backup og meta

Red Wine Para Sa Kalusugan, Anu-ano Ang Benepisyo Nito? Alamin Dito!

Red Wine Para Sa Kalusugan, Anu-ano Ang Benepisyo Nito? Alamin Dito!

Pinaniniwalaan na ang pag-inom ng red wine para sa kalusugan ay makakatulong para makaiwas sa heart disease. Dahil naglalaman ito ng alcohol at kemikal na tinatawag na “polyphenol” na tumutulong na protektahan — ang lining ng mga daluyan ng dugo sa puso.

Taglay rin ng red wine ang “resveratrol”. Isa itong active ingredient sa polyphenol nagsisilbi bilang antioxidant. Ito ang isang key ingredient kung bakit nakakabuti para sa puso ang red wine. Ang pag-inom ng red wine sa katamtamang paraan (moderation) ay makakatulong sa pag-iwas sa coronary artery disease — na humahantong sa atake sa puso

Dagdag pa rito, ang low content of alcohol ng red wine ay pwedeng magprotekta sa blood vessels sa pamamagitan ng pagpigil ng pamumuo ng dugo — pagpapababa ng bad cholesterol (LDL) at pagpapataas ng good cholesterol (HDL).

Basahin at matuto pa tungkol sa benepisyo ng red wine sa kalusugan.

Inirerekomenda ba ng health care providers ang red wine?

Hindi iminumungkahi ng health providers ang pag-inom ng alak para sa heart benefits. Lalo na kung may “family history of alcohol use disorder” ka. Sapagkat, ang sobrang alcohol ay pwedeng maging sanhi ng iba’t ibang masasamang epekto sa katawan. 

Gayunpaman, kung umiinom ka ng red wine sa katamtaman na paraan. Maaari nitong mapabuti ang iyong heart health. Ang pag-inom ng 1-2 drinks per day (4-8 ounces) ay makakatulong sa pagbawas ng panganib sa cardiovascular diseases. Ito’y dahil na rin sa taglay na polyphenols ng red wine.

Narito pa ang mga sumusunod na benepisyo ng red wine sa kalusugan:

Maaari nitong mabawasan ang cancer risk

Ayon sa artikulong “7 Science-Backed Health Benefits of Drinking Red Wine” lumalabas sa mga recent studies na ang red wine ay mayroong abilidad — na bawasan ang cancer risk. Sa pamamagitan ng pagpigil sa paglaki ng cancerous cells. Partikular sa breast at esophageal cancer. Dagdag pa rito, ang resveratrol ay tumutulong sa pagkagutom ng cancer cells. Sa pamamagitan ng pag-block ng development ng key protein na nagpapakain sa kanila. 

Sinasabi rin na ang resveratrol ay “powerful antioxidant” na madalas makita sa grape skin at red grape juice. Kung saan, batay sa mga researcher na mula sa University of Virginia. Ang protein sa grape skin ay kayang pumatay ng cancer cells. Mayroon ding kakayahan ang antioxidants na tulungan ang katawan na labanan ang free radicals — na pwedeng sumira ng organs at cells.

Nakakatulong sa pag-iwas ng Alzheimer’s Disease

Ang dementia ay isang chronic o persistent disorder ng mental process. Ito’y unting-unti nagaganap sa panahon ng pagtanda. Sa madaling sabi, ang alzheimer’s disease ay isang developing mental deterioration. Ipinapakita ng mga pa-aaral na ang wine consumption ay nagpapababa ng risk sa pagkakaroon ng dementia — na humahantong sa Alzheimer’s disease.

Ito ay dahil sa resveratrol na makikita sa red wine na tumutulong na panatilihin na bukas ang daluyan ng dugo. Kung saan ang mga mahahalagang suplay ng oxygen at glucose ay malaya na makakapunta sa utak. Para mapanatili nitong buhay at gumagana. Sa ganitong proseso nakakatulong din ito upang maiwasan na maapektuhan ang brain function at mag-retain ang memorya.

Napapabuti nito ang paningin ng tao

Ang macular degeneration ay leading cause ng kawalan ng paningin. Kinokonsidera rin ito bilang “incurable eye disease”. Sinasabi na ang macula ang responsable para sa abilidad na makabasa, maka-recognize at makakita ng bagay sa detalyadong paraan. Ayon kay Milind Pande, isang ophthalmologist, ang resveratrol ay beneficial para sa mga mata dahil pinipigilan nito ang age-related deterioration ng eye muscles.

Pwedeng gamitin sa pagpapahupa ng depresyon

Karaniwang serious disorder ang depresyon na pwedeng makaapekto sa’yong kalusugan at gawain sa araw-araw. Maaaring maging “contradicting” ito dahil ang alam ng marami — ang alcohol consumption ay pwedeng magpalala ng pagkabalisa.

Ngunit, ayon sa artikulong “10 Health Benefits of Wine, According to Science”. Ipinakita ng 7-year old study na isinagawa ng PREDIMED na ang light moderate drinkers — na umiinom ng 2-7 na baso ng wine sa isang linggo ay less prone sa depresyon.

Ang pag-inom nito ay dapat nasa katamtaman lamang. Sapagkat, lumalabas din sa parehong pag-aaral na ang mga taong umiinom ng sobra ay mas prone sa depression. 

Maaari kang mabigyan ng malusog na balat

Dahil naglalaman ng antioxidants at polyphenols ang red wine, pwede nitong mapabuti ang balat sapagkat, ang mga nabanggit ay mahalaga para sa pagpapanatili ng kalusugan ng balat.

Napapalakas nito ang body’s defenses

Ang pag-inom ng red wine sa katamtaman ay nakakatulong para makapagdevelop ng immunity para malabanan ang 200 viruses. Sapagkat ang inuming ito ay nagtataglay ng mataas na lebel ng antioxidants sa anyo ng flavonoids — na tumutulong sa paglaban sa viruses.

Napapatibay nito ang mga buto

Isang bone disease ang osteoporosis na karaniwan sa mga babae. Partikular sa panahong nasa menopausal stage na sila. Ginagawang mas mahina ang buto ng osteoporosis. Kung saan, pinapataas din nito ang bone fracture. 

Ngunit, lumalabas sa mga pag-aaral na ang pag-inom ng red wine sa katamtaman na paraan ay tumutulong sa pagbawas ng pagkakaroon ng osteoporosis. Ang 1-2 na baso ng red wine ay pwedeng magprotekta sa pagnipis ng buto ng mga babae.

Pagkakaroon ng proteksyon sa dental plaque

Maaaring makatulong na pagdagdag proteksyon sa dental plaque ang pag-inom ng red wine. Dahil napapataas nito ang defenses para sa gum disease — at pinababagal nito ang pag-unlad ng bakterya na dahilan ng cavities.

Nakakatulong ito sa pag-regulate ng blood sugar

Ang red wine ay may abilidad din na i-regulate ang blood sugar ayon sa American Diabetes Association. Sinasabi na ang pag-inom nito ay pwedeng magpababa ng blood sugar na beneficial para sa mga taong may matatas na level ng blood sugar. Subalit, hindi dapat na maging pamalit ang ang red wine sa blood glucose management medication at treatment plans.

Gaanong karaming red wine para sa kalusugan ang dapat inumin?

Maraming benepisyo ang red wine para sa kalusugan. Ngunit dapat itong inumin sa katamtamang dami. Sapagkat ang sobrang pag-inom nito ay pwedeng makasama sa iyo. Narito ang moderate amount ng red wine na iminumungkahi na pwede mong inumin. Ang mga datos na ito ay mula sa Flushing Hospital Medical Center.

  • Para sa mga babae (kahit anong edad) — isang 5 ounce glass ng wine bawat araw.
  • Sa mga kalalakihang nasa 65 – pataas ang edad — isang 5 ounce glass ng wine bawat araw.
  • Ang mga lalaki hanggang sa edad na 65 — dalawang 5-ounces glasses ng wine bawat araw.

Key Takeaways

Maaari mong makuha ang mga benepisyo ng red wine para sa kalusugan. Kung iinumin lamang ito sa katamtamang dami. Ugaliing magpakonsulta sa doktor para magabayan ka sa tamang paraan ng pag-inom nito. Huwag ding kakalimutan na hindi iminumungkahi ng health care provider ang pag-inom ng alak. Partikular na kung may “family history of alcohol use disorder” ka. Dahil maaari itong maging sanhi ng iyong kapamahakan sa kalusugan.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Red wine and resveratrol: Good for your heart https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/red-wine/art-20048281 Accessed June 3, 2022

7 Science-Backed Health Benefits of Drinking Red Wine https://www.realsimple.com/health/nutrition-diet/red-wine-health-benefits Accessed June 3, 2022

The Health Benefits of Red Wine https://www.flushinghospital.org/newsletter/the-health-benefits-of-red-wine/ Accessed June 3, 2022

10 Health Benefits of Wine, According to Science https://blog.winetourismportugal.com/10-health-benefits-of-wine-according-to-science Accessed June 3, 2022

The Health Benefits of Red Wine https://scholarcommons.sc.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1038&context=senior_theses Accessed June 3, 2022

Red Wine Health Benefits: What You Need To Know https://www.pushdoctor.co.uk/nutrition-advice/red-wine-health-benefits-what-you-need-to-know Accessed June 3, 2022

 

Kasalukuyang Version

06/29/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement