backup og meta

Mga Benepisyo ng Mint: Bakit Maganda sa Kalusugan ang Fresh at Cool Herb

Mga Benepisyo ng Mint: Bakit Maganda sa Kalusugan ang Fresh at Cool Herb

Madalas na naiuugnay ang mint sa chewing gum at fresh breath. Ngunit isa rin itong madahong halaman na nagdaragdag ng lasa sa pagkain at inumin. Ang gum, toothpaste, breath freshener, mouthwash, mojito cocktails, lamb dishes, at maging ice cream ay may sangkap na magkakaibang dami ng mint. At lahat tayo ay nakararanas ng malamig na pakiramdam sa bibig kapag kumokonsumo ng mga ito. Ngunit bukod sa malamig na pakiramdam, may dapat pa ba tayong malaman hinggil sa mga benepisyo ng mint? 

Iba’t ibang Mint

Maraming uri ng madahong mint plant. Karamihan sa mga ito ay kabilang sa genus Mentha.

Tumutubo sa halos lahat ng kontinente ang mint maliban sa Antarctica. Ang peppermint at spearmint ang pinakakaraniwang uri nito, ngunit marami pang iba, tulad ng wild mint at water mint.

At dahil mabilis tumubo at dumami ang halamang mint, nakapagpapatubo ang mga maghahalaman ng mint sa mga container. Kapag itinanim diretso sa lupa, puwede itong kumalat sa hardin. 

Ang ilang mga halamang itinuturing na “mint” ay kabilang din sa genus Monarda. Nasa parehong pamilya ang Mentha at Monarda genus, at ito ang Lamiaceae. Kabilang sa Monarda mints ang horsemint, catmint, at stonemint. Ang lahat ng ito ay maaring gamitin nang fresh, pinatuyo, brewed bilang tsaa, o concentrated sa essential oil. 

Mint at mga Insekto

Sa Estados Unidos, kadalasang naa-attract ng mga halamang mint ang mga peste sa anyo ng anay, cutworms, at flea beetles. Maaaring mabawasan ang mga ito ng 80% o higit pa.

Matagal nang kinikilala ang mint bilang popular at traditional kitchen herb, ngunit mayroon din itong napakaraming benepisyo mula sa usaping medikal hanggang sa iba pang area na may matibay na kaugnayan sa kalusugan – mula sa industriya ng pagkain hanggang sa repellents at insecticides. 35% ng mga lupain sa Midwestern ay ginamot ng insecticides upang kontrolin ang mint flea beetle at mint bud mite.

Bagaman nag-invest nang sobra ang mint industry ng oras at panahon sa pananaliksik upang mai-commercialize ang teknolohiyang ito, hindi ito nagtagumpay na magprodyus ng cost effective at available na produkto. Ang mga nagtatanim ng mint sa northwest ay palaging nakadepende sa paggamit ng mga insecticide upang makontrol ang mga pesteng insekto.

Mga Benepisyo ng Mint

Ang kasaysayan ng local Egyptian mint ay nagsimula pa noong 1,000 BC, nang gamitin ito ng mga ancient Egyptian bilang herbal medicine. Kinakitaan ang essential oil mula sa M. longifolla ng strong antibacterial activity laban sa plant at human bacterial pathogens. 

Ang mga practitioner ng traditional medicine ay gumagamit ng mint upang gamutin ang magkakaibang sakit. Gayunpaman, wala pang naidodokumentong mga pag-aaral sa tao sa epekto ng mint sa katawan maliban sa digestion at pampawi ng irritable bowel syndrome.

Paano Malalaman Kung Mayroon Kang Irritable Bowel Syndrome (IBS):

Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, makukumpirma ng pananaliksik na malaki ang nagagawa ng mint sa paggamot sa maraming uri ng karamdaman.

Iba pang Posibleng Benepisyo ng Mint

  • Kalusugan ng Utak – isang pag-aaral ang nagsabing posibleng maipanggamot ang mint sa mga sintomas ng Alzherimer, bagaman marami pang pag-aaral ang kailangang gawin. Isa pang pag-aaral ang nakatuklas na ang pag-amoy sa peppermint ay nakapagpapaganda ng memorya at nagpapataas ng pagiging alerto. Hindi pa alam kung pareho din ang epekto nito kung kakainin.
  • Kalusugan ng Digestion – higit na kilala ang mint dahil sa digestive relief properties nito. Sinasabi ng pananaliksik na nakapagpapaginhawa ng sakit ng tiyan ang peppermint oil at nakatutulong upang gamutin ang irritable bowel syndrome.

Sinasabi ng animal at in vitro studies na maaaring may malawak na medicinal application ang dahon ng mint kumpara sa alam na natin ngayon. Natuklasan ng mga pag-aaral na kayang patayin ng mint ang mga bacteria. Nakababawas ito ng stress, at nilalabanan ang cancerous tumor cells.

Hangga’t hindi pa naisasagawa ang mga human trial, hindi pa rin masasabi kung may parehong epekto sa katawan ng tao ang mint.

Nagsagawa ng pag-aaral ang mga pananaliksik upang maalis ang pagtingin na ang mint ay isa lamang culinary herb. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mint ay potensyal na halamang gamot. Posibleng kabilang sa mga benepisyo ng mint ang likas na antioxidant sa pagkontrol ng pagkasira ng pagkain, o bilang insect repellent. Sa dulo ng pag-aaral,  isinulong ang pangangailangang magkaroon ng ambitious at malalim na dedicated research initiative. Sa pamamagitan nito, higit na matingnan at maisiwalat ang tunay na kamangha-manghang benepisyo sa kalusugan ng mint. 

Key Takeaways

Hindi na mabilang ang mga produkto mula sa chewing gum at ice cream hanggang sa breath fresheners na may mint. Napatunayan na ang halamang ito ay may ilang benepisyo sa kalusugan tulad ng pagpapalakas ng memorya at nakapagpapaginhawa ng tiyan. Makatutulong ang higit pang pag-aaral upang malaman kung mayroon pang ibang benepisyo ang mint bukod sa mga natuklasan na sa ngayon.

Matuto pa tungkol sa Nutrition facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Essential Oils of Mint between Benefits and Hazards, https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/0972060X.2013.813279, Accessed December 9, 2021

Prospective Role in Treatment of Major Illnesses and Potential Benefits as a Safe Insecticide and Natural Food Preservative of Mint (Mentha spp.): A Review, https://www.researchgate.net/profile/Sameer-Shaikh/publication/280981411_Prospective_Role_In_Treatment_Of_Major_Illnesses_And_Potential_Benefits_As_A_Safe_Insecticide_And_Natural_Food_Preservative_of_Mint_Mentha_spp_A_Review/links/5919c872a6fdccb149f36c9b/Prospective-Role-In-Treatment-Of-Major-Illnesses-And-Potential-Benefits-As-A-Safe-Insecticide-And-Natural-Food-Preservative-of-Mint-Mentha-spp-A-Review.pdf, Accessed December 9, 2021

The Benefits of Insecticide Use: Mint, http://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download?doi=10.1.1.655.4620&rep=rep1&type=pdf, Accessed December 9, 2021

Effect of an arbuscular mycorrhizal fungus, Glomus mosseae, and a rock-phosphate-solubilizing fungus, Penicillium thomii, on Mentha piperita growth in a soilless medium, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/jobm.200410409, Accessed December 9, 2021

Mint https://www.britannica.com/plant/Mentha  Accessed December 20, 2021

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement