Sa kabila ng pagiging pet lovers ng maraming tao. Hindi pa rin maitatanggi na nagdurusa pa rin ang ilang mga tao dahil sa allergy sa hayop. Kahit na maaaring positibong makaapekto ang hayop sa well-being ng isang indibidwal. Partikular sa mga yugto ng kalungkutan, mahusay na nakapagbibigay ng ginhawa at kaligayahan ang mga hayop. Gayunpaman, kagaya ng nabanggit may mga pet owner na naghihirap. Dahil sa ilang partikular na uri ng allergy na pwedeng makuha sa alagang hayop.
At bilang isang pet owner pwedeng nasa isip mo ang mga tanong na ito: “Gaano katagal o nagtatagal ang pet allergy symptoms?” at “Maaari ko pa bang panatilihin ang aking alagang hayop kahit na may mga allergy ako?”
Para masagot ang mga tanong na ito, magbasa pa.
Ano ang Allergy sa hayop?
Kapag bumabahin ka at hindi mo ito mapigilan. Nagkaroon ng sipon, o nangangati ang balat kapag naglalaro o nakikipaglaro sa mga alagang hayop sa bahay (aso at pusa). Malamang na mayroon kang allergy sa alagang hayop. Ang allergy sa alagang hayop ay isang allergy reaction sa maraming allergens o protina na matatagpuan sa mga hayop. Gayunpaman, ang mga allergy sa alagang hayop ay karaniwang nauugnay sa mga pusa at aso.
Kung nagtataka ka kung bakit iniisip ng maraming tao na mayroon silang pet allergies. Ito’y dahil sa balahibo ng kanilang alagang hayop. Dahil ang balahibo ng alagang hayop ay nagsisilbing mga carrier ng allergens. Kapag dinilaan ng iyong alaga ang sarili, nalaglag, o hindi sinasadyang natapakan o napaupo sa ihi. Agad na dumidikit ang mga allergens sa kanilang balahibo.
Nagdadala rin ng alikabok at pollen sa kanilang balahibo ang mga mabalahibong hayop, gaya ng mga pusa at aso. Dagdag pa rito, kapag nagkaroon ng allergic reaction ang isang tao habang pini-pet ang alagang hayop. Pwede kang maging allergic sa alikabok o pollen, sa halip na magkaroon ng pet allergy.
Maaaring makolekta sa hangin ang pet allergens, maging sa mga kasangkapan, at iba pang surfaces, pati na rin sa mga damit. Naroroon din ang allergens sa mga lugar kung saan makikita ang mga alagang hayop o lugar kung saan hindi sila pinapayagan pumunta. Nagaganap ito dahil ang mga damit na isinusuot ng mga may-ari ng alagang hayop ay nagdadala ng allergens kahit saan.
Ang mga allergens na ginawa ng mga alagang hayop ay maaaring manatiling nakasuspinde sa hangin — at manatili sa surfaces ng napakatagal na panahon. Kaya kung nagpaplano kang mag-alaga ng hayop — ngunit may allergy ka. Maaaring gustuhin mo munang isaalang-alang ang ilang mga bagay.
Ano ang Dahilan ng Allergy sa Hayop?
Ang isang karaniwang maling kuru-kuro ng mga tao tungkol sa pet allergies na ang mga allergen ay nagmumula sa balahibo ng alagang hayop. Subalit, dapat mong tandaan na ang “pet dander” ang allergens na nagdudulot ng allergic reactions. Gumaganap ang balahibo ng alagang hayop bilang mga tagapagdala ng allergens sa halip na maging ang allergen mismo.
Sinasabi na microscopic flecks ng balat na nalaglag ng mga pusa, aso, ibon at iba pang hayop ang pet dander. Nagdudulot ito ng allergic reactions sa ilang tao.
Mga allergens ng pusa at aso
Ang mga allergens na magagawa ng mga alagang hayop sa bahay na ito ay matatagpuan sa mga sumusunod:
- Laway. Kapag dinilaan ng mga aso at pusa ang kanilang mga sarili, ang allergen mula sa laway ay lumipat sa kanilang balahibo. Kung saan ito ang nagbibigay ng ideya na maaari kang maging allergic sa balahibo ng iyong alagang hayop.
- Ihi. Maaari ring ilabas ang allergens sa pamamagitan ng ihi. Mas makapangyarihan ang allergens na matatagpuan sa mga lalaking pusa kumpara sa mga aso at babaeng pusa.
- Dander
Iba-iba ang potency ng allergens sa bawat hayop. Gayunpaman, anuman ang lahi at gaano kalambot o walang buhok ang iyong mga aso o pusa. Maaari pa rin silang maging sanhi ng mga allergy.
Mga Sintomas ng Allergy sa Hayop
“Gaano katagal o nagtatagal ang pet allergy symptoms?” Isa ito sa mga karaniwang tanong ng mga taong allergic sa mga alagang hayop. Bago sagutin ito, alamin muna natin ang mga sintomas na maaaring lumitaw sa isang pet allergic reaction:
- Persistent rhinitis. Nagdudulot ito ng pagbahing, pagbara, pagkati at sipon ng ilong.
- Urticaria o pantal. Isa itong allergy reaction na nagreresulta sa pula, bukol, at makati na balat.
- Chronic allergic conjunctivitis. Sinasabi na isa pa ito sa mga reaksyon mula sa pet allergies na nagdudulot ng nasusunog na pakiramdam sa mga mata, pangangati, pamumula. Maging ang pagiging sensitibo sa liwanag ng isang tao.
- Postnasal drip. Nagaganap ito kapag ang katawan ay tumutugon sa isang tiyak na irritant sa pamamagitan ng paggawa ng mas maraming mucus. Aalisin ng mucus ang irritant na nasa ilong o lalamunan. Ang postnasal drip ay isang uncomfortable feeling ng mucus build-up sa likod lalamunan.
- Tuyong ubo. Isa rin sa mga karaniwang sintomas ng allergy sa alagang hayop. Ang iyong pagiging sensitibo sa allergens ng alagang hayop ay nag-trigger ng mga tuyong ubo.
Kung ikaw ay asthmatic, pwede mong maranasan ang mga sumusunod na sintomas:
- Kapos sa paghinga o mabigat na paghinga
- Pagsinghot, matinding pag-ubo
- Sakit at paninikip sa dibdib
- Hirap sa pagtulog dahil sa patuloy na pag-ubo at hirap sa paghinga
Ngayon para sagutin ang tanong, gaano katagal ang mga sintomas ng allergy sa alagang hayop?
Pwede itong tumagal ng humigit-kumulang 7 hanggang 10 araw o hanggang sa naroroon pa rin ang allergen. Maaaring humina ang mga sintomas nang ilang panahon, ngunit babalik ito kapag na-trigger ng parehong allergen.
Maaari pa rin ba akong magkaroon ng isang alagang hayop kahit na may mga allergy sa alagang hayop?
Ang pinakamahusay na paraan upang harapin ang pet allergies ay huwag mag-alaga ng hayop. Kung alam mong mayroon kang allergy, hindi ipinapayong kumuha ng aso o pusa. Ngunit kung isa ka nang pet owner, ang pag-abandona o pagbibigay ng iyong pusa o aso ay hindi isang opsyon. Sa halip, kailangan mong gumawa ng mas seryosong pag-iingat na makakatulong na mabawasan ang iyong allergic reactions.
Paano Pigilan at Pamahalaan ang Mga Allergy sa Hayop?
Narito ang mga hakbang sa pag-iwas na pwede mong gawin upang bawasan ang dalas at kalubhaan ng iyong allergic reaction:
- Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos makipaglaro sa’yong alagang hayop. Mainam din na maligo at magpalit ng damit para mawala ang mga irritant sa iyong katawan.
- Maglaan ng lugar kung saan pwedeng manatili ang iyong alagang hayop.
- Ilayo ang iyong mga alagang hayop sa mga sopa, kama, at iba pang upholstered furniture. Ang pet dander ay madalas na dumikit sa mga upholstered na kasangkapan.
- Ang pagkakaroon ng dog house sa labas ay isang magandang paraan upang epektibong maiwasan ang anumang allergic reaction na nauugnay sa alagang hayop.
- Paliguan ang iyong aso nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang linggo.
- Regular na maglinis ng alikabok at linisin ang iyong tahanan upang maalis ang allergens. I-vacuum nang madalas ang mga sahig at iba pang surfaces, karpet, alpombra, kumot, kurtina — at iba pang upholster fixtures sa loob ng bahay.
- Ang isang HEPA air filter machine ay isa ring magandang investment para sa isang taong may allergy. Siguraduhing ilagay ang air filter sa mga lugar kung saan madalas tumira ang taong may allergy.
- Magsaliksik bago kumuha ng alagang hayop. Kung talagang gusto mo ang pagkakaroon ng alagang hayop. Alamin muna at hanapin ang lahi na pinaka-tugma sa’yong kondisyon.
- Palaging inumin ang iyong antihistamine, o iba pang iniresetang gamot kung kinakailangan.
- Agad na humingi ng medikal na atensyon kung lumala ang iyong allergic reactions.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Allergy dito.