backup og meta

Maaari Bang Maging Dahilan Ng Kanser Ang Samgyupsal? Alamin Dito!

Maaari Bang Maging Dahilan Ng Kanser Ang Samgyupsal? Alamin Dito!

Kilala ang samgyupsal bilang isang sikat na Korean dining experience na kasalukuyang tinatangkilik na rin ng iba pang bansa, tulad ng Pilipinas. In fact, gustong-gusto ng mga Pilipino na kumain ng samgyupsal sa ilang mga kadahilanan. 

Una, dahil nag-aalok ang samgyupsal ng kakaiba at interactive na karanasan sa kainan. Karaniwang kinabibilangan ito ng pag-ihaw o pagluluto ng manipis na hiwa ng tiyan ng baboy sa isang lutuan sa ibabaw ng lamesa, na nagpapahintulot sa mga kumakain ng karne na lutuin ang karne ayon sa kanilang mga kagustuhan. 

Pangalawa, kilala ang samgyupsal sa masarap nitong lasa. Madalas ang pork belly na sine-serve ay naka-marinate o tinimplahan ng iba’t ibang sangkap, tulad ng toyo, bawang, at sesame oil, na nagpapasarap pa lalo sa lasa nito. Bukod pa rito, ang grilling process ay nakadaragdag pa ng mausok at caramelized na lasa sa karne, na ginagawang mas masarap at kasiya-siya ang pagkain nito. 

Ang samgyupsal ay kadalasang inihahain kasama ng isang hanay ng mga side dish, na kilala bilang banchan. Kasama sa mga side dish na ito ang kimchi, pickled vegetables, kanin, at iba’t ibang sauces, na umaayon sa lasa nang nilutong karne. Kung saan ang kumbinasyon ng iba’t ibang mga texture at lasa ay gumagawa ng isang mahusay well-rounded at satisfying meal.

Ngunit alam mo ba na sa kabila ng masarap at masayang experience ng pagkain ng samgyupsal ay maaari itong maging factor at dahilan ng pagiging high risk mo sa kanser

Para malaman ang kasagutan sa tanong na ito, at malaman ang kaugnayan ng samgyupsal at kanser, patuloy na basahin ang article na ito.

Samgyupsal at kanser, may kaugnayan nga ba sa isa’t isa?

Ang samgyupsal ay isang social dining experience na nag-e-encourage sa communal eating. Madalas na one-enjoy ito kasama ng mga kaibigan o pamilya, na nagpapahintulot sa kanila na mag-bonding at kumain nang sama-sama. Ang communal aspect na ito ay nagtataguyod ng pakiramdam ng pagkakaisa at gumagawa ng masigla at kasiya-siyang kapaligiran.

Gayunpaman, ang madalas na pagkain ng samgyupsal ay maaaring maging factor ng pagiging high risk ng isang tao sa kanser, at narito ang mga sumusunod na dahilan:

  1. Formation ng carcinogens

Kapag ang karne o ang tiyan ng baboy sa samgyupsal ay niluto sa mataas na temperatura, tulad ng pag-ihaw, pagprito, o pag-barbecue, maaaring mabuo ang ilang mga compound. Kabilang dito ang heterocyclic amines (HCAs) at polycyclic aromatic hydrocarbons (PAHs), na kilalang carcinogens. 

Nabubuo ang HCAs kapag ang amino acids at creatine na matatagpuan sa karne ay tumutugon sa mataas na temperatura, habang ang PAHs ay nabubuo kapag ang taba at juices mula sa karne ay nag-drip sa hot surface at lumilikha ng usok. Ang mga compound na ito ay naka-link sa isang mas mataas na panganib ng kanser sa animal studies, kahit na ang evidence sa mga tao ay hindi “definitive”.

  1. Pag-uling at exposure sa usok

Ang pag-uuling o pag-itim ng karne habang niluluto ay maaaring humantong sa pagbuo ng mga potensyal na nakakapinsalang sangkap. Kung saan ang itim o sunog na bahagi ng karne ay naglalaman ng mas mataas na antas ng HCAs at PAHs. Bukod pa rito, ang pagkakalantad sa usok, tulad ng usok mula sa uling o kahoy na ginagamit para sa pagluluto, ay maaaring magpasok ng mga karagdagang carcinogens na maaaring dumikit sa ibabaw ng karne. 

  1. Fat content at cooking methods

Ang Samgyupsal ay karaniwang naglalaman ng mataas na amount ng taba, lalo na sa mga hiwa ng tiyan ng baboy. Kung saan ang pagkonsumo ng high-fat meats lalo na kapag niluto sa mataas na temperatura, ay maaaring humantong sa paggawa ng mas maraming HCAs at PAHs. Ang mga taba na nagdi-drip sa hot surface ay maaari ring maging sanhi ng pagsiklab at paglikha ng usok, na humahantong sa pagtaas ng exposure sa mga potensyal na nakakapinsalang compound. 

  1. Overconsumption at unhealthy dietary habits 

Ang regular na pagkonsumo ng sobrang dami ng inihaw o grinil na karne kabilang ang samgyupsal, ay maaaring mag-ambag sa isang hindi balanseng diyeta at posibleng humantong sa pagtaas ng timbang o sobrang katabaan. Ang labis na katabaan ay isang kilalang kadahilanan ng panganib para sa iba’t ibang uri ng kanser, kabilang ang mga kanser sa suso, colorectal, pancreatic, at bato.

Paano maiiwasan ang ugnayan ng dalawang ito?

Mahalagang tandaan mo na habang may katibayan na nag-uugnay sa consumption ng mga inihaw o grinil na karne sa panganib ng kanser, ang actual risk sa kalusugan ng isang tao ay nakasalalay sa iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang dalas ng pagkain nito, pangkalahatang diet, lifestyle choices, at genetic predisposition.

Para mabawasan ang mga potensyal na panganib sa kanser, maaari mong gawin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Limitahan ang iyong pagkonsumo ng mga inihaw o grinil na karne.
  • Gumamit ng mga marinade na herbs, spices, at acidic na sangkap, tulad ng lemon juice o suka, dahil makakatulong ang mga ito na mabawasan ang pagbuo ng mga nakakapinsalang compound habang nagluluto.
  • I-precook ang mga karne nang bahagya bago iihaw o i-grill upang mabawasan ang oras ng pagluluto at mabawasan ang pagbuo ng HCAs at PAHs. 
  • Iwasan ang labis na pagkasunog ng karne, at alisin ang anumang labis na nasunog na bahagi bago kainin.

Sa pangkalahatan, ang moderate at balansed diet, kasama ng isang malusog na pamumuhay ay ang susi sa pagliit ng mga potensyal na panganib sa kanser na nauugnay sa pagkonsumo ng mga nilutong na karne tulad ng samgyupsal.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cancer: Carcinogenicity of the consumption of red meat and processed meat, https://www.who.int/news-room/q-a-detail/cancer-carcinogenicity-of-the-consumption-of-red-meat-and-processed-meat Accessed June 22, 2023

Consumption of Thermally Processed Meat Containing Carcinogenic Compounds (Polycyclic Aromatic Hydrocarbons and Heterocyclic Aromatic Amines) versus a Risk of Some Cancers in Humans and the Possibility of Reducing Their Formation by Natural Food Additives—A Literature Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC9024867/ Accessed June 22, 2023

Cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/symptoms-causes/syc-20370588 Accessed June 22, 2023

Diet and cancer risk in the Korean population: a meta- analysis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25339056/ Accessed June 22, 2023

Do grilled foods cause cancer? Cancer: Carcinogenicity of the consumption of red meat and processed meat, https://www.cuimc.columbia.edu/news/do-grilled-foods-cause-cancer Accessed June 22, 2023

Cancer Experts Issue Warning on Grilling Safety, https://www.aicr.org/news/cancer-experts-issue-warning-on-grilling-safety/ Accessed June 22, 2023

Chemicals in Meat Cooked at High Temperatures and Cancer Risk, https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/diet/cooked-meats-fact-sheet Accessed June 22, 2023

Healthy Grilling: Reducing the Risk of Cancer, https://www.cedars-sinai.org/blog/grilling-cancer-risk.html Accessed June 22, 2023

Red Meat and Processed Meat Consumption, https://progressreport.cancer.gov/prevention/red_meat Accessed June 22, 2023

 

Kasalukuyang Version

08/08/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement