotics. Gayunpaman, ang mga pasyente ay kailangan na inumin ito nang ilang mga araw. Sa ospital, ang intravenous (IV) antibiotic ay ibinibigay at ipinagpapatuloy ang oral form ng antibiotics sa bahay.

Halamang Gamot sa UTI

Para sa ibang mga tao, ang pagpili ng natural na lunas ay isa sa mga mainam na aksyon, lalo na sa mga may allergies sa mga tiyak na uri ng gamot sa UTI.

Sa isang pag-aaral, ang halamang gamot sa UTI ay epektibo kung ito ay ipapares kasama ng akmang estratehiya ng therapeutic dosing. Kaugnay niyan, mahalaga na magpa-test sa ihi at magtakda ng appointment sa iyong doktor sa lalong madaling panahon. Kung nais na gumamit o gumagamit na ng mga halamang gamot, mabuti nang sabihin ito sa iyong doktor upang malaman nila.

Gayunpaman, narito ang mga halamang gamot na maaari mong subukan laban sa urinary tract infections:

Bearberry. Ang bearberry ay kilala rin sa tawag na uva ursi ay kilala bilang epektibong panlaban sa bacterial infection tulad ng UTIs. Marami itong iba’t ibang benepisyo dahil ito ay umaaksyon bilang antibacterial, astringent, urinary antiseptic, at diuretic.

Cornsilk at horsetail. Ang dalawang halamang ito ay may diuretic na epekto at nagpapagaan ng irritated mucous membranes.

Cranberry. Ito na marahil ang pinaka kilalang natural na lunas laban sa UTI para sa karamihan. Ito rin ay epektibong nakaiiwas mula rito dahil napapanatili nito ang bacteria mula sa pagdikit sa urinary tract kaya’t kayang alisin ito ng sistema. Gamit ang cranberry, maaaring maiwasan ng mga tao ang pagkakaroon ng cystitis.

Goldenseal. Ang halamang ito ay natural na antibacterial at maaaring epektibo laban sa bacterial infections tulad ng UTI.

Ang bearberry, horsetail, at cornsilk ay maaaring ikonsumo bilang herbal na tsaa. Maaari itong inumin araw-araw hangga’t sinasabi ng doktor na ayos lamang ito. Mayroon ding mga mabibiling herbal tinctures na nagtataglay ng concentrated constituents ng mga herbs na ito, na nagbibigay ng mas epektibong resulta.

Sa Pilipinas, ang mga taong nakararanas ng UTI ay hinihikayat na uminom ng maraming tubig, buko juice o coconut water, at luyang tsaa upang makatulong na matanggal ang toxins.

Key Takeaways

Ang urinary tract infections o UTIs ay isa sa pinaka karaniwang bacterial infections na tipikal na nararanasan ng kababaihan. Bagaman ito ay madali lang na malunasan gamit ang antibiotics, posible rin ang paggamit ng natural na lunas upang gumaling at maiwasan ang UTIs. Gayunpaman, magtungo pa rin sa doktor para magpatingin.

Matuto pa tungkol sa Herbals & Alternatibong lunas.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Antibiotic overuse: a key driver of antimicrobial resistance, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4240113/, Accessed June 18 2020

Effective Use of Herbal Medicine in Urinary Tract Infections – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/22432459/, Accessed June 18 2020

Urinary Tract Infection(UTI): Symptoms, Diagnosis & Treatment – Urology Care Foundation, https://www.urologyhealth.org/urologic-conditions/urinary-tract-infections-in-adults, Accessed June 18 2020

Urinary tract infection (UTI) – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447, Accessed June 18 2020

Urinary Tract Infections | National Kidney Foundation, https://www.kidney.org/atoz/content/uti, Accessed June 18 2020

Kasalukuyang Version

12/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Rayuma Sa Kamay, Anu-Ano Ito?

Halamang Gamot Sa Vertigo, Anu-Ano Nga Ba Ito? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement