backup og meta

Alamin: Anu-ano Ang Mainam Na Vitamins Para Sa Atay?

Alamin: Anu-ano Ang Mainam Na Vitamins Para Sa Atay?

Vitamins para sa atay ba ang solusyon para sa mga problema sa atay? Ang organ na ito na halos kasing laki ng football ay matatagpuan sa ilalim ng iyong rib cage sa kanang bahagi ng tiyan. Ito ay mahalaga para sa pagtunaw ng pagkain at pag-alis sa iyong katawan ng mga nakakalason na sangkap.

Maaaring namamana o genetic ang sakit sa atay. Sa paglipas ng panahon, ang mga kondisyon na pumipinsala sa atay ay maaaring humantong sa cirrhosis. Maaaring humantong ito sa liver failure, isang life-threatening na kondisyon. Gayunpaman. Maaaring gumaling pa ang atay kapag ginamot ng maaga.

Ang mga problema sa atay ay maaari ding sanhi ng iba’t ibang bagay na pumipinsala sa atay, tulad ng:

  • Virus
  • Pagkonsumo ng alkohol 
  • Labis na katabaan

Vitamins para sa atay

Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa mga vitamins na kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng atay ay maaaring makatulong upang maiwasan at makabawi mula sa ilang mga sakit sa atay, tulad ng fatty liver disease. Tunghayan ang mga vitamins na ito:

Vitamin E

Ang mga taong may NAFLD (non-alcoholic fatty liver disease) ay may mababang antas ng Vitamin E sa kanilang dugo, resulta ng oxidative stress. Ganito rin ang kaso ng mga taong may  NASH, isang uri ng NAFLD na kilala bilang non-alcoholic steatohepatitis. Ang oxidative stress ay isang nakakapinsalang kawalan ng balanse sa katawan. Nangyayari ito kapag wala kang sapat na antioxidant upang ma-neutralize ang mga free radicals. Pinipinsala nito ang mga cells at maaaring mangyari dahil sa maraming kadahilanan tulad ng:

  • Pag inom ng alkohol
  • Pag gamit ng droga 

Ipinakikita ng mga pag-aaral na maaaring mapabuti ng Vitamin E ang mga sintomas ng NAFLD. Gayunpaman, may ilang katibayan na nagpapahiwatig na ang pag-inom ng Vitamin E sa loob ng dalawang taon ay nauugnay naman sa insulin resistance.

Zinc

Ang zinc na vitamins para sa atay ay isang mahalagang trace element na nagtataguyod ng pag tugon sa mga sumusunod:

  • Cell division
  • DNA synthesis
  • Immune function

Kakulangan sa zinc ang isang epekto ng chronic liver disease. Ang mineral na ito ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa iba’t ibang mga zinc enzymes, na mahalaga sa pagpapanatili ng paggana ng atay. Ang mga pasyente na may chronic liver diseases ay kadalasang may mas mababang konsentrasyon ng zinc, na lalong bumababa habang lumalala ang fibrosis ng atay.

May inisyal na pag-aaral noong 2012 na nagmumungkahi na ang zinc supplementation ay maaaring makatulong na protektahan ang atay mula sa oxidative stress dahil sa hepatitis C viral infections. Subalit higit pang pananaliksik ang kailangan upang suportahan ang paggamit ng zinc sa paggamot ng hepatitis C o iba pang mga sakit sa atay.

Vitamin C

Maaaring maibalik ng mas mataas na paggamit ng vitamins para sa atay tulad ng Vitamin C ang gut-liver function at status ng antioxidant. Ang NAFLD ay kinikilala na ngayon bilang pinakalaganap na hepatic disorder sa buong mundo. Ang hindi malusog na pamumuhay ang nangungunang panganib na kadahilanan para sa paglitaw nito.

May mga ulat tungkol sa epekto ng oxidative stress at pamamaga ng atay sa mga kaso ng NAFLD. Ang Vitamin C ay isang epektibong antioxidant na nalulusaw sa tubig. Ito ay may scavenging effect sa free radicals sa katawan at nagdudulot ng proteksyon laban sa pinsala sa tissue na dulot ng oxidative stress.  Iminungkahi ang Vitamin C bilang proteksyon sa NAFLD.

Vitamin B

Ang pagkonsumo ng vitamins para sa atay at mga pagkain na may sapat na Vitamin B ay maaaring makatulong sa pagkabawi ng pagkakaroon ng maraming sintomas ng sakit sa atay sa mga unang yugto nito. Ang sakit sa atay ay maaaring magdulot ng kakulangan sa mga B vitamins kasama na ang B-1, B-6 at B-12. 

Maaaring magdulot ng pagbaba sa mental abilities tulad ng koordinasyon at memorya ang kakulangan sa Vitamin B-1. Ang kakulangan sa Vitamin B-6 naman ay maaaring magdulot ng tingling sensation at pamamanhid mula sa pinsala sa ugat. Anemia naman ang resulta ng kakulangan sa Vitamin B12. Humigit-kumulang 90% ng Vitamin B12 ay nakaimbak sa atay. Kapag nasira ang atay, bumababa ang antas ng bitaminang ito.

Epektibo ba ang vitamins para sa atay?

Maraming importanteng gawain ang iyong atay tulad ng pag-imbak at pagpalabas ng enerhiya mula sa mga pagkain. May mahalagang papel din ito bilang natural filter na nag-aalis ng lason at dumi sa iyong katawan. 

Napakahalaga ng atay sa kalusugan kung kaya hindi nakapagtataka na maraming kumpanya ang nagsasabing epektibo ang kanilang vitamins at supplements sa pag detox ng atay. Bagama’t ang ilang pag-aaral ay nakahanap ng mga benepisyo mula sa ilang mga supplements, mas mabuting maging maingat. Pag-aralang mabuti ang mga supplements na ito at sumangguni sa doktor bago ka bumili upang masiguro na epektibo nga at hindi makakasama sa iyong kalusugan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/hepatitis/ss/slideshow-keep-liver-healthy, Accessed August 18, 2022

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/liver-problems/symptoms-causes/syc-20374502, Accessed August 18, 2022

https://www.nhs.uk/conditions/alcohol-related-liver-disease-arld/, Accessed August 18, 2022

https://liverfoundation.org/resource-center/blog/13-ways-to-a-healthy-liver/, Accessed August 18, 2022

https://www.medicalnewstoday.com/articles/liver-supplement, Accessed August 18, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6316561/#:~:text=Zinc%20plays%20a%20pivotal%20role,further%20as%20liver%20fibrosis%20progresses., Accessed August 18, 2022

Kasalukuyang Version

05/28/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement