backup og meta

Totoo Ba Na Ang Sibuyas Ay Nakakatulong Sa Lagnat?

Totoo Ba Na Ang Sibuyas Ay Nakakatulong Sa Lagnat?

Malamang naniniwala ka na ang sibuyas gamot sa lagnat. Kung kaya, nakaranas ka nang maglagay ng mga sibuyas sa iyong medyas tuwing ikaw ay may trangkaso. Ayon sa folk remedy, ilagay lang ang hiniwang sibuyas sa ilalim ng iyong paa at magsuot ng medyas. Ginagamit ito sa buong magdamag upang gumaling sa sakit.

Ang lunas na ito ay maaaring nagsimula noong 1500s pa, ayon sa National Onion Association. Sa panahong iyon, pinaniniwalaan na ang paglalagay ng hilaw na sibuyas sa paligid ng iyong tahanan ay maaaring magbigay ng proteksyon laban sa bubonic plague. Noong mga panahong iyon, inaakala na ang mga impeksyon ay kumakalat sa pamamagitan ng miasma, o nakalalasong hangin. Ang teorya ng miasma ay napalitan na ng evidenced-based germ theory.

Sibuyas Gamot Sa Lagnat? Kilalanin Ito

Matagal nang itinatanim ang sibuyas at ito ay dahil tumutubo ng kusa sa iba’t ibang mga rehiyon, malamang kinakain na ito kahit pa ng mga sinaunang tao. Ang mga sibuyas ay maaaring isa sa mga pinakaunang tinanim na pananim dahil hindi gaanong nabubulok ang mga ito kumpara sa iba pang mga pagkain noong panahong iyon. Ang sibuyas ay kapaki-pakinabang para sa pagpapanatili ng buhay ng tao. Pinipigilan ng mga sibuyas ang pagkauhaw at maaaring patuyuin at ipreserba para makain kapag tagtuyot. 

Maraming mga dokumento mula pa noong unang panahon ang naglalarawan sa kahalagahan nito sa:

  • Pagkain 
  • Paggamit nito sa sining
  • Gamot
  • Mummification

Ano Ang Nasa Sibuyas Bilang Gamot Sa Lagnat?

Ang mga sibuyas ay mayaman sa sulfuric compound, na nagbibigay sa kanila ng masangsang na amoy. Ayon sa alamat, kapag nilagay sa mga paa ang sibuyas, ang mga compound na ito ay pumapasok sa katawan. Pagkatapos, pinapatay nila ang mga bakterya at mga virus at nililinis ang dugo. May paniniwala din na ang paglalagay ng mga sibuyas sa paligid ng silid ay nag-aalis sa hangin ng mga virus, lason, at mga kemikal.

Sulfur Sa Sibuyas

Ang sulfur ay may mahalagang papel sa mga sibuyas at iba pang mga Allium dahil ito ay direktang nakakaimpluwensya sa kanilang mga natatanging lasa. Ito ang pangunahing elemento sa maraming mga compound na nagbibigay ng tiyak na lasa dito. Ang dilaw na sibuyas gamot sa lagnat ay matamis, matapang, at may pinakamataas na sulfuric content. Ito ay masarap na pampalasa sa mga lutuing gaya ng:

  • French onion soup
  • Caramelized na sibuyas
  • Nilagang sibuyas
  • Kebab

Ang isang tasa ng tinadtad na sibuyas ay nagbibigay ng hindi bababa sa 13.11% ng inirerekomendang pang-araw-araw na konsumo ng vitamin C. Bilang isang antioxidant, nakakatulong ang vitamin na ito na kontrahin ang pagbuo ng mga free radical compounds na may mga link sa cancer. 

Sa mga lumipas na siglo, ang mga tao ay umasa sa mga home remedies para sa sipon. Ang paggamit ng hiniwang sibuyas ay isang lunas na ipinasa-pasa sa pamilya hanggang nakaugalian na. Gayunpaman, sinabi ng National Onion Association na walang siyentipikong katibayan na ang pinutol na hilaw na sibuyas ay maaaring gamiting gamot sa lagnat.

Bakit Hindi Gumagana Ang Sibuyas Para Sa Lagnat?

Ang mga sibuyas ay hindi nagbibigay ng magandang kapaligiran para sa pagdami ng bacteria o virus. Sa kabilang banda, isang napakagandang lugar ang iyong katawan para sa bacteria at virus kung kaya madali silang dumami lalo na kapag nagkasakit ka. Mabuti na lang, may kakayahang lumaban ang iyong katawan.

Kahit na may kakayahan ang sibuyas na mag-alis ng mikrobyo, na imposible ayon sa siyensya, wala pa ring espesyal sa sibuyas na makakapag-alis ng mga mikrobyo na ito. Kapag napansin ng iyong immune system na umaatake ang mga mikrobyo, naglalabas ito ng mga antibodies at sinusubukang lumaban sa mikrobyo.

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Does an onion in the sock work for a cold? https://www.medicalnewstoday.com/articles/320167, Accessed August 8, 2022

Does an Onion in the Room Stop a Cold or Flu? https://www.verywellhealth.com/will-an-onion-in-the-room-stop-a-cold-or-the-flu-770452, Accessed August 8, 2022

Fever, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fever/symptoms-causes/syc-20352759, Accessed August 8, 2022

Garlic and onions: Their cancer prevention properties, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4366009/, Accessed August 8, 2022

Kasalukuyang Version

03/28/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement