Ang kasabihan na hindi mo matuturuan ang matandang aso ng bagong tricks ay hindi naa-apply dito. Ang pagsasagawa ng maliliit na hakbang sa iyong diet ay nakapagdaragdag ng malaking pagbabago sa matagal na panahon. Sa katunayan, ang diet ng isang tao ay mas malaki ang impact sa kanyang kalusugan kaysa sa exercise. Kaya’t ang pagkain ng masusustansyang pagkain ang maaari mong gawin upang maging fit. Paano kumain ng masustansya? Alamin sa article na ito.
5 Tips kung paano kumain ng masustansya na pagkain
1. Mind over matter
Una sa lahat, iwasan ang pagkategorya ng pagkain bilang “mabuti” o “masama.” Ito ay maaaring bumuo ng mindset na ang pagkain ng ilang tiyak na pagkain, tulad ng patatas o tinapay, ay hindi maaari. Karagdagan, ang tiyak na “masustansyang” pagkain ay maaaring hindi ganun kasustansya tulad ng inaakala.
Sa pag-iwas ng black at white na pag-iisip, maaari mong ma-minimize ang pakiramdam ng guilt matapos kumain ng pagkain na nakasisiya.
Marami ang mga tao ay may emotional triggers na nakaaapekto sa kanilang pag-uugali, at ang guilt ay maaaring maging sanhi na kumain nang sobra o kumain nang kaunti. Karagdagan, maaari kang kumain nang sobrang masustansyang pagkain at hatakin pabalik ang iyong progreso.
Sa realidad, ang pagda-diet ay tungkol sa moderasyon. Siguraduhin na mayroong kumpletong nutrisyon sa pagbibilang ng macronutrients. Kausapin ang iyong doktor o registered dietitian para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa tamang diet at ang iyong layunin sa pagiging fit.
2. See no evil
Pangalawa, mahalaga na alalahanin na ang mga tao ay tumutugon sa visual cues. Kadalasan ang media ay ipinapakita ang mga kalidad na ito sa pamamagitan ng print ads at commercials. Ilang segundo lamang, maaari kang mapag-isip sa buong araw ng epektibong patalastas tungkol sa produkto.
Gayundin, ang pagtingin at pag-iisip tungkol sa pagkain ang unang hakbang sa pagtunaw. Kung ang ating isip ay alam na paparating na ang pagkain, nagsisimula nang maghanda ang digestive system. Dahil dito, subukan na iwasan ang mga bagay na makapagpapaalala sa iyo ng tiyak na pagkain o makapagti-trigger ng craving. Kabilang dito ang pagdaan sa mga fast food restaurants at billboards.
Kaya’t upang mabawasan ang cravings at pag-iisip tungkol sa mga pagkain na nais iwasan, mainam na wala ito sa paningin at isipan. Subukan na manood o magbasa ng health at lifestyle blogs at videos na makikita online. Ang pagtingin sa iba na kumakain at nagluluto ng masustansyang pagkain ay maaari kang matulungan na mapanatili ang iyong motibasyon at magbigay ng inspirasyon kung paano kumain ng masustansya.
3. Size matters
Gaya ng nabanggit kanina, ang mga tao ay tumutugon sa visual cues. Madalas na dinadamihan natin ang pagpili at tinitimbang ang options base sa itsura bago magdesisyon. Kaugnay ng pagdi-diet, ang marami ay maaaring hindi mas mainam – kung ang pag-uusapan ay sa laki ng plato.
Sa panahon ngayon, may kilalang diet hack na gumamit ng mas maliliit na plates at bowls para sa mas mainam na portion control. Karagdagan, ang ilusyon ng pagkakaroon ng punong plato ay mas maiisip mong kumakain ka nang marami. Ang diet hack na ito ay base sa Delboeuf illusion, kung saan ang object ay mas maliit o malaki depende sa kung anong malapit.
Gayunpaman, ang paggamit ng sobrang liit na plato ay maaaring hindi mabuti. Ang pagkain ay mas appetizing kung marami ito, na ginagamit ng advertisement upang manghikayat ng customers. Karagdagan, ang larawan ng punong plato sa harapan ng package ay maaaring higit pa sa isang serving. Bilang resulta, maaaring hindi mo intensyon na kumain nang mas marami sa inaasahan.
Upang maiwasan ito, subukan na sukatin ang pagkain sa pamamagitan ng food scale, measuring cups, o kahit na ang kamay. Ito ay nakapagbibigay ng mas consistent na visual cues, na makatutulong kung bibilli ng pagkain o magluluto sa bahay.