backup og meta

Buko Juice Para Sa UTI, Epektibo Nga Ba?

Buko Juice Para Sa UTI, Epektibo Nga Ba?

Isa ang UTI o urinary tract infection sa mg karaniwang kondisyon na madalas makuha ng mga tao, mapa bata man o matanda. Marahil ito ang dahilan sa paghahanap ng mga posibleng makatulong sa paggamot sa naturang sakit. Isa sa mga solusyon na naiisip ng marami ay ang buko juice na madalas iniinom kapag mainit ang panahon. Paano nakatutulong ang buko juice para sa UTI? Alamin ang detalye dito. 

Bago tayo tumungo sa pag-alam kung mabisa ba ang buko juice para sa UTI, ating alamin at unawain ang kondisyong tinutukoy. 

Ano Ang UTI?

Gaya ng iminumungkahi nito,  ang urinary tract infection (UTI) ay isang karaniwang impeksyon  na nagaganap sa kahit anong parte ng iyong urinary system, kabilang ang iyong mga bato (kidneys), pantog (bladder), urethra, at ureters. Ngunit, karamihan sa mga impeksyon ay nagaganap sa lower urinary tract na kinabibilangan bladder at urethra.

Ito ay nagdudulot na pamumula at pagkairita ng lining, na maaari ring magdulot ng ilan sa mga sumusunod na sintomas:

  • Pananakit ng tagiliran, tiyan, o pelvic area
  • Presyon sa ibabang pelvis
  • Madalas (frequency) apurahang (urgency), at incontinence (urine leakage) na pag-ihi
  • Dysuria (pananakit habang naihi) at pagkakaroon ng dugo sa ihi
  • Pangangailangang umihi sa gabi
  • Abnormal o kakaibang kulay ng ihi (cloudy urine) na may mabahong amoy

Ang ilang mga tao, tulad ng mga kababaihan, ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng UTI. Ito ay dahil ang urethra nila ay mas maikli at mas malapit sa rectum o pwetan. Pinapadali nito ang pagpasok ng mikrobyo sa daanan ng ihi. Kadalasan naman itong nagagamot gamit ang mga antibiotic. Ngunit, alam mo ba na maaari ring uminom ng buko juice para sa UTI?

Paano Nakatutulong Ang Buko Juice Para Sa UTI?

Kilala ang buko juice, o kung tawagin ng iba ay coconut water, bilang isang inumin na nakakapagpawi ng uhaw lalo na sa mainit na panahon. Mayroon itong bahagyang tamis at nutty na lasa at mababang sugar at calorie content. Bukod pa rito, ipinagmamalaki rin nito ang taglay ng electrolyte tulad ng mga sumusunod:

Nakatutulong ang mga ito upang mapunan ang mga nawalang nutrients. Dahil sa mga ito, natuklasan ng mga mananaliksik na ugnayan ng buko juice para sa UTI at iba pang mga posibleng karamdaman. 

Ayon sa isang pag-aaral, napataas ng pagkonsumo ng buko juice ang urinary citrate (29%), urinary potassium (130%), at urinary chloride (37%), nang hindi naaapektuhan ang pH ng ihi o ang dami ng tap water. Ang mga numero at datos na ito ay nangangahulugan ng pagiging epektibo ng buko juice para sa UTI. Ito ay marahil naiiwasan nito ang paglala ng kondisyon at nasosolusyunan ng hydration ang pangunahing alalahanin. 

Matatandaan na ang pag-inom ng fluids nakakatulong na palabnawin ang iyong ihi. Higit pa rito, natitiyak din nito ang pagdalas ng pagihi upang ma-flush out ang bacteria mula sa iyong urinary tract. Ito rin ay ikinumpirma ng urologist na si Dr. Samuel Yrastorza sa programang ‘Good Vibes’ sa DZMM. 

Sa panibagong pag-aaral sa mga daga, nakahanap din ang mga mananaliksik ng mga katulad na benepisyo. Napag-alaman na epektibo ang buko juice sa pagpapagaan ng pinsala sa bato mula sa diabetes.

Bukod sa buko juice para sa UTI, marami rin ang umiinom ng cranberry juice.Mayroong ilang mga indikasyon na ang mga cranberry products, juice man o tableta, ay maaaring may mga infection-fighting properties. Patuloy din na pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang kakayahan ng cranberry juice sa pag-iwas laban sa kondisyon.

Paano Maiiwasan Ang UTI?

Bagaman karaniwan ang UTI, maaari naman itong maiwasan. Narito ang ilang pwede mong gawin:

  • Pagpraktis ng good hygiene
  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Paggamit ng water-based lubricant habang nagtatalik
  • Pagpalit ng birth control method
  • Pag-ihi matapos ang pagtatalik

Key Takeaways

Ang UTI ay isang pangkaraniwang impeksyon na maaaring makuha ng kahit sino. Makatutulong ang pag-inom ng maraming fluids, tulad ng tubig at buko juice, upang hindi lalong lumala ang kondisyon. Ngunit, tandaan na mas mainam pa rin ang pag-iwas sa posibilidad na mangyari ito kaysa sa pangangailangan na gamutin. Maaari kang kumunsulta sa iyong doktor kung mayroong pagaagam-agam. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Mga Halamang Gamot dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Coconut Water: An Unexpected Source of Urinary Citrate – Roshan M. Patel, Pengbo Jiang, John Asplin, Ignacio Granja, Taylor Capretz, Kathryn Osann, Zhamshid Okhunov, Jaime Landman, and Ralph V. Clayman, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6236775/, Accessed June 22, 2022

Effects of coconut water on blood sugar and retina of rats with diabetes – Yanan Dai, Li Peng, Xiaohua Zhang, Qingjing Wu, Jie Yao, Qiu Xing, Yunyan Zheng, Xiaobo Huang, Shaomei Chen, and Qing Xie, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7849505/, Accessed June 22, 2022

The Health Benefits of Coconut Water, https://health.clevelandclinic.org/the-health-benefits-of-coconut-water/, Accessed June 22, 2022

What is coconut water and what’s behind the hype?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/coconut-water/faq-20207812, Accessed June 22, 2022

Pag-inom ng buko juice, gamot nga ba sa UTI?, https://news.abs-cbn.com/life/10/13/17/pag-inom-ng-buko-juice-gamot-nga-ba-sa-uti, Accessed June 22, 2022

Urinary tract infection (UTI), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447, Accessed June 22, 2022

Urinary Tract Infections, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9135-urinary-tract-infections, Accessed June 22, 2022

Kasalukuyang Version

12/01/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

5 Pagkain Na Bawal Sa May UTI

Sanhi ng UTI o urinary tract infection, ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement