Benepisyo ng essential oils — marami ang nagtatanong tungkol rito. Lalo na at ang paggamit ng essential oils ay lalong nagiging popular. Ito ay dahil sa paghahanap ng tao ng mga alternative sa traditional medicine.
Ano Ang Benepisyo Ng Essential Oils?
Ang essential oils ay ginawa mula sa pag-press o distiling ng mga dahon, bulaklak, balat, o kahit na prutas. Ang mga concentrated plant extract na ito ay ligtas, at natural treatment para sa iba’t ibang karamdaman.
Ito ang ilan sa mga kilalang benepisyo ng essential oils at ang kanilang mga kagandahan sa kalusugan ay kinabibilangan ng:
- Lavender oil. Nakakapagpakalma at nakakatanggal ng stress
- Chamomile oil. Tulong sa pagtulog
- Tea tree oil. Antibacterial at ginagamit ang mga kondisyon ng balat tulad ng acne
- Peppermint oil. Pinapaginhawa ang pananakit ng ulo at hindi pagkatunaw ng pagkain
- Lemon. Pinapaganda ang mood at pinapabuti ang enerhiya
Benipsyo Ng Essential Oils: Paano Gumamit Nito?
Ang totoong essential oils ay nangangailangan ng maraming materyal para mai-produce. Tandaan na ang paglalagay ng iba pang materyal sa essential oils ay magreresulta sa isang concentrated fragrance.
Ang natural scent ng essential oils ay ideal para gamitin sa aromatherapy. Kung saan ang pabango ay isang centuries-old practice na ginagamit para mapabuti ang kalusugan at kagalingan. Natri-trigger ng amoy ang limbic system, na kumokontrol sa mga function tulad ng paghinga at tibok ng puso pati na rin ang pagproseso ng mga emosyon.
Mayroong ilang mga paraan para magamit ang essential oils para sa aromatherapy:
Benepisyo Ng Essential Oils: Aromatherapy Accessories
Ang essential oils ay maaaring ilagay sa isang small pendant na isusuot bilang isang kwintas o pulseras. O ilagay sa isang keychain para madaling ma-access ng gumagamit.
Benepisyo Ng Essential Oils: Mga Diffuser
Ang diffuser ay isang simple appliance na gumagamit ng apoy para magpainit ng oil. Kapag pinainitan ang oil ay nagisimula itong magpakalat ng amoy o fragrance. Masasabi na ang mga modernong diffuser ay electronic at mas ligtas gamitin. Ang ilang mga disenyo ay gumagamit pa rin ng pag-activate ng init. Ngunit ang mas popular na paraan ngayon ay ang pagtunaw ng essential oil sa tubig. Para maglabas ng fragrance sa pamamagitan ng mist. Ang mga diffuser ay kapaki-pakinabang para sa pagpapakalat ng amoy sa isang mas malaking lugar.
Body Oils
Dahil sa kanilang purong kalidad. Ang essential oils ay hindi maaaring mailapat nang direkta sa balat. Sapagkat maaari itong magdulot ng pangangati sa balat. Mula sa mga pantal hanggang sa chemical burns na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Para gawing ligtas ang mga ito sa kasalukuyang aplikasyon. Ang mga essential oils ay dapat na diluted sa mga carrier oils. Tulad ng jojoba, niyog, sweet almond, at avocado para mabawasan ang kanilang potency.
Kapag natunaw na, ang pinaghalong langis ay maaaring imasahe ito sa balat. Ngunit magsagawa na muna ng isang patch test. Sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na bahagi sa balat. Para tingnan kung magkakaroon ng allergy reactions bago gumamit ng mas liberal dosage.
Ligtas Bang Gamitin Ang Mga Essential Oil?
Mahalagang tandaan na kahit na ang essential oils ay nagmula sa mga natural na pinagkukunan. Ang extract ng halaman ay naglalaman pa rin ng chemical componets na maaaring makaapekto sa normal body function. Tandaan na maging maingat sa paggamit ng essential oils.
Ang mga taong may ilang partikular na kondisyong medikal, mga buntis na kababaihan, at maliliit na bata ay hindi dapat gumamit ng essential oils.
Ito ay dahil ang:
- Ang fragrance ay maaaring mag-trigger ng mga allergic reaction at pag-atake ng hika. Laging tandaan na ang fragrance ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto sa iba’t ibang tao.
- Ang mga essential oils ay maaaring magdulot ng drug interaction ng gamot sa ilang iniresetang gamot. Sa isang uri ng essential oils, maaari silang maging kasing dami ng 500 na kemikal.
- Ang ilang essential oils ay maaaring maging sanhi ng maagang panganganak at miscarriage. Ang link na ito ay nangangailangan ng higit pang pag-aaral at pagsubok. Sa pangkalahatan, dapat iwasan ng mga buntis na kababaihan ang paggamit ng essential oils nang walang pangangasiwa ng medikal.
- Ang ilang essential oils, tulad ng lavender oil at langis ng puno ng tsaa, ay natagpuan na nakaaapekto sa hormonal activity ng isang tao. May isang klinikal na pag-aaral na nag-uugnay sa interaksyon ng abnormal breast tissue sa debelopment ng lalaki.
Dahil sa risk ng mga negatibong epekto sa ilang grupo, ipinapayo ng doktor na huwag gumamit ng diffuser na may essential oils sa mga pampublikong lugar.
Huwag kumain ng essential oils. Dahil ang paglunok ng essential oils ay maaaring makasunog ng bibig, lalamunan, at iba pang bahagi ng digestive system. Ang pag-inom nito ay maaari ring humantong sa pagkalason at liver toxicity.
Anu-Ano Ang Mga Panganib?
Dahil sa malawak na hanay ng mga aplikasyon nito. Ang essential oils ay matagal nang pinag-aralan para sa kanilang potensyal na paggamot:
- Pagkabalisa
- Insomia at sleep orders
- Alta-presyon
- Pampawala ng sakit
- Dementia
Gayunpaman, ang faulty study methodology at mixed results ay gumagawa ng isang poor case for aromatherapy. Bilang reliable alternative sa conventional o evidence-based medicine. Kailangan pa ng mas mataas na kalidad na pag-aaral.
Isa sa mga promising na pag-aaral tungkol sa benepisyo ng essential oils. Para tulungan ang mga tao na may mild sleep disturbances. Ipinapakita ng mga resulta ng 11 controlled trials na ang paglanghap ng lavender essential oils ay may positibong epekto sa pagtulog. Ipinapakita nito na walang masamang epekto sa mga gumagamit. Gayunpaman, kinakailangan ang mas malaking sukat ng sample. Para mas ma-establish ang findings nito.
Bahagi ng hamon sa pag-e-establish ng viability ng aromatherapy ay nakasalalay sa kung paano nilikha ang essential oils: bilang isang natural na produkto. Ang mga extract ng halaman ay maaaring magresulta sa ilang pagkakaiba-iba sa komposisyon ng kemikal nito. Na naiimpluwensyahan ng plant’s growing conditions at ang paraan ng extraction used. Ang variable na ito ay maaaring lumikha ng mga pagkakaiba sa user reactions. Dahil dito nagiging mahirap na ma-obtain ang mga replicable result na kinakailangan para sa pag-e-establish ng findings.
Bagama’t pinag-uusapan pa rin ang benepisyo ng essential oils bilang tritment. Ang mga essential oils products na gumagawa ng claims na may kaugnayan sa pagpapabuti ng human health at well-being – ay kinakailangang matugunan ang mga standard sa kaligtasan at mairehistro sa Philippine Food and Drug Administration. Ang mga produkto na may mga therapeutic indication ay inuuri bilang mga gamot.
Kung gusto mong gumamit ng essential oils, pinakamahusay na magpatingin muna sa’yong doktor. Ang iyong pisikal ay maaaring magbigay sa’yo ng clearance para ligtas na gamitin ang mga extract na ito. Mahalagang suriin kung ang essential oils ay hindi makikipag-interact sa anumang gamot na iyong iniinom. Tandaan, ang paggamit ng mga oil na ito ay dapat na pantulong sa conventional medical therapy at hindi kapalit nito. Bumili lamang ng mga produkto na aprubado ng Philippine FDA. Gayundin, tiyaking gumamit ka ng essentials oils nang tama para maiwasan ang pinsala. Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.