backup og meta

Pagkain Para Sa Nagtatae Na Bata: Heto Ang Dapat Tandaan

Pagkain Para Sa Nagtatae Na Bata: Heto Ang Dapat Tandaan

Madalas na naghahanap ang mommies ng pagkain para sa nagtatae na bata dahil ang mga bata ang karaniwang nakakaranas ng diarrhea. Maaaring makaranas ng discomfort ang sinumang taong may diarrhea, at ayon sa mga doktor ang pagdumi ng 3 beses sa bawat isang araw ay normal lamang, ngunit kung ang pagdumi ay sosobra sa bilang na ito— pwedeng sabihin na ang anak ay dumaranas ng pagtatae.

Bagamat ang pagdumi ay kailangan para mailabas ang masamang toxins at bakterya ng katawan hindi pa rin maganda sa kalusugan ng mga bata ang sobrang dalas na pagtae.  

Basahin ang artikulong ito, para malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa diarrhea at mga pagkain para sa nagtatae na bata.

Ano ang pagtatae o diarrhea?

Ayon sa Mayo Clinic, ang diarrhea o pagtatae ay isang karaniwang problema ng tao. Ito ang madalas na pagdumi na nauugnay sa iba pang mga sintomas tulad ng pagsusuka at pananakit ng tiyan. Kung saan mayroon ding mga pagkakataon na ang duming inilalabas ng tao ay matubig.

Ang pagtatae ay sinasabing paraan ng katawan para harapin ang ilang problema sa gastrointestinal system at manifestation ng dehydration kung saan sinasabi na delekado ito. 

Tinatawag din na Loose Bowel Movement (LBM) ang sobrang matubig na pagtae— at mayroon itong 3 uri. Narito ang mga sumusunod:

  • Acute diarrhea. Tumatagal ito ng 1-2 linggo at sinasabi na ito ang pinakakaraniwang uri ng pagtatae. Hindi madalas na kailangan ang gamot para dito dahil sa pagtagal nawawala rin ito.
  • Persistent diarrhea. Ang pagtatae na ito ay pwedeng magtagal ng 2-4 na linggo.
  • Chronic diarrhea. Para sa mga bata na may mahinang immune system, pwede itong maging dahilan ng kanilang kamatayan at kadalasan tumatagal itong ng mahigit na 4 na linggo.

Mga dahilan ng pagtatae ng bata

Katulad ng mga matatanda, ang mga bata rin ay madalas rin na nakakaranas ng diarrhea. Narito ang mga sumusunod na dahilan na pagtatae ng bata:

  • virus o viral infection 
  • pag-inom ng iba’t ibang gamot
  • allergies
  • food poisoning
  • pag-inom ng sobrang tubig o pagkakainom ng hindi malinis na tubig
  • side effect ng constipation
  • mga pagkaing hindi kasundo ng tiyan, lalo na kung lactose intolerance ka (hal. Dairy products)

Mga karaniwang sintomas para sa pagtatae ng bata

Mahirap para sa magulang na makitang nagdurusa ang anak sa sakit, lalo’t ang pagkakaroon ng diarrhea ay sanhi para maging matamlay ang isang bata. Kaya naman mahalaga para sa mga magulang na malaman ang sintomas ng pagtatae ng anak para mabigyan sila ng agarang atensyon na kanilang kinakailangan. Narito ang mga sumusunod na sintomas:

  • kawalan ng gana sa pagkain
  • pagsakit o pananakit ng tiyan
  • pagduduwal
  • pagsusuka
  • lagnat
  • matubig na pagtae
  • madalas na pagdumi
  • hindi halos na pag-ihi
  • kulay itim ang ihi
  • pagkakaroon ng dugo at itim na kulay sa dumi
  • panunuyo o pagbibitak ng balat ng labi
  • panlalalim ng mata
  • pagkahilo
  • pagkabalisa

Kailan dapat magpakonsulta at maalarma sa pagtatae ng bata?

Pwedeng gamutin ang pagtatae sa loob ng bahay  basta’t siguraduhing made-dehydrate ang anak sapagkat may posibilidad na magkombulsyon o seizures ang bata sa oras na makaranas ito ng dehydration.

Sa madaling sabi, nakakaalarma na ang pagtatae sa kapag nakaranas ng dehydration ang bata. Narito ang mga senyales na dapat mong bantayan sa bata:

  • pagiging matamlay
  • pagkahilo
  • malamig ang balat
  • madilim na kulay ng ihi
  • kaunting pag-ihi ng bata
  • panunuyo ng labi

Mas magandang dalhin ang bata sa ospital para sa agarang medikal na atensyon, kapag ganito na ang kondisyon ng anak:

  • sobrang nanghihina na ang bata
  • kulay berde o dilaw ang suka
  • nagkaroon ng rashes sa katawan
  • hindi na nakakainom ng tubig dahil isinusuka na lang ito ng bata
  • lagnat na hindi nawawala
  • pagkakaroon ng senyales ng dehydration
  • may dugo na sa dumi ng bata
  • pagdumi ng mahigit na 4 na beses sa loob lamang ng 8 oras
  • pagsakit ng tiyan na tumatagal ng mahigit na 2 oras
  • hindi pag-ihi sa loob ng 6 na oras ng baby o 12 oras kung isang bata na ang anak

Mga pagkain para sa nagtatae na bata

Ang pagtatae ay pwedeng maibsan sa pamamagitan ng mga pagkain na maaaring kainin ng bata. Narito ang mga sumusunod:

Pagkain para sa nagtatae na bata: Pinakamahalaga-Tubig

water therapy diet

Sa pagtatae kailangang malabanan ang dehydration, kaya ang pag-inom ng tubig nakakabuti sa kalagayan. Kinakailangan mabalik ang tubig na nawala sa katawan dahil sa pagtatae para makaiwas sa anumang komplikasyon, at laging tatandaan na ang dehydration ay pwedeng pagmulan ng mga seryosong kondisyon kaya dapat itong matugunan ng wasto.

Pagkain para sa nagtatae na bata: Pinakuluang Patatas

Ang pagkain ng patatas nang walang balat ay nakakatulong para mawala ang pananakit ng tiyan, sanhi ng diarrhea.

Pagkain para sa nagtatae na bata: Tinapay

bread for diet

Sinasabi na ang tinapay ay may malaking ambag sa pag-absorb ng sobrang tubig na sanhi ng pagtatae, kung saan makakatulong ito para patigasin ang dumi ng isang tao.

Tandaan lamang na dapat na hindi nagtataglay ng anumang dairy products ang tinapay dahil may mga pagkakataon na ang pagtatae ay sanhi ng pag-take ng mga dairy product.

Pagkain para sa nagtatae na bata: Saging

Are bananas good for urinary tract infection?

Kilala ang saging sa mga pagkain para sa nagtatae na bata dahil ang saging ay mayroong mataas na bilang ng pectin. Ang pectin ay fiber na madalas makuha sa gulay at prutas at ang saging ay mayroon ding minerals at vitamins na nakakatulong sa pagpapabuti ng digestion.

Pagkain para sa nagtatae na bata: White rice

Ang puting kanin ay isang magandang lunas sa diarrhea sapagkat binabawasan nito ang bilang ng pag-urong para alisan ang bituka ng laman. Nakakatulong din ang white rice sa pagbawas ng toxin sa katawan ng tao.

Pagkain para sa nagtatae na bata: Apple sauce

Makikita na mas maganda ang apple sauce kung ikukumpara sa pagkain ng mansanas dahil ang balat nito ay pwedeng hindi matunaw sa’ting katawan habang ang isang bata ay nakakaranas ng pagtatae. Ang apple sauce ay isa sa mga kilalang lunas para sa diarrhea.

Key Takeaways

Madaling malulunasan ang pagtatae sa pamamagitan ng maayos at tamang pagkain. Pwede itong gamutin sa bahay, pero kung nakakaranas na ang bata ng mga mas malalang sintomas kaugnay sa pagtatae mas magandang magpakonsulta na agad sa doktor para sa medikal na atensyon at payo.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diarrhea https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diarrhea/symptoms-causes/syc-20352241 Accessed April 20, 2022

Symptom Checker https://www.mayoclinic.org/symptom-checker/diarrhea-in-children-child/related-factors/itt-20009075 Accessed April 20, 2022

Toddler diarrhea: more a nutritional disorder than a disease https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1717620/ Accessed April 20, 2022

Functional gastrointestinal disorders: Working Group Report of the First World Congress of Pediatric Gastroenterology, Hepatology, and Nutrition https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12192179/ Accessed April 20, 2022

Childhood functional gastrointestinal disorders: neonate/toddler https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16678565/ Accessed April 20, 2022

Mom’s Advice Is Still the Best for Treating Diarrhea https://health.clevelandclinic.org/moms-advice-is-still-the-best-for-treating-diarrhea/ Accessed April 20, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement