backup og meta

Efficascent Oil: Kailan Ba Ito Dapat Gamitin?

Efficascent Oil: Kailan Ba Ito Dapat Gamitin?

Saan ginagamit ang efficascent oil? Marahil ay nakita mo na ito — isang bote na naglalaman ng berdeng likido. Sa harap nito nakalagay ang salitang “Efficascent Oil.” Sa katunayan malalaman mo na agad kung maamoy mo ito. Maaaring maalaala mo rin ang iyong magulang o maging ang lolo o lola, na may ganitong bote para sa kanilang mga kasukasuan. Sa maraming dekada, ginagamit ng mga tao ang oil na ito sa pagpapaginhawa ng sakit sa katawan at bilang pamahid sa pagpapamasahe. Sa artikulong ito, tatalakayin ang nilalaman ng substance na ito at nilalaman kung bakit epektibo. Alamin natin saan ginagamit ang efficascent oil?

Saan ginagamit ang efficascent oil? 

Ang oil na ito ay isang panghaplos na panandaliang nagpapagaan sa mga pananakit ng muscles at kasukasuan. Ang panghaplos ay likido na nilalagay sa balat upang mapawi ang sakit at paninigas sa katawan. Maaari itong gamitin kung may pananakit sa likod, arthritis, muscle strains, at pilay

Saan ginagamit ang efficascent oil? Sa Pilipinas, ang efficascent oil ay tanyag na brand. Dahil dito, naglabas pa ito ng isang pang uri na tinatawag na “relaxing oil”, na naglalayon na makabawas sa stress. Noong 2017, nagsagawa ng survey ang CNN Philippines sa 200 kalahok tungkol sa pinagmumulan ng stress. Itinala ng mga kalahok ang trabaho, traffic, pera, pamilya, at personal na problema bilang mga stressors. Ang bagong variant na ito ay naglalaman ng eucalyptus at peppermint essential oil upang pakalmahin ang mga nerves. Katulad ng orihinal na pang haplos, maaaring ipahid ang oil na ito sa sentido at leeg o langhapin ang amoy nito. 

Ano ang mayroon sa efficascent oil para  maging epektibo ito bilang pampaginhawa sa pananakit? 

Methyl salicylate 

Ito ay over-the-counter na gamot na maaaring ipahid sa balat, naglalaman ng anti-inflammatory at mga analgesic properties  (Tandaan: Ang analgesics ay painkillers na nagpapaginhawa sa lahat mula ulo hanggang arthritis.) Ang dahon ng wintergreen at birch bark ay pangunahing pinagkukunan ng methyl salicylate. Ang dahon ng wintergreen ay ginagamit bilang medikal na gamot sa pamamaga at mayroong nagpapainit sa balat na epekto. Sa ibang pinagkukunan nito, ang birch bark ay may antipyretic (pagpapababa ng lagnat) at antirheumatic properties, bukod sa iba. 

Sa efficascent oil, sinisipsip ng balat ang methyl salicylate. Kung kaya napagiginhawa nito ang sakit ng tao na nagtitiis sa rheumatism, pananakit ng muscles, at kasukasuan. 

Camphor 

Ang partikular na sangkap na ito ay mula sa camphor wood tree. Ang camphor ay may epekto sa sintomas ng pamamaga, infection, congestion, pananakit, at iritasyon. Gayunpaman, ang taong may rheumatism ay naniniwalang may malaking gamit ang sangkap na ito. Ang rheumatoid arthritis ay isang autoimmune na kondisyon na pangunahing naaapektuhan ang mga kasukasuan. Ang taong mayroon nito ay nagtitiis sa sakit ng muscle o katawan, paninigas, lamig at pamumula sa mga bahaging ito. Sa karagdagan, ito ay umaakto bilang analgesic, antiseptic, anti-inflammatory, nasal decongestant, expectorant, at pampigil sa ubo. 

Tulad ng methyl salicylate, madaling sinisipsip ng balat ang camphor. Ito ay nag-ambag din sa lamig na pakiramdam ng efficascent oil.

Menthol 

Samantala, ang menthol ay mula sa halamang peppermint, Mentha x piperita. Pinapahid sa balat at ina-activate nito ang analgesic na daluyan sa utak. Ang pangmatagalang gamit, non-opioid reliever na ito ay nilalabanan ang irritants sa pamamagitan ng pagpapasigla ng mga panlaban nito sa mga pananakit at pinahihina ang mga ito. Ang sangkap na ito ay may kakaibang malamig na epekto, na nangyayari sa pagpapasigla ng transient receptor potential melastatin-8 (TRPM8) channels.

Key Takeaways

Saan ginagamit ang efficascent oil? Ang efficascent oil ay nagpapaginhawa sa mga pisikal na sakit sa muscle at kasukasuan. Ito ay naglalaman ng methyl salicylate, camphor, at mentol, ang lahat ng ito ay sinisipsip ng balat at nakakatanggal ng pananakit sa epekto. 
Partikular na nakakakuha ng benepisyo ang taong may rheumatoid (sakit sa kasukasuan). 
May mainit na epekto ang methyl salicylate sa balat at naglalaman ng antirheumatic at antipyretic properties. Sa kabilang banda ang camphor ay isang analgesic at nasal decongestant, bilang iba pang gamit. Ang huling sangkap nito, ang menthol ay non-opioid na nagpapasigla sa analgesic pathways sa utak. Dahil sa mga ito, ang efficascent oil ay lubos na epektibo

Matuto pa tungkol sa Alternatibong gamot rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Methyl Salicylate, https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/methyl-salicylate. Accessed 21 Mar 2022

Genuine Efficascent, https://www.drugs.com/otc/102514/genuine-efficascent.html. Accessed 21 Mar 2022

Camphor (Cinnamomum camphora), a traditional remedy with the history of treating several diseases, https://doi.org/10.5348/ijcri-2013-02-267-RA-1. Accessed 21 Mar 2022

The role and mechanism of action of menthol in topical analgesic products, https://doi.org/10.1111/jcpt.12679. Accessed 21 Mar 2022

Celebrities launched the freshest innovation of Efficascent Oil, https://www.cnnphilippines.com/lifestyle/2017/11/29/celebrities-launched-the-freshest-innovation-of-efficascent-oil.html. Accessed 21 Mar 2022

Liniment, https://www.britannica.com/dictionary/liniment. Accessed 21 Mar 2022

Analgesics, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/21483-analgesics. Accessed 21 Mar 2022

Gaultheria, https://www.sciencedirect.com/topics/pharmacology-toxicology-and-pharmaceutical-science/gaultheria. Accessed 21 Mar 2022

Betula lenta L., https://hort.purdue.edu/newcrop/duke_energy/Betula_lenta.html. Accessed 21 Mar 2022

Rheumatoid arthritis, https://www.nhs.uk/conditions/rheumatoid-arthritis/symptoms/. Accessed 21 Mar 2022

Kasalukuyang Version

12/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Tatlong Halamang Gamot Sa Fungi, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Halamang Gamot Sa Muscle Pain, Anu-Ano Kaya Ito?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement