backup og meta

Masustansya Ba Talaga Ang Pagkain Ng Isda Araw-Araw? Alamin Dito!

Masustansya Ba Talaga Ang Pagkain Ng Isda Araw-Araw? Alamin Dito!

Puwede ba kumain ng isda araw-araw kung pagbabatayan ang sinasabi ng karamihan? Ayon sa dietary guidelines ng pamahalaan, ang mga tao ay dapat kumain ng isda dalawang beses sa isang linggo. Ang isda ay puno ng omega-3 fatty acids na may pakinabang sa puso at utak. Ngunit ligtas bang kumain ng isda araw-araw? Kung tutuusin, mas ligtas ang  kumain ng isda kaysa karne araw-araw. Ang agham ay hindi tumitingin sa pang-araw-araw na pagkonsumo ng isda. Ngunit maraming mga pag-aaral ang nagpakita na ang mga taong kumakain ng isda ilang beses sa isang linggo ay may mas mababang panganib ng atake sa puso.

Puwede ba kumain ng isda araw-araw: Mga benepisyo

Ang isda ay mahalagang bahagi ng isang malusog at balanseng diyeta. Ito ay magandang pinagmumulan ng protina at bitamina, pati na ang omega-3 fatty acid na malusog sa puso. Ang benepisyo ng omega-3 fatty acid ay:

  • Mas mababang panganib ng sakit sa puso
  • Mababang antas ng triglyceride
  • Nagpapabagal ng paglaki ng plaque sa mga arteries
  • Bahagyang nagpapababa ng presyon ng dugo
  • Maaaring maipasa ng mga buntis at nagpapasusong babae ang sustansyang ito sa kanilang sanggol sa pamamagitan ng pagkain ng tamang uri ng isda

Madalas mong makikita ang Omega-3 at Omega-6 na nakalista sa loob ng label na supplement facts. Gayunpaman, pinapayagan ng Food and Drug Administration ang mga manufacturers na ideklara ang pagkakaroon ng Omega Fatty Acids sa packaging mismo o label na may nakasulat na nutrition facts.

Ang tatlong pangunahing omega-3 fatty acid ay ang:

  1. Alpha-linolenic acid (ALA)
  2. Eicosapentaenoic acid (EPA)
  3. Docosahexaenoic acid (DHA)

Puwede ba kumain ng isda araw-araw: Mga panganib 

Bagama’t ang pagkain ng isda ay may mga benepisyo sa nutrisyon, mayroon din itong mga potensyal na panganib. Ang mga isda ay maaaring makakuha ng mga nakakapinsalang kemikal mula sa tubig at sa kanilang mga  kinakain. Kasama dito ang mercury at PCB na maaaring mag build-up sa katawan sa paglipas ng panahon. Ito ay maaaring makapinsala sa utak at nervous system. Ang mercury ay maaaring maging lalong mapanganib sa fetus, sanggol, at mga bata dahil ang kanilang mga katawan ay nagde-develop pa.Maaaring magdulot ng kanser at iba pang mapaminsalang epekto sa kalusugan ang PCB.

Puwede ba kumain ng isda araw-araw: Mercury at isda

Ang lahat ng isda ay naglalaman ng ilang antas ng mercury. Hindi karaniwang nagdudulot ng mga isyu sa kalusugan para sa karamihan ng mga tao ang mataas na antas ng mercury. Ang exception dito ay mga maliliit na bata at mga buntis, nagpaplanong mabuntis o magpasuso. Maaaring makapinsala sa pagbuo ng fetus o magdulot ng pinsala sa nervous system ng mga bata ang mataas na antas ng mercury. Maaari ding manatili ang mercury sa iyong katawan ng hanggang isang taon. Kaya kung nagpaplano kang mabuntis, dapat mong sundin ang inirerekomendang dami ng pagkonsumo ng isda. Kung wala ka at-risk category at gusto mong kumain ng higit sa tatlong servings ng isda bawat linggo, piliin ang mga farm-raised na isda hangga’t maaari.

Lahat ba ng isda ay may mercury

Best Choices 

Ang mga Amerikano ay kumain ng average na 16 pounds ng isda at shellfish noong 2017, ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration. Sa halagang iyon, 90 porsyento ang nasa loob ng “best choices” para sa seafood gaya ng tinutukoy ng FDA at United States Environmental Protection Agency. ibig sabihin ay may mababang antas ito ng mercury. Ang mga isda at shellfish sa kategoryang ito, tulad ng salmon, hito, tilapia, lobster at scallops, ay ligtas na kainin dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ayon sa FDA, maaaring kumain ng mula walo hanggang 12 ounces ng mga isda na ito sa  bawat linggo..

Good Choices

Ang halibut, grouper, mahi-mahi, albacore tuna at de-latang tuna ay nasa ilalim ng kategoryang “good choices” ng FDA. Dapat itong kainin nang hindi hihigit sa isang beses sa isang linggo. Pinakamabuting iwasan ang swordfish, orange roughy at bigeye tuna, dahil naglalaman ang mga ito ng pinakamataas na antas ng mercury. Dapat ipag-alala kung hindi ka maingat sa paglilimita sa dami at dalas ng pagkain ng isda na may mataas na antas ng mercury.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Is it okay to eat fish everyday

https://www.hsph.harvard.edu/news/hsph-in-the-news/is-it-okay-to-eat-fish-every-day/#:~:text=But%20is%20it%20safe%20to,to%20eat%20beef%20every%20day.%E2%80%9D

Understanding mercury poisoning

https://www.healthline.com/health/mercury-poisoning#:~:text=It’s%20also%20possible%20to%20develop,once%20or%20twice%20per%20week.

Best and worst fish for your health

https://www.webmd.com/diet/ss/slideshow-best-worst-fish

Are you eating to much fish

https://www.keckmedicine.org/blog/are-you-eating-too-much-fish/#:~:text=Fish%20and%20shellfish%20in%20this,week%2C%20according%20to%20the%20FDA.

Benefits and risks of eating fish

https://oehha.ca.gov/fish/benefits-risks

Fish and shellfish

https://www.nhs.uk/live-well/eat-well/food-types/fish-and-shellfish-nutrition/

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement