backup og meta

Masustansyang Pagkain Na Masama Sa Kalusugan: Anu-Ano Ang Mga Ito?

Masustansyang Pagkain Na Masama Sa Kalusugan: Anu-Ano Ang Mga Ito?

Ang pagbibilang sa iyong calories at pagbabantay sa iyong macros ay mahalaga habang nagdi-diet, ngunit alam niyo ba na mayroong masustansyang pagkain na nakasasama sa’yo? Kahit na ito ay “masustansya,” may ibang mga pagkain na pumipigil sa iyong progreso. Upang maiwasan ito, pansinin ang mga listahan ng sinasabing masustansyang pagkain.

Masustansyang Pagkain Na Nakasasama Sa’yo

Fruit Juices

Ang unang item sa listahang ito ay maaaring makabigla sa maraming tao. Sumang-ayon ang mga eksperto sa kalusugan na ang sariwang prutas at gulay ay mahalagang parte ng isang malusog na diet. Ang mga prutas at gulay ay nakapagbibigay ng mga kinakailangang bitamina, minerals at mahahalagang fiber.

Gayunpaman, kadalasan ang mga fruit juice na binebenta ay may dagdag na sugar at pampalasa. Laging basahin ang label bago bumili. Hanapin ang mga produktong may salitang “concentrate” o “cocktail” dahil kadalasan ay indikasyon na ito ay 100% na purong juice.

Kahit na sa natural na sangkap nito, ang sobrang prutas ay nakadaragdag sa lebel ng blood glucose at timbang. Ito ay totoo sa mga prutas tulad ng mga hinog na mangga at mga saging. Maraming mga prutas ang kinakailangan upang mag-extract ng isang basong juice, kaya’t sa dulo makaiinom ka talaga ng marami sa inaasahan.

Soy Milk

Kilala ang soy o soya milk sa populasyon sa Asya na maraming lactose intolerant. Marami itong mga benepisyong pangkalusugan. Ang mga benepisyo nito ay ang pagiging plant-based na protina, walang cholesterol, at mayroong mga bitamina at mineral.

Ang plain na soy milk at ang mga soy na produkto sy kinikilalalang masustansyang pagkain. Gayunpaman, maraming nabibiling soy milk na may maraming dagdag na sugar. Itong mga produktong ito ang kailangang iwasan dahil pinawawalang bisa nila ang ang benepisyo ng soy milk.

Katulad ng mga bottled o naka-pack na juice, basahin ang label bago uminom ng soy milk. Ang mga flavored na soy milk na may artipisyal na strawberry, tsokolate o iba pang mga pampalasa ay nakadaragdag ng calories at sugar. Ang isang bote ng sweetened soy milk ay maaaring maglaman ng kasing dami ng sugar at calories gaya sa soda.

Canned At Dried Fruits

Gaya ng sa fruit juice, ang mga canned at dried fruit ay maaaring makapanlinlang. Ang paglalagay ng salitang prutas ay tunog masustansya kaysa sa nilalaman nito. Ngunit ang mga canned fruit na may syrup ay hindi masustansyang pagakin.

Ang mga prineserbang prutas at gulay ay kinokonsiderang masustansyang pagkain (sa ibang mga kaso, ito ay mas masustansya kaysa sa mga sariwang prutas) kung naka-can sila na nasa tubig lamang. Ibang mga masustansyang alternatibo ay frozen at dried fruits at gulay.

Gayunpaman, maging maingat sa mga dried fruits. Habang ang dried fruits ay convenient para sa mas matagal na stock at iba pang mga recipe, hindi dapat ito pampalit sa mga sariwang prutas. Calorie-dense ang mga dried fruits at pangunahing nilalaman ang mga nutrisyon na mayroon sa sariwang prutas. Halimbawa, ang serving ng ubas ay nasa kalahating cup, ngunit ang serving na ito ay kasing dami ng isang kutsarang pasas. Kaya’t mas madaling kumain nang marami kung ito ay mga dried fruits.

Yogurt

Isinusulong na isang pagkaing masustansya ang yogurt dahil sa taglay nitong protina, calcium, at probiotic. Habang ang mga ito ay masustansyang pagkain, maraming ibang mga produktong yogurt ang hindi. Kadalasang ibinebenta ang yogurt bilang panghalo sa lasa. Ito ay dahil sa panlasa ng ilan, ang yogurt ay masyadong maasim.

Sa kasamaang palad, marami sa mga flavor na ito ay mayroong artificial dye at refined sugar. Maaaring maging allergen para sa ibang mga tao ang mga dyes. Ang mga refined sugar ay pinatataas ang calories at ang lebel ng blood sugar. Ang sobrang mga glucose ay naco-convert sa fat.

