Benepisyo ng atis ba ang hanap mo? Hindi lamang ito masarap na panghimagas. Puno rin ito ng mga sustansya at mga katangiang panggamot kung kaya kilala ito bilang ayurvedic herb. Halos lahat ng parte ng puno ng atis kasama na ang prutas, dahon, buto at mga ugat nito ay may kakayahang magpagaling.
Ang atis ay kilala rin bilang sweetsop, sugar apple, o custard apple. Sa kabila ng maraming gamit nito sa paggamot, ang prutas na ito ay mas kilala dahil sa taglay nitong masarap na laman at matamis na katas.
Narito ang mga pangunahing sustansya na taglay ng atis:
- Vitamin C
- Vitamin A
- Copper
- Magnesium
- Potassium
- Iron
- Thiamine
- B Vitamins gaya ng B6, B2, B3, B5, at B9
Ang mga sustansyang taglay ng atis ay makakatulong sa iyo sa sumusunod na paraan:
Nahihiya ka na bang lumabas dahil sa sangkatutak na taghiyawat sa iyong mukha? Ang mamantikaing balat ay madaling tubuan ng acne o taghiyawat. Ngunit alam mo ba na makakatulong ang atis upang magamot ang ugat ng problema upang di na muling lumitaw ito sa iyong mukha?
Ang mga vitamins na taglay ng atis ay nakakapag bawas ng nana sa mga taghiyawat upang mapagaling ito. Ilapat lang ang mashed pulp ng atis sa apektadong lugar upang ma-regulate ang produksyon ng sebo sa iyong mukha.
Nakakatulong ang atis sa pagpapanatili ng kalusugan ng balat. ito ay puno ng bitamina A at mga antioxidants na tumutulong sa muling pagbuo ng mga tisyu. Pinoprotektahan nito ang cell structures na nagpapakinang at nagpapalambot ng balat. Pinipigilan ng mga antioxidants ang mga free radicals at epekto nito sa pagtanda gaya ng wrinkles.
Kayang pagalingin ng atis ang anumang uri ng impeksyon sa iyong balat. Makakatulong ang mga taglay nitong vitamins upang mapabilis ang proseso ng paggaling ng impeksyon. Ang taglay na Vitamin C ng atis ay makakatulong upang mapanatili ang kalusugan ng iyong balat laban sa impeksyon.
Problema mo ba ang mabilis na pagdami ng iyong puting buhok? Isa sa mga pangunahing dahilan ng premature greying ng buhok ay ang kakulangan ng copper sa katawan. Ang atis ay mabisang pagkunan ng copper na nagbibigay ng dark melanin na kulay sa buhok. Samakatuwid, maaari mong solusyonan ang pagputi ng buhok nang di gumagamit ng mga kemikal na pangkulay.
Ang antioxidants na taglay ng atis ay nakakatulong sa pagpigil ng anumang uri ng impeksyon sa anit. Nakakatulong din ito sa pag-regulate ng produksyon ng sebum upang mapanatiling malusog at masustansya ang iyong anit.
Ang sebum sa anit ay tumutulong na alisin ang mga patay na cells sa anit upang maiwasan ang pagtubo ng bacteria. Ito rin ay isang mahusay na paraan upang isulong ang pagtubo ng buhok.
Ang atis ay mapagkukunan ng Vitamin B6 na mahalaga upang maiwasan ang akumulasyon ng homocysteine sa dugo. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng mataas na amino acid sa dugo ay mas nagpapataas sa panganib ng stroke at coronary heart disease.
Mayaman ang atis sa magnesium at ito ay nakakatulong upang ihiwalay ang mga kalamnan ng puso upang mabawasan ang panganib ng atake sa puso at stroke. Ang atis ay makapagbibigay ng sampung porsyento ng pang-araw-araw na pangangailangan ng magnesium.
Dobleng ang pahirap sa puso mo kung ikaw ay laging stressed. Narito ang mga rason kung bakit kailangan mo ng magnesium:
- Upang ma-relax ang mga kalamnan ng puso
- Pagbabalanse ng presyon at labis na pagtatrabaho ng puso
- Pinabababa nito ang posibilidad ng atake sa puso
Kinakailangan pa ang mas masusing pag-aaral tungkol sa buong potensyal ng atis laban sa cancer. Ngunit ayon sa mga naunang pananaliksik noong 2016 na nailathala sa Scientific Reports, mataas ang posibilidad na ang atis ay magamit panlaban sa prostate cancer.
Ang atis ay may alkaloids at acetogenin na mabisa sa pagpigil sa paglaki ng tumor cells at pagbawas sa panganib ng cancer. May mga tannin at astringent ang balat ng prutas na napatunayang mabisa para sa paggamot at pagpigil sa mga tumor cells at cancer.
Napakaraming benepisyo ng atis sa kalusugan. Kung kailangan mo ng immunity booster, kumain lang ng atis at mapapakinabangan mo ang taglay nitong thiamin upang ma-convert ang askula sa enerhiya. Samakatuwid, ang atis ay isang powerhouse hindi lamang ng enerhiya kung hindi ng iba’t-ibang nutrisyon at sustansya.
Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.