backup og meta

Masamang Epekto ng Matamis na Inumin

Sa sobrang init ng panahon ngayon, walang tatalo sa isang basong malamig na soda o matamis na iced coffee. Pero alam mo ba na ang simpleng sarap na ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang may malubhang sakit ngayon? Kung ikaw ay mahilig uminom nito araw-araw, oras na para mag-isip isip dahil napakalaki ng epekto ng pag inom ng softdrinks araw araw sa iyong kalusugan.

Masamang Epekto ng Matamis na Inumin

Ang Nakatagong Panganib sa Bawat Higop

Kapag sinabi nating matamis na inumin, hindi lang softdrinks ang ibig nating sabihin. Kasama na dito ang mga fruit juices sa pakete, energy drinks, sweetened teas, at kahit ang mga “diet” or “zero sugar” na inumin. Ang mga ito ay puno ng “empty calories” o mga calorie na walang bitamina o mineral na makukuha ng ating katawan. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang madalas na pag-inom nito ay nagdudulot ng labis na katabaan, diabetes, sakit sa puso, at maging ng cancer.

Hindi biro ang epekto ng pag inom ng softdrinks araw araw. Sa isang pag-aaral, nakita na ang mga taong umiinom nito araw-araw ay may mas mataas na tyansang tumaba nang husto. Ang sobrang timbang na ito ang ugat ng maraming sakit gaya ng altapresyon at iba pang komplikasyon. Kung tutuusin, ang isang maliit na bote ng softdrinks ay maaaring maglaman ng 8 hanggang 12 kutsaritang asukal, higit pa sa inirerekomendang daily limit na 6 na kutsarita lang para sa babae at 9 para sa lalaki.

Hindi Lang Taba ang Aabutin

Marami sa atin ang akala hanggang pagtaba lang ang idudulot ng mga matatamis na inumin. Pero may mga pag-aaral na nagpapakitang mas malalim pa ang epekto nito sa ating katawan. Sa mga kalalakihan, ang epekto ng pag inom ng softdrinks araw araw ay maaaring umabot hanggang sa kanilang reproductive health. Ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga lalaking umiinom ng higit sa isang bote ng matamis na inumin kada araw ay may mas mababang kalidad ng tamud kumpara sa mga hindi umiinom nito.

Bukod dito, ang labis na asukal sa katawan ay nagiging sanhi ng inflammation o pamamaga ng mga ugat at organs. Dahil dito, tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng erectile dysfunction o kawalan ng kakayahang magkaroon ng paninigas, lalo na sa mga kalalakihang may diabetes o mataas na presyon. Kaya naman, hindi lang physical appearance ang naaapektuhan nito, pati na rin ang relasyon at mental health ng isang tao.

Ang Tama at Ligtas na Dami ng Asukal

Ayon sa WHO, dapat ay hindi lalagpas sa 10% ng ating total energy intake ang galing sa asukal. Ibig sabihin, sa isang taong kumukonsumo ng 2000 calories bawat araw, 200 calories lang dapat ang galing sa asukal, o katumbas ng 50 gramo o 12 kutsarita. Ang problema, isang basong softdrinks lang, lampas ka na sa limitasyong ito.

Ngayon, maaari mong isipin na kung “diet” o “zero sugar” ang iinumin mo ay ligtas ka na. Mag-ingat dahil may bagong pag-aaral na nagpapakitang hindi rin pala ito mainam sa katawan. Ang mga artificial sweeteners tulad ng Sucralose ay maaaring magdulot ng “rebound overeating” dahil nililinlang nito ang ating utak na kumonsumo ng matamis pero walang calories, kaya hindi tayo nabubusog at mas nagugutom. Sa katagalan, ito ay naiugnay sa mas mataas na panganib ng type 2 diabetes at sakit sa puso.

Paano Magsimulang Magbawas

Hindi naman kailangan na bigla mo na lang talikuran ang matatamis na inumin. Puwede namang dahan-dahan. Simulan mo sa pagpapalit ng isang basong softdrinks sa isang basong tubig na may dalang lemon o kalamansi. Kung gusto mo ng may konting tamis, puwede kang gumamit ng kaunting pulot-pukyutan (honey) pero sa tamang dami lang. Ang mahalaga, alam mo kung ano ang pumapasok sa iyong katawan at alam mo ang epekto ng pag inom ng softdrinks araw araw upang ikaw mismo ang magdesisyong alagaan ang iyong kalusugan.

Key Takeaways

  • Hindi lang pagtaba ang problema: Ang labis na asukal mula sa inumin ay nagdudulot ng malulubhang sakit tulad ng diabetes, sakit sa puso, cancer, at maging sexual dysfunction sa kalalakihan.
  • Walang nutritional value: Ang mga matamis na inumin ay “empty calories” lamang. Wala itong bitamina o mineral na kailangan ng katawan.
  • Mag-ingat sa “diet” o “zero sugar”: Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga artificial sweeteners ay maaari ring makasama at magdulot ng pagtaas ng gana kumain.
  • Limitahan ang konsumo: Inirerekomenda ng WHO na hindi dapat lumagpas sa 12 kutsarita (50g) ng asukal kada araw. Ang isang basong softdrinks lang ay sobra na sa limit na ito.

Pumili ng tubig: Ang tubig pa rin ang pinakaligtas at pinakamainam na inumin para sa ating katawan.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Be Smart About Sugar | Healthy Weight and Growth | CDC, https://beta.cdc.gov/healthy-weight-growth/be-sugar-smart/, Date Accessed: March 11, 2026
  2. Fast Facts: Sugar-Sweetened Beverage Consumption | Nutrition | CDC, https://www.cdc.gov/nutrition/php/data-research/sugar-sweetened-beverages.html, Date Accessed: March 11, 2026
  3. Sugary drinks | Center for Science in the Public Interest, https://www.cspi.org/eating-healthy/foods-avoid/sugary-drinks, Date Accessed: March 11, 2026
  4. Limit sugar-sweetened drinks | Recommendation evidence | World Cancer Research Fund, https://www.wcrf.org/research-policy/evidence-for-our-recommendations/limit-sugar-sweetened-drinks/, Date Accessed: March 11, 2026
  5. Reducing consumption of sugar-sweetened beverages to reduce the risk of unhealthy weight gain in adults | WHO, https://www.who.int/tools/elena/interventions/ssbs-adult-weight, Date Accessed: March 11, 2026

Kasalukuyang Version

04/06/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?

Masustansya Ba Talaga Ang Pagkain Ng Isda Araw-Araw? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas