Halamang gamot sa muscle pain at essential oils sa kasukasuan. Ito ang mga paboritong natural na pain relievers na ginagamit ng mga taong takot sa mga side effects ng over the counter medicines. Hindi pa man lubusang ginalugad ng mga mananaliksik ang mga opsyong ito, may ilang ebidensya naman na nagsasabing kapaki-pakinabang ang mga remedyong ito.
Maaaring nasubukan mo na ang isa o lahat sa mga halamang gamot na ito at napatunayan na epektibo nga. Subalit, alam mo ba ang dahilan kung bakit sila epektibong panggamot? Tingnan kung saan dito sa listahan ng mga natural na pain relievers ang ginagamit mo at kung ano ang sinasabi ng siyensya tungkol dito.
Pinya: Halamang Gamot Sa Muscle Pain
Ang pinya ay may taglay na bromelain na tinatawag na proteolytic enzyme. Ito ay may anti-inflammatory properties na lumalaban sa sakit at pamamaga. Naglalaman din ito ng mga kemikal na tila nakakasagabal sa mga tumor cells at nagpapabagal sa blood clotting. Maaaring makatulong din ang bromelain sa mga may pamamaga na nauugnay sa isang aksidente o pisikal na trauma. Maaari itong magsulong ng pag galing sa mga kalamnan at connective tissues.
Binabawasan ng bromelain ang mga antas ng prostaglandin, mga hormones sa katawan na kumokontrol sa pamamaga. Mayroong pananaliksik na nagpapakita ng magandang epekto ng bromelain sa mga taong may arthritis at mga kondisyong nauugnay sa musculoskeletal tension tulad ng temporomandibular joint (TMJ) syndrome. Ang TMJ ay nagdudulot ng pananakit sa paligid ng panga at mga nakapaligid na lugar kabilang ang mga tainga at mata.
Saang parte ng pinya galing ang bromelain?
Ang bromelain ay nakukuha mula sa mga tangkay ng pinya at sa pineapple juice. Bagama’t ang slices ng pinya ay naglalaman ng kaunting bromelain, hindi ito sapat na pinagkukunan ng halamang gamot sa muscle pain.
Madalas itong ginagamit upang mabawasan ang pamamaga mula sa tendinitis, sprains at strains, at iba pang maliliit na pinsala sa kalamnan. Bagama’t ang mga pag-aaral ay nagpapakita ng magkahalong resulta, maaaring mabawasan ng bromelain ang sumusunod:
- Pamamaga
- Pasa
- Oras ng pagpapagaling
- Pananakit pagkatapos ng operasyon at mga pisikal na pinsala
Chili Peppers
Ginagamit din ang chili peppers na may capsaicin bilang halamang gamot sa muscle pain. Bagama’t di pa sigurado ng mga pananaliksik kung bakit ito nagpapagaan ng sakit, may paniniwala na binabawasan nito ang sensitivity ng balat sa sakit sa pamamagitan ng nociceptor fibers, mga berves na nagdadala ng mga senyales ng sakit.
Maging maingat sa pag gamit ng chili peppers dahil maaari itong maging sanhi ng banayad na pagkasunog kapag inilapat ito sa balat. Naitala sa mga pag-aaral ang mahalagang papel na ginagampanan ng capsaicin topical creams at patches sa pamamahala ng sakit. Maraming mga produktong pampawala ng sakit ang naglalaman ng capsaicin.
Ano ang capsaicin bilang halamang gamot sa muscle pain?
Ang capsaicin ang pinaka-masangsang na sangkap sa pulang paminta. Ginamit to bilang halamang gamot sa loob ng maraming siglo. Kamakailan, ang kahalagahan nito ay muling isinailalim sa pagsisiyasat dahil sa ebidensya na partikular na gumagana ito sa subpopulation ng primary sensory neurons na may nociceptive function. Ang mga neurons na ito, bukod sa pagbuo ng mga sensasyon ng sakit, ay kaugnay din sa prosesong neurogenic inflammation.
Matagumpay na ginagamit ang capsaicin sa pagkontrol ng sakit sa:
- Postherpetic neuralgia
- Diabetic neuropathy at iba pang kondisyon ng sakit na neuropathic
- Pag kontrol sa sakit ng osteoarthritis
- Pag-iwas sa pag-atake ng cluster headache
Turmeric
Ang turmeric, na naglalaman ng antioxidant compound na tinatawag na curcumin, ay mabisang halamang gamot sa muscle pain. Ang curcumin ay may epekto sa nervous system at nako-kontrol nito ang mga inflammatory proteins na cytokines. Kapag hindi kontrolado ang mga cytokine, maaaring mangyari ang isang kondisyon na kilala bilang cytokine storm syndrome. Ito’y nauugnay sa malubhang sakit at pamamaga.
Makakatulong din ang turmeric na maibsan ang sakit na dulot ng autoimmune disease gaya ng:
- Hashimoto’s thyroiditis
- Tendonitis
Luya
Natuklasan ng mga mananaliksik noong 2010 na ang luya ay isang mabisang halamang gamot sa muscle pain, o pananakit ng kalamnan na sanhi ng isang pinsalang dulot ng ehersisyo. May isa ring pananaliksik na nagsasabing ang luya ay maaaring magpakalma ng sakit sa arthritis, posibleng sa pamamagitan ng pagpapababa ng prostaglandin.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkonsumo ng hanggang apat na gramo ng luya sa isang araw ay maaaring makatulong sa pamamahala ng pananakit at pamamaga. Maaari mong makuha ang mga benepisyo ng luya sa mga pagkain at inumin.
Epektibo ba ang halamang gamot sa muscle pain?
Maingat na tiningnan ng mga mananaliksik ang ilang mga herbal na paggamot na kadalasang ginagamit bilang mga pain relievers. Ang ilan sa mga ito ay nagpapakita ng potensyal upang mabawasn ang pananakit ng arthritis at iba pang mga sakit na dulot ng pamamaga. Gayunpaman, mas mabuting makipag ugnayan sa iyong doktor kung akma ba ito sa iyong kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.