backup og meta

Betsin at Asin: Ano ang Pinagkaiba Nilang Dalawa?

Betsin at Asin: Ano ang Pinagkaiba Nilang Dalawa?

Natural na nakikita sa katawan ang mga substance na asin, sugar, at betsin o monosodium glutamate (MSG). Nakikita rin sila sa mga pagkaing kinakain natin. Masustansya sila sa partikular na level ngunit maaari din silang makapinsala sa kalusugan ng puso kapag marami nito ang kinain. Bagaman parehas ang dalawang sodium, nakikita ang pagkakaiba ng betsin sa asin sa kung paano sila nakaaapekto sa katawan.

Asin, isang preservative at flavor additive

Tinatawag na sodium chloride, na kilala rin bilang asin, ang isang mahalagang sangkap sa halos bawat pagkain o ulam. Nakadaragdag ito sa lasa ng pagkain at nagsisilbi rin bilang preservative. Hindi kayang mabