backup og meta

Epekto ng Artificial Sweetener sa Katawan, Alamin

Epekto ng Artificial Sweetener sa Katawan, Alamin

Ang mga masasamang dulot ng sobrang pagkonsumo ng asukal ay alam na alam ng marami. Ngunit ano ang mga epekto ng mga artificial sweeteners sa ating katawan?

Kadalasan na ipinakikilala ng mga kompanya ang mga artificial sweeteners bilang pamalit sa asukal. Ito ay dahil nakatutulong ang mga ito na patamisin ang mga pagkain, nang walang dagdag na calories at mga bantang pangkalusugang naiuugnay sa asukal. Ngunit ang mga ito ba talaga ang perpektong solusyon para sa mga taong nagbabawas sa pagkonsumo ng asukal? O ito ba ay too good to be true? Alamin natin.

Ano ang mga Artificial Sweeteners?

Ang mga artificial sweeteners, gaya ng mahihinuha sa pangalan nito, ay mga synthetic na pamalit sa asukal. Ang mga ito ay kadalasang kinukuha mula sa mga halaman, gaya ng mga pampatamis na stevia-based, o maaaring mula sa totoong asukal.

Ano ang mga pinakamalaking kaibahan ng mga artificial sweeteners? Bagaman matamis ang mga ito, wala itong aktuwal na asukal, o maging mga calories na mayroon ang asukal. Ito ay nangangahulugang ang mga taong diabetic at mga taong nais na magbawas ng konsumo ng asukal o magpapayat ay maaaring gumamit ng mga artificial sweeteners.

Ang mga artificial sweeteners ay higit pang matamis kaysa sa karaniwang asukal. Ito ay nangangahulugang kung nais mong kumain ng matamis, ang kaunting artificial sweetener ay makatutulong para ikaw ay masiyahan.

Narito ang ilan sa mga karaniwang uri ng mga artificial sweeteners:

Bago natin alamin ang mga epekto ng artificial sweeteners sa ating katawan, tingnan muna natin ang mga karaniwang pangalan ng mga artificial sweeteners.

Aspartame

Ang aspartame ay isang sa mga pinakagamiting uri ng artificial sweetener. Malamang ay alam mo na ang lasa ng aspartame dahil sa pagiging sobrang palasak nito. Sa katunayan, ang pinkasikat na mga brand ng artificial sweeteners ay mayroong aspartame.

Ito rin ang pangkaraniwang uri ng artificial sweetener na ginagamit sa mga soft drinks. Sa aspektong ng katamisan, ang aspartame ay 200 beses na mas matamis kaysa sa karaniwang asukal.

Acesulfame-K

Gaya ng aspartame, ang acesulfame-K ay isang pamalit sa asukal na 200 beses na mas matamis kaysa sa asukal. Ang K sa pangalan nito ay tumutugon sa potassium. At muli, gaya ng aspartame, ito ay isang popular na pamalit sa asukal, ngunit hindi kasing popular ng aspartame.

Isang kritisismo sa paggamt ng acesulfame-K ay mayroon itong carcinogen. Gayunpaman, aprubado ng parehong US FDA at European Union ang paggamit nito.

epekto ng artificial sweetener

Saccharin

Ang saccharin, depende sa pormulasyon, ay tinatayang aabot sa 200-700 na beses na mas matamis kaysa sa asukal. Isa rin itong popular na pamalit sa asikal, at pangkaraniwang makikita ang saccharin sa mga produktong sugar-free.

Bagaman higit na matamis ito kaysa sa aspartame at acesulfame-K, maaari itong magkaroon ng metallic o mapait na lasa, lalo na kung nasa mataas na konsentrasyon.

Sucralose

Ang sucralose ay isang artificial sweetener na tinatayang 600 beses na mas matamis kaysa sa karaniwang asukal. Isa itong popular na artificial sweetener, gaya ng aspartame, makikita ito sa mga soft drinks at maging sa mga sugar-free na pagkain.

Ang sucralose ay nakuha mula sa sucrose, na sumasailalim sa isang proseso para mapababa ang lamang calories. Isang benepisyo nito kumpara sa ibang sweeteners ay wala itong mapait na aftertaste.

Neotame

Ang neotame ay isa pang pamalit sa asukal na karaniwang mabibili sa pamilihan. Kumpara sa ibang mga pamalit sa asukal, ang neotame ay tinatayang 7,000-13,000 na mas matamis kaysa sa karaniwang asukal. Ito ang dahilan kung bakit isa ito sa mga pinakamatatamis na pamalit sa asukal.

Ang mga soft drinks, baked goods, at mga pagkaing sugar-free ay maaaring sangkapan ng neotame. Gaya ng sucralose, ang neotame ay walang mapait na aftertaste, kaya may mga taong mas gusto ito kaysa sa ibang pamalit sa asukal.

Advantame

Ang advantame ay isang artificial sweetener na nabuo kamakailan lamang sa Japan. Ito marahil ang pinakamatamis na artificial sweetener, na tinatayang 20,000 na mas matamis kaysa sa karaniwang asukal.

Mayroon itong bentahe ng kawalan ng mapait o hindi magandang lasa, gayundin ang pagkakaroon ng pangmatagalang tamis. Ito ang dahilan kung bakit masarap ito at maraming mga tao ang gusto ito kumpara sa iba pang uri ng pampatamis.

Stevia

Sa huli, mayroon ding stevia. Bagaman hindi ito isang artificial sweetener, ang stevia ay isang popular na pamalit sa asukal.

Kumpara sa ibang mga artificial sweeteners, ang stevia ay 30 hanggang 150 beses lamang na mas matamis kaysa sa karaniwang asukal. Gayunpaman, may bentahe ito ng pagiging isang natural na pampatamis, kaya ang ilang mga tao ay pinipiling gumamit na lamang ng stevia. Ang ibang mga pampatamis ay naglalaman ng pinagsamang stevia at artificial sweeteners, ngunit kadalasan, makabibili ka ng purong stevia kung gusto mo ng natural na pampatamis sa iyong pagkain.

Bakit Masama ang Sobrang Daming Asukal para sa Iyo?

Ang asukal ay mahalaga para sa mga funtions ng katawan. Kapag kumakain tayo, kino-convert ng ating katawan ang mga carbohydrates para maging glucose (blood sugar). Ginagamit ng ating katawan ang asukal na ito para masuportahan ang mga pang-araw-araw nating gawain. Kaya naman kapag pinalitan natin ang asukal, makikita at mararamdaman natin ang pinagkaiba at mga side effects ng mga artificial sweeteners na ito sa ating katawan.

Pagtaba

Gayunpaman, kung kakain tayo ng maraming asukal, iiimbak ng ating katawan ang sobrang asukal bilang taba. Ito ay maaaring magdulot ng pagtaba, at ang lahat ng mga problemang sangkot sa pagiging obese o overweight.

Hyperglycemia

Isa pang problema ay kapag masyadong maraming asukal sa daluyan ng ating dugo. Ito ay maaaring magbunga ng kondisyong tinatawag na hyperglycemia, na maaaring magdulot ng pagkasira sa mga blood vessels ng isang tao. Ang sobrang daming asukal sa dugo ay maaaring magdulot ng diabetic coma.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga diabetic ay kailangang magkaroon ng minimum na carbohydrate-intake, para maiwasan ang hyperglycemia.

Sa kabilang banda, ang napakababang sugar level naman ay maaaring magdulot ng kondisyong tinatawag na hypoglycemia, na mapanganib din.

Isa sa mga dahilan kung bakit popular sa mga diabetic ang mga pamalit sa asukal ay dahil nakatutulong ito matugunan ang kanilang pagnanais sa matatamis na pagkain nang hindi nakapagdaragdag ng kanilang sugar-intake. Ito ay nangangahulugang maaari pa rin nilang makontrol ang kanilang sugar intake habang natutugunan ang pagnanais nilang kumain ng matatamis.

Mas Mainam ba sa Katawan ang mga Artificial Sweeteners?

Kapag naririnig ng mga to ang mga katagang “artificial sweetener,” kadalasang iniisip nila ay naglalaman ito ng mga nakapipinsalang kemikal at synthetic na flavoring. Ngunit sa katotohanan, ang mga artificial sweeteners ay ligtas na ligtas, at ayos na ayos gamitin.

Kapag nakakita ka ng artificial sweeteners sa supermarket o bilang sangkap ng mga soft drinks, ang mga ito ay nakapasa sa pamantayang pangkaligtasan. Ito ay nangangahulugang ang mga ito ay hindi magdudulot ng problema sa kalusugan kapag nakonsumo.

Gayunpaman, mahalaga rin na hindi masobrahan ang mga tao sa pagkonsumo nito dahil gaya ng asukal, ang pagkain ng sobrang artificial sweeteners ay maaaring makasama sa iyong kalusugan.

Ang mga Epekto ng mga Artificial Sweeteners sa Katawan ay Iba-Iba

Ano-ano ang mga tiyak na epekto ng mga artificial sweeteners sa katawan? Isa sa mga pinagkapareho ng mga artificial sweeteners at asukal ay parehong nakakaadik ang mga ito. Gayunpaman, ang mga artificial sweeteners ay magiging dahilan para mas mag-crave ka ng mga matatamis na pagkain, at kumain nang mas marami sa buong araw.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang kumain nang may moderasyon, dahil ang pagkain ng mga artificial sweeteners ay maaari ding makasira sa iyong kalusugan.

Tandaan

Ngayon, ano-ano ang mga epekto ng artificial sweeteners sa iyong katawan? Isa sa mga positibong epekto ng artificial sweeteners sa katawan ay kumakain ka ng mas kakaunting asukal sa kabuoan. Para sa mga diabetic, ito ay isang magandang bagay dahil makakakain sila ng matatamis nang hindi kailangang mag-alala sa kanilang blood sugar level.

Ang mga artificial sweeteners ay ligtas, at ang mga diabetic, at mga health-conscious ay kayang gamitin ang mga ito nang hindi nag-aalala sa kanilang kalusugan. Gayunpaman, magandang ideya pa rin na gamitin ang mga produktong ito nang may moderasyon upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng mga artificial sweeteners sa katawan.

Isinalin mula sa orihinal na article na isinulat ni Jan Alwyn Batara.

Matuto ng higit pa ukol sa masustansyang pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Non-Nutritive Sweeteners (Artificial Sweeteners) | American Heart Association | American Heart Association, https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/sugar/nonnutritive-sweeteners-artificial-sweeteners, Accessed August 18, 2020

Artificial sweeteners and other sugar substitutes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/artificial-sweeteners/art-20046936, Accessed August 18 2020

Artificial sweeteners: sugar-free, but at what cost? – Harvard Health Blog – Harvard Health Publishing, https://www.health.harvard.edu/blog/artificial-sweeteners-sugar-free-but-at-what-cost-201207165030, Accessed August 18 2020

The truth about sweeteners – NHS, https://www.nhs.uk/live-well/eat-well/are-sweeteners-safe/, Accessed August 18 2020

Sugar substitutes: Health controversy over perceived benefits, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3198517/, Accessed August 18 2020

The 5 Best (and Worst) Sweeteners You Can Eat – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/5-best-and-worst-sweeteners-your-dietitians-picks/, Accessed August 18 2020

What’s Worse for You: Sugar or Artificial Sweetener? – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/whats-worse-sugar-or-artificial-sweetener/, Accessed August 18 2020

Low-Calorie Sweeteners | The Nutrition Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/healthy-drinks/artificial-sweeteners/, Accessed August 18 2020

Kasalukuyang Version

06/02/2022

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Masustansya Ba Talaga Ang Pagkain Ng Isda Araw-Araw? Alamin Dito!

Pamalit sa Pagkain na Meal Replacement Shakes: Epektibo Ba Ang Mga Ito?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement