Ang pagbawas ng timbang ay napaka karaniwang layunin, ngunit ang ibang mga tao ay naghahanap ng paraan upang makadagdag ng timbang. Mula sa pagpapabuti ng pang-araw-araw na gawain hanggang sa mas muscular o pagpapabuti ng athleticism, iba-iba ang rason nila. Kung isa ka sa kanila, nais mong ikonsidera ang pagtukoy kung anong vitamins na pampataba?
Kung ang layunin mo ay magpataba, mahalaga na tandaan na magpokus sa pagdagdag ng muscle, na sa katunayan ay mas malusog na option.
Walang kapalit sa pagdagdag ng muscle sa pagkain at ehersisyo. Ang mga supplement ay nakatutulong din sa pagbibigay ng protina at hihikayatin kang mag-work out lalo.
Nakapagpapalaki ba ng waistline ang pag-inom ng multivitamin? Nakapagpapataba ba ang vitamins? Ang sagot, hindi. Ang pag-inom ng vitamins ay hindi direktang nagdaragdag ng timbang, dahil wala masyadong calories sa vitamins. Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng kakulangan sa vitamins — ay maaaring humantong sa adverse na problema sa timbang.
Anong Vitamins na Pampataba?
Laging tandaan na sa pag-inom ng multivitamins, may tiyak na posibilidad na ang iyong katawan na magkakaroon ng lahat ng nutrisyon upang mag-function nang maayos.
Ito ay maaaring magkaroon ng impact sa iyong timbang dahil sa epekto ng metabolism na tinutulungan ng maraming nutrisyon. Ang iyong metabolism ay nagtatrabaho upang i-regulate ang rate ng iyong katawan habanag nagbu-burn ng enerhiya. Maaari ding makaimpluwensya sa iyong gana ang ingestion mo ng nutrisyon at maging ang pagkonsumo ng pagkain. Upang madagdagan ang “maayos na timbang” (muscle hindi fat).
Ang mga taong nais nito ay kailangang makilahok sa porma ng uri ng workout na ehersisyo at sundin ang maayos na pagkain at supplement plan.
Upang matulungan ka na madagdagan ang timbang sa paraan na madadagdagan ang muscle, kailangan mo ng protina, creatine, mataas na calorie supplements, at exercise-enhancing supplements.
Maraming mga supplements na maaaring mag-develop ng timbang at magpadagdag ng muscle kinalaunan sa pamamagitan ng pagtaas ng kapasidad o lakas ng gawain sa ehersisyo. Ang ilang supplements na may mga benepisyo ay caffeine, citrulline, beta-alanine, at HMB.
Vitamins na Pampataba
Kaya’t anong vitamins na pampataba? Maraming mga supplements na makatutulong upang madagdagan ang muscle o timbang. Gayunpaman, karamihan ng mga supplement ay hindi nagtagumpay doon nang walang sapat na nutrisyon at ehersisyo. Sa kabuuan, sangkatutak na supplements ang napro-produce na may kaunti o walang benepisyo.
Ang pinaka mainam na vitamins upang suportahan at makontrol ang maayos na timbang ay:
- B Vitamins tulad ng B-12, B-6, riboflavin o B-2, Thiamine o B-1
- Vitamin D tulad ng mga makikita sa egg yolks, cod liver, isda, atay ng baka, cereals sa agahan at mushrooms
- Calcium tulad ng mga nabibili na gatas, yogurt, cereals, orange juice, dark green na dahon na mga gulay, seeds, almonds, Iron tulad ng nasa karne, beans, brown rice, tofu at soybeans
- Magnesium tulad ng makikita sa mani, legumes, saging, salmon, halibut, whole grains, patatas
Protina na Nakatutulong?
Bagaman ang protina ay hindi vitamin, ito ay gawa sa amino acids at responsable sa pagsasagawa at pag-revitalize ng muscles. Upang magkaroon ng pound ng body mass, kailangan kumain ng gram ng protina araw-araw. Huwag mag-alala kung hindi ka nakakain nang sapat, maaari mo pa ring makuha ang protina mula sa protein bars at shake powders.
Mas mainam na option ang whey protein para sa iba dahil magkakaroon ka mula rito ng lean muscle kaysa sa fat. Upang makuha ang maximum na resulta, tandaan na dapat itong isama sa mga pagkain na makapagpapataba.
Ang susi ay ang paghahanap ng tamang vitamin
Ang mga taong nagkokonsidera ng pag-inom ng bagong vitamin o supplement upang mapabuti ang pagdagdag ng kanilang timbang ay kailangan na makipag-usap muna sa doktor para sa tamang gabay.
Hindi nakasisiguro ng pagpapabuti ng metabolism ang pag-inom ng mga vitamins na ito. Gayunpaman, dito ay makasisiguro na sapat ang nutrisyon sa iyong katawan at maiaayos ang kakulangan na mayroon ka, na magpapanatili ng malusog na metabolism.
Anong vitamins ang pampataba at ano ang makatutulong upang magkaroon ka ng mas malusog na pangangatawan? Konsultahin ang iyong doktor at nutrionist.
Ang pinakamahalagang salik sa lifestyle na makapagdaragdag ng muscle ay ang dalas ng ehersisyo at tamang nutrisyon. Sa partikular, kailangan mong komunsomo ng dagdag na calories kaysa sa ginagamit ng iyong katawan at kumain ng mas maraming protina kaysa sa nabe-break down nito.
Maaari kang matulungan ng ilang dietary supplements na kinakain mo upang komonsumo ng mas maraming calories at protina. Ang creatine ay well-researched na supplement na maaaring makatulong sa pagdagdag ng timbang.
Ang ibang supplements gaya ng citrulline, caffeine, at beta-alanine ay maaari ding makatulong upang lalong mag-ehersisyo. Ito ay makatutulong na magbigay ng mas malakas na stimulus sa iyong muscle na kailangang mag-adapt.
Kung nais mong tumaba nang ligtas, siguraduhin na maayos ang iyong programa sa ehersisyo at nutritional habits (na may maayos na gabay propesyonal). Ito rin ang magiging pinakamahalagang salik sa iyong tagumpay.
Matuto pa tungkol sa masustansyang pagkain at pag-manage ng timbang dito.
[embed-health-tool-bmr]