Ano ang sintomas ng goiter? Ang thyroid gland ay isa sa pinaka mahalaga ngunit hindi masyadong napapansin na organ ng katawan ng isang tao. Ito ay responsable sa pangkalahatang proseso ng metabolismo sa katawan, kaya’t kahit na anong problema sa thyroid ay nakaaapekto sa katawan bilang kabuuan. Isa sa pinaka karaniwang reklamo tungkol sa thyroid ay ang goiter. Ang pag-alam tungkol sa sanhi ng goiter at kung paano matutukoy ang sintomas nito ay makatutulong upang matukoy ang kondisyon at gawin ang tamang lunas.
Senyales at Sintomas
Ano ang Goiter? Ano ang Sintomas ng Goiter?
Ang goiter ay tungkol sa paglaki ng thyroid gland, o kahit na anong pagtaas sa sukat o bigat ng thyroid gland. Ito ay nangyayari dahil sa iba’t ibang dahilan na sanhi tulad ng:
- Metabolic disorders. Ang Hyperthyroidism at hypothyroidism ay termino na ginagamit kung ang lebel ng thyroid hormone ay napatataas at napabababa. Ito ay dahil sa problema sa regulasyon ng produksyon ng hormone, ibang problema sa thyroid tulad ng masses, o maging ang iodine deficiency.
- Iodine deficiency. Bagaman hindi na karaniwan dahil sa programa na nagsusulong ng paggamit ng iodized salt, isa sa mga sanhi ng goiter ay kakulangan sa iodine.
- Swelling (pamamaga). Ang thyroiditis ay malawak na termino para sa pamamaga ng thyroid mula sa iba’t ibang sanhi.
- Paglaki ng tumor. Ang benign thyroid masses, maging ang thyroid cancer ay sanhi ng goiter.
Ano ang Sintomas ng Goiter?
Sa imbestigasyon sa sanhi ng goiter, ang ibang mga senyales at sintomas ng goiter ay maaaring makita. Ang mga taong may thyroid-related metabolic disorders ay makakikitaan ng dami ng senyales at sintomas sa buong katawan na mararanasan sa hyperthyroidism, hypothyroidism, o pareho.
Halimbawa ng sintomas ng goiter ay makikita sa parehong kondisyon kabilang ang fatigue at pagbabago ng buhok at kuko (flaking nails, pagnipis ng buhok). Ang mga pagbabago na makikita sa hypothyroidism ay:
- constipation,
- pakiramdam na mabilis na nilalamig,
- pagdagdag ng timbang,
- at mabigat o hindi regular na regla sa mga babae.
Sa hyperthyroidism, ang mga pasyente ay karaniwan na nakakaramdam na:
- hindi intensyon na pagbawas ng timbang,
- pagdagdag sa gana ng pagkain,
- pagdagdag ng pawis,
- anxiety,
- tremors,
- at nervousness.
Ang metabolism ay bumibilis sa hyperthyroidism habang bumabagal ito sa hypothyroidism.
Mabuti rin na malaman kung anong sanhi ng goiter ay maaaring sanhi rin ng mga abnormalities sa lebel ng thyroid hormone. Maaari ding maging sintomas ng goiter ang ibang mga kondisyon tulad ng benign o cancerous masses depende kung ang mass ay nagpo-produce ng thyroid hormone o hindi. Kung nagpo-produce, makararanas ang isang tao ng sintomas ng hyperthyroidism. At kung hindi, ang sintomas ng goiter ay magiging limitado sa mga may kaugnayan sa anatomical position ng thyroid gland.
Kung ang goiter ay lumaki na sapat upang makarating sa windpipe, magiging sanhi ito ng hirap sa paghinga gayundin ang pagkapaos mula sa pagpisil ng nerves na kumokontrol sa vocal cords. At kung ang paglaki ng papasok na goiter ay sobrang laki na naaapektuhan na ang esophagus, maaaring mahirapan din sa pagnguya.
Banta at Komplikasyon
Ano ang mga Banta ng Pag-develop ng Goiter?
May mga sanhi ng pagkakaroon ng goiter:
- Kakulangan ng iodine sa kinakain, lalo na sa mga tao na namumuhay sa mga lugar kung saan kakaunti ang supply ng iodine, na nagiging sanhi ng predisposition ng goiter.
- Kilala rin ang goiter na karaniwang nararanasan ng mga babae kaysa mga lalaki
- Mas matatanda ang edad, nasa mga edad lampas 40 ay may banta rin nito
- Paggamit ng tiyak na gamot tulad ng amiodarone at lithium ay nakapagpapataas ng banta nito
- Lunas ng radiation sa leeg o dibdib o exposure sa radiation sa isang nuclear facility o aksidente ay maaaring maging sanhi rin sa isang indibidwal na magkaroon ng goiter.
Minsan ang mga taong may isa sa mga banta na ito ay nagkakaroon pa rin ng goiter, ngunit ang presenya ng mga banta na ito ay mahalaga sa pagtukoy kung ano ang sanhi ng goiter.
Ano ang mga Posibleng Komplikasyon ng Goiter?
Bagaman ang goiter ay hindi nagiging dahilan ng cosmetic at medikal na problema. Hindi ito masyadong inaalala. Ngunit, gaya ng nabanggit kanina, kung lumaki ang goiter, maaaring makaapekto ito sa kabuuang pangangatawan. At ito ay nagiging sanhi ng hirap sa paghinga o maging ang pagnguya.
Kung ang goiter ay naging cancer, maaaring kumalat ito sa ibang mga organs kung hindi gagamutin.
Ang goiter na iniuugnay sa metabolic problems ay kadalasan na naaapektuhan nang malala ang iba’t ibang organs. At magkakaroon ng negatibong resulta ang kaildad ng buhay ng isang tao sa kabuuan kung babalewalain. Kaya’t ang maagang pagkonsulta, regular follow up, at maayos na pagsunod sa pangmatagalang gamutan ay mahalaga.
Diagnosis, Lunas at Management
Ano ang mga Diagnosis, Management, at Lunas na Option?
Ang diagnosis ng ibang mga kondisyon ay nangangailangan ng ibang mga test. Ang goiter thyroid test (TFT), na sumusukat ng lebel ng thyroid hormone at thyroid-stimulating hormone sa dugo, ay karaniwang unang test upang malaman ang sanhi ng goiter. Nakadepende sa TFT at clinical presentation ng goiter kung magpapatuloy pa sa mga susunod na test tulad ng blood test o imaging.
Gaya ng inaasahan, ang lunas ay nakadepende sa kondisyon na sanhi ng goiter. Sa kaso ng kakulangan sa iodine, maaaring magreseta ang doktor ng iodine supplementation habang ang mga nasa estado ng hypothyroidism ay maaaring bigyan ng thyroid hormone medication. Ang ibang mga gamot gaya ng pagbaba ng blood-pressure ay maaaring ibigay para sa symptomatic relief ng sintomas. Para sa masses at cancers, maaaring matanggal ito sa pamamagitan ng surgery. Maraming malaliman na talakay pa ang kailangang mangyari kasama ang iyong doktor kung natukoy na ang diagnosis.
Pag-iwas
Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Sintomas ng Goiter
Isa sa mga mahalagang bagay para sa pag-iwas ng problema sa thyroid tulad ng goiter ay ang pagkakaroon ng sapat na konsumo ng iodine. Maaari mo itong magawa sa pamamagitan ng pagkain ng seafood o sa paggamit ng iodized salt upang ilagay sa mga niluluto.
Bilang ang susi sa goiter ay maagang pagtukoy sa laki, mainam din na masuri ang iyong thyroid paminsan-minsan. Ang simpleng test ay ang pag-inom ng isang basong tubig sa harap ng salamin. Maaari mo ring masuri kung may mga bukol o protrusions sa gitnang bahagi ng leeg. Magpokus sa ilalim at sa gilid ng Adam’s apple. Komunsulta sa doktor kung nakakita o nakaramdam ng kakaiba sa bahaging ito.
Key Takeaways
Ang goiter o ang paglaki ng thyroid ay nangyayari dahil sa iba’t ibang sanhi. Kailangan mong magpa-schedule ng check up sa iyong physician upang magsimula ng tamang paggamot. Ang mga karaniwang sanhi ng goiter ay nagagamot, at may mga magagawa upang makatulong na mapabuti ang iyong kalidad ng buhay.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]