Pinapagana ng maraming uri ng nutrients ang katawan ng isang tao. Kung saan, maaari itong makuha mula sa pagkain at inuming kinokonsumo ng isang indibidwal sa araw-araw. Ang mga sustansya na mula sa iba’t ibang pagkain at inumin ang nagiging lakas din ng tao. Para makagalaw at magawa ang mga aktibidad na nais gawin. Ngunit, ano nga ba ang iba’t ibang uri ng sustansya na taglay ng bawat pagkain?
Basahin at alamin sa artikulong ito ang mga mahahalagang bagay tungkol sa mga uri ng nutrients — at benepisyo nito sa’yong katawan.
Ano Ang Sustansya?
Mahalagang substances ang sustansya o nutrients. Kailangan ito ng katawan para sa wastong paggana. Narito ang ilan sa mga benepisyo na pwedeng makuha sa pagtanggap ng isang mahusay na amount ng nutrients:
- Pagkakaroon ng enerhiya
- Pagsuporta sa bodily structure
- Pag-regulate ng chemical processes
Nagbibigay-daan sa’yo ang mga fundamental functions para makita, mag-react, at tumugon sa kapaligirang kinaroroonan mo. Mahigit sa 40 iba’t ibang uri ng nutrients ang naroroon sa maraming uri ng pagkain. Ngunit, maaari silang mauri sa dalawa: ang macronutrients at micronutrients.
Mga Uri ng Nutrients: Macronutrients
Tumutukoy ang macronutrients sa mga uri ng sustansya na kailangan ng katawan sa large quantities. Sinasabing nagbibigay ito ng enerhiya sa sistema ng katawan sa anyo ng calories.
Nabibilang sa mas malaking kategorya ang carbohydrate, lipid, at protina.
Mga Uri ng Nutrients: Carbohydrates
Kilala ito bilang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya na binubuo ng carbon, hydrogen, at oxygen. Pumapasok ito sa mga daluyan ng dugo bilang glucose (blood sugar). Kung saan, ginagamit ito ng katawan para sa fuel. Bago itabi ang mga natitira bilang fat. Ang isang gramos ng digested carbohydrates ay nagbibigay ng apat na kilocalories ng enerhiya para sa cells. Nang sagayon, makapag-conduct ng trabaho.
Bukod dito, ang partikular na mga uri ng nutrients ay kinakailangan para sa wastong paggana ng nervous system, puso, at bato.
Narito ang ilang ang good sources ng carbohydrates:
- Pasta
- Kanin o Rice
- Cereals
- Grains
- Tinapay
- Patatas
- Mga prutas
Ayon sa American Dietary Guidelines, ang carbohydrates ay dapat mag-account ng 45-65 percent ng daily calories.
Lipids (Taba)
Medyo katulad ng carbohydrates ang lipids. Sapagkat, sila rin ay isang pangkat ng mga nutrients na may carbon, hydrogen, at oxygen-based compounds. Ngunit, hindi matutunaw sa tubig ang ganitong uri. Ang mga ito ang namamahala sa paghahatid at pag-iimbak ng enerhiya sa katawan.
Bilang isang pangunahing component ng cell membranes. Pinamamahalaan ng mga ito ang iba’t ibang physiological activities at mga paggana ng katawan tulad ng:
- Pagbabalot at pagprotekta sa organs (sa tissues na nag-iimbak ng taba)
- Nagbibigay ng insulation upang tumulong sa regulasyon ng temperatura
May mas mataas na density ng enerhiya bawat grams ang lipids — siyam na kilocalories bawat grams ng lipids — kumpara sa previous carbohydrates. Kaya, naging most concentrated source of energy ito.
Ang 3 pangunahing anyo ng lipids ay ang triglycerides (triacylglycerols), phospholipids, at sterols.
Makakahanap ka ng lipids sa isa o higit pa sa mga sumusunod:
- Oils
- Butter
- Karne, isda, dairy
- Mga buto at mani
- Avocado
Mga Uri ng Nutrients:Protina
Binubuo ito ng amino acids o building blocks ng tissues na responsable para sa paglaki, pagkumpuni, at pagpapanatili ng tissue ng katawan.
Ang bawat protina ay naglalaman ng apat na kilocalories bawat grams ng enerhiya.
Narito ang mga pagkain naglalaman ng mga protina:
- Animal sources (manok at manok, karne, pagkaing-dagat)
- Mga itlog
- Dairy products (tofu, toyo, gatas)
- Legumes (beans, peas, lentils, chickpeas, mani)
- Whole grains
Tubig
Ang katawan ay naglalaman ng 45-75 percent ng tubig. Kung saan, isa itong mahusay na bahagi sa dugo at iba pang mga likido sa katawan. Bilang resulta, nakakatulong ito sa pagdadala ng mga sustansya sa buong katawan — papasok at palabas ng cells. Higit pa rito, pinapadali din nito ang regulasyon ng temperatura ng katawan at ginagamit sa iba’t ibang aktibidad ng katawan.
Sinasabi na pangkalahatang tuntunin ang pag-inom ng 8-10 baso ng tubig bawat araw para sa isang tao .
Mga Uri ng Nutrients: Mga Micronutrients
Maliit na halaga ng nutrients ang micronutrients na kailangan ng katawan. Ang powerful combination ng vitamins at mineral ay kabilang sa kategoryang ito.
Vitamins
Ang bawat bitamina ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa isang partikular na proseso sa’yong katawan. Kabilang sa mga ito ang tulong na ibinibigay nito sa wastong paggana ng mga sumusunod:
- Metabolismo
- Paglago at pag-unlad
- Immune system
Nailalarawan ang bitamina bilang fat-soluble (vitamin A, D, E, at K) o water-soluble (B complex vitamins at vitamin C).
Minerals
Tulad ng bitamina, ang minerals ay mga elemento na kailangan din para gumana ang katawan sa paraang nararapat. Ang ilang minerals ay kailangan sa metabolic activities, habang ang iba, tulad ng calcium sa’ting mga buto at ngipin — ay ginagamit bilang bahagi ng arkitektura ng katawan.
Madali mo itong makikita pareho sa isang malawak na seleksyon ng pagkain. Mula sa mga prutas at gulay hanggang sa karne, seafood, at higit pa.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]