Masustansyang pagkain na pamalit sa ice cream ang frozen yogurt, ngunit mahalaga pa ring basahin ang label kung ang sugar na mayroon ay tama sa iyong diet. Hanapin ang mga yogurt na mayroong nakalagay na “fresh fruit” o “no added or artificial sugar.”

Tuna At Iba Pang Isda

Sa pangkalahatan, ang tuna at iba pang isda ay masustansyang pinagmumulan ng protina. Ang isda ay mababa sa saturated fat at cholesterol. Lalo na kung ito ay steamed kaysa sa prinito. Karagdagan, ang isda ay mayroong beneficial omega-3 fatty acids at fat soluble na mga bitamina.

Ang pagiging hindi masustansya ng isda ay dahil sa taglay na mataas na mercury nito. Ang mga tiyak na uri tulad ng tuna, swordfish, at mackerel ay mayroong mataas na lebel ng mercury at kailangang maiwasan kung ikaw ay buntis. Mayroon ding dagdag na banta ng carcinogenic (nagdudulot ng cancer) ang smoked at charred na isda at karne.

Salad

Isa pa sa nakagugulat na pagkain sa listahan ay salad. Ang karaniwang salad ay naglalaman ng lettuce, kamatis, pipino, carrots, at dressing. Maaari kang magdagdag ng pinagmumulan ng protina tulad ng manok o beans upang maging kompletong meal ang salad. Habang ang kadalasan ng mga item na ito ay mababa ang calorie, mataas sa fiber, at parte ng malusog na diet, ang maling dressing ay maaaring magdulot ng hindi masustansyang diet.

Ang mga creamy salad dressing tulad ng ranch, Caesar, at thousand island ay ang mga paborito sa restawran, ngunit mas maraming mga fat, sodium, at sugar ang mayroon dito. Karagdagan, mahalagang alalahanin ang dami ng serving. Ang tipikal na dami ng serving ay nasa 1-2 na mga kutsara.

Iwasan ang paglagay ng dressing direkta sa pagkain. Ipalit ang mga home dressings at vinaigrettes bilang dressing.

masustansyang pagkain

Sports Drinks

Panghuli sa listahan ng mga hindi masustansyang pagkain ay sports drinks. Ang mga sports drinks ay popular sa mga atleta at naggy-gym dahil napapalitan nila higit ang tubig tuwing mabibigat ang aktibidad. Ang pawis ay nagtataglay ng electrolytes gaya ng sodium, chloride, magnesium, potassium. Tinataglay ng sports drinks ang mga electrolytes kasama ang dagdag na carbohydrates upang ma-refuel ang katawan.

Gayunpaman, ang ibang mga sports drinks ay mayroong sugar na kasing dami ng sodas at juices. Hindi ideal na uminom ng sports drinks kung ikaw ay nakaupo lamang o maghapon na nasa lamesa. Mahalaga na isipin na hindi pampalit ang sports drinks sa tubig.

Mahalagang Tandaan

Ang salitang “healthy” sa mga food packaging at mga patalastas ay minsan nakaliligaw. Hindi lang dahil may nagtataglay na sariwang prutas at gulay ay ibig sabihin na masustansyang pagkain na ito. Laging maging wais, at basahin ang label ng mga binibiling produkto. Kung ikaw ay may partikular na diet, siguraduhin na ang mga pagkain na ito ay hindi nagtataglay ng anumang pinagbabawal na kainin.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Unhealthy foods, https://www.heart.org/en/healthy-living/go-red-get-fit/unhealthy-foods, Accessed December 2, 2020

Eating processed foods, https://www.nhs.uk/live-well/eat-well/what-are-processed-foods/, Accessed December 2, 2020

Vegetables and fruits, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/what-should-you-eat/vegetables-and-fruits/, Accessed December 2, 2020

Are canned fruits and vegetables good for you? https://fruitsandveggies.org/stories/canned-fruits-vegetables-good/, Accessed December 2, 2020

Is eating dried fruit healthy? https://www.health.harvard.edu/healthy-eating/is-eating-dried-fruit-healthy, Accessed December 2, 2020

Confused about eating soy? https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/confused-about-eating-soy, Accessed December 2, 2020

Advice about eating fish, https://www.fda.gov/food/consumers/advice-about-eating-fish, Accessed December 2, 2020

Meat, fish and dairy products and the risk of cancer, https://www.wcrf.org/dietandcancer/exposures/meat-fish-dairy, Accessed December 2, 2020

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Para sa Immune System: Aling Filipino Foods Ang Mainam Dito?

Pagkain na Maalat at Matamis: Paano Ito Maiiwasan?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement