backup og meta

Kawalan ng Nutrisyon: Ano-Anong Sakit Ang Nagmumula Rito?

Kawalan ng Nutrisyon: Ano-Anong Sakit Ang Nagmumula Rito?

Kapag sinabi nating micronutrients, ito ay tumutukoy sa kaunting bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan. Gayunpaman, kahit na kailangan lang natin ang mga ito nang hindi gaanong karami, hindi ito nangangahulugan na hindi ito mahalaga. Ayon sa Center for Disease Control (CDC), mahalaga ang micronutrients sa kalusugan, pag-iwas sa sakit, at well-being. Kaya kung magkaroon tayo ng mga sakit dahil sa kawalan ng nutrisyon, ang ating katawan ay siguradong apektado.

kawalan ng nutrisyon

Ang Pinakakaraniwang Sakit sa Kawalan ng Nutrisyon 

Heto ang ilan sa mga pinakakaraniwang sakit dahil sa kawalan ng nutrisyon:

Iron

Ang iron ay isang micronutrient na tumutulong sa atin na gumawa ng hemoglobin, isang sangkap sa ating dugo na kasangkot sa pagdadala ng oxygen sa buong katawan . Ito ay maaaring humantong sa iron deficiency anemia – isa sa pinaka karaniwan at laganap na uri ng kawalan ng nutrisyon sa buong mundo.

Ang kakulangan sa iron ay karaniwan sa mga bata at kababaihan sa panahon ng reproductive age. Madalas itong nagreresulta mula sa hindi sapat na pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa iron, tulad ng walang taba na karne, pagkaing-dagat, at manok. Kasama sa mga sintomas ng kondisyong ito ang pagkapagod, pananakit ng ulo, nanlalamig na mga kamay at paa, at pamumutla.

Iodine

Maraming Pilipino ang nakauunawa  na ang iodine ay mahalaga para sa thyroid health. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga taong kulang sa iodine ay madalas na nagkakaroon ng  bosyo (goiter) – ang abnormal na paglaki ng thyroid gland.

Gayunpaman, ang ibang bahagi ng katawan, tulad ng mga  mammary gland at lining ng tiyan, ay gumagamit din nito. Ginagamit ito upang makagawa ng mga mahahalagang hormone na kailangan ng ating katawan upang gumana nang maayos.

Dahil hindi tayo makagagawa ng iodine sa ating sarili, kailangan talaga nating makuha ito mula sa ating diet. Kaya’t mainam na karamihan sa atin ang ginagamit  na asin  ay “iodized” na o iodine-fortified. Ang ilan sa mga sintomas ng kakulangan sa iodine ay hindi regular na regla, tuyong balat, pagtaas ng timbang, at mga pagbabago sa tibok ng puso.

Bitamina A

Ang isa sa mga pinaka karaniwang problema sa kawalan ng nutrisyon, lalo na sa mga bata, ay ang kakulangan sa Bitamina A. Ito ay hindi lamang mahalaga para sa malusog na paningin, ngunit ito rin ay mahalaga para magkaroon ng kalakasan laban sa   sakit at pagpapalit ng mga selula ng balat.

Ang mga batang may kakulangan sa Bitamina A ay nahaharap sa mas mataas na panganib para sa pagkabulag at kamatayan, dahil sa mga impeksyon tulad ng tigdas at   sanhi ng pagtatae. Para sa mga nasa hustong gulang, ang kakulangan ng Bitamina  A ay maaaring magresulta ng night – blindness. 

Bitamina D

Ang Bitamina D ay mahalaga para sa kalusugan ng buto dahil nakatutulong ito sa pagkuha  ng calcium. Bilang karagdagan, ang micronutrient na ito ay gumagana din upang itaguyod ang nerve health at magkaroon ng kalakasan laban sa sakit. Ang Bitamina D ay natatangi dahil nakukuha natin ito mula sa pagkain at katamtamang pagbibilad  sa araw.

Ang mga taong may kakulangan sa Bitamina D ay maaaring magkasakit at makaranas ng hormonal imbalance, altapresyon, gayundin ng mga sakit sa buto tulad ng rickets (bata) at osteomalacia (matatanda).

Calcium

Ang kakulangan sa calcium ay isa rin sa mga pinakakaraniwang sakit dahil sa  kawalan ng nutrisyon. Bagama’t kilala ito sa kahalagahan  sa pagtataguyod ng malakas na buto, mahalaga din ang calcium para sa regulasyon ng hormone. Nakatutulong din itong kontrolin ang ating mga kalamnan at nerve. 

Kadalasan, ang kakulangan sa micronutrient na ito ay nagreresulta mula sa isang calcium-deficient diet at kakulangan ng Bitamina D. Kung minsan, ang mga sakit na kinasasangkutan ng mga bato at thyroid ay maaari ding maging sanhi ng kondisyong ito. Kung kulang ka ng calcium, maaaring magkaroon ng  problema sa ngipin at buto, mga pin at needles, malutong na mga kuko, at pamumulikat ng kalamnan.

Bitamina C

Ang Bitamina C ay mahalaga para sa isang malakas na immune system, ngunit marami rin itong iba pang tungkulin. Halimbawa, ang Bitamina C ay tumutulong sa pagbuo ng mga amino acid at ilang mga hormone. Nakatutulong din ito sa absorpsyon ng iron.

Kapag hindi kumakain ng sapat na prutas at gulay ay nasa panganib na magkaroon ng kakulangan sa Bitamin C. Kung ikaw ay mayroong sugat na hindi gumagaling, dumaranas ng pagdurugo ng gilagid at madaling magkapasa, maaaring kulang ka sa Bitamin C.

kawalan ng nutrisyon

Bitamina B12

Ang isa pa sa pinaka karaniwang problema sa kawalan ng nutrisyon ay ang pagkakaroon ng kakulangan sa Bitamin B12. Tulad ng iodine, hindi makagawa ng micronutrient na ito ang ating katawan, kaya kailangan itong makuha mula sa ating diet.

Bagama’t kilala ang Bitamin B12 sa pagtulong na mapanatili ang  nerve health, mahalaga din ito sa produksyon ng DNA at sa paggana ng utak. Dahil ang mga produktong galing sa hayop ay sagana sa B12, ang mga vegan at vegetarian ay nasa mas mataas na panganib para sa kakulangan sa B12.

Gayunpaman, kahit na ang mga taong kumakain ng karne ay maaaring kulang din ng B12 sa katawan. Kung dumaranas ka ng kakulangan sa B12, maaari kang magkaroon ng mga sintomas tulad ng brain fog, konstipasyon  o diarrhea, tingling at pamamanhid, at maputlang balat.

Magnesium

Hindi tulad ng iba pang bitamina at mineral na napag-usapan na natin, ang magnesium ay hindi gaanong kilala. Sa katunayan, sinasabi ng mga eksperto na kahit ang nutritional value ng magnesium ay “underappreciated.”

Gayunpaman, ito ay mahalaga para sa maraming metabolic process, kabilang ang nerve at muscle function.

Isa sa mga dahilan kung bakit karaniwang problema sa nutrisyon ang kakulangan ng magnesium ay may kinalaman sa lupa. Ito ay dahil kung hindi sapat ang magnesium sa lupang tinaniman, kukulangin rin ang magnesium sa gulay.

Bukod pa rito, ang magnesium ay  maituturing  na “bulky” na sustansya  – kaya, may posibilidad na ang tagagawa ng mga supplement ay nagsasama lamang ng kaunting dami nito. Ilan sa sintomas ng kakulangan sa magnesium ang lumalalang sintomas ng PMS, restless leg syndrome, pananakit ng ulo at migraine, at mga cavity.

Zinc

Ang zinc ay lubos na mahalaga upang itaguyod ang isang malakas na immune system. Ang mga taong may sapat na zinc sa kanilang katawan ay may mas malaking pagkakataong lumaban sa mga impeksiyon, gaya ng malaria, at mga nagdudulot ng pulmonya at pagtatae.

Kapag may kakulangan sa zinc ay maaaring magkaroon ng  impaired immunity, kawalan ng gana sa pagkain, at para sa mga bata, pagpapahina ng paglaki.

Folate

Ang folate o Bitamin B9 ay mahalaga sa pagbubuntis. Ito ay kailangan upang mapalakas ang kalusugan ng utak ng sanggol at maiwasan ang mga neural tube defects. Bukod dito, ang folate ay maaaring makatulong na maiwasan ang ilang mga sakit sa puso at anemia.

Ang mga sintomas ng kakulangan sa folate ay katulad ng mga palatandaan ng iron-deficiency anemia. Kasama sa mga ito ang kinakapos sa paghinga, pagkapagod, at pagkawala ng buhok. Ang mga taong hindi sapat ang  prutas at gulay sa kanilang diet ay nasa panganib para sa kakulangan ng folate.

Key Takeaways

Ang pinakamainam na paraan upang matukoy kung mayroon kang kakulangan sa nutrisyon ay makipag-usap sa iyong doktor. Pagkatapos ng pagsusuri, maaari silang magrekomenda ng mga hakbang upang matiyak na nakakakuha ka ng sapat na bitamina at mineral. Maaari rin silang magbigay sa iyo ng multivitamin supplement na magbibigay ng kulang na nutrients. Bukod dito matutulungan ka nilang bumuo ng plano para sa iyong diet.
Bilang huling tip upang maiwasan ang paglitaw ng mga karaniwang problema sa nutrisyon, tandaan na magkaroon ng balanseng diet. Binibigyang-diin ng mga doktor na kung mayroon kang wastong diet, malamang na hindi mo kailangan uminom ng mga supplement .

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Micronutrient deficiencies
https://www.who.int/nutrition/topics/ida/en/#:~:text=Iron%20deficiency%20is%20the%20most,significantly%20prevalent%20in%20Industralized%20Countries.
Accessed August 18, 2020

Micronutrient Deficiency
https://ourworldindata.org/micronutrient-deficiency
Accessed August 18, 2020

Micronutrient Facts
https://www.cdc.gov/nutrition/micronutrient-malnutrition/micronutrients/index.html
Accessed August 18, 2020

5 Most Common Nutrient Deficiencies Explained
https://www.parsleyhealth.com/blog/nutrient-deficiencies-explained/
Accessed August 18, 2020

Is Your Body Trying to Tell You Something? Common Nutrient Inadequacies and Deficiencies
https://www.eatright.org/food/vitamins-and-supplements/types-of-vitamins-and-nutrients/is-your-body-trying-to-tell-you-something-common-nutrient-inadequacies-and-deficiencies
Accessed August 18, 2020

Understanding 3 Common Nutrient Deficiencies
https://share.upmc.com/2019/12/common-nutrient-deficiencies/
Accessed August 18, 2020

Kasalukuyang Version

12/29/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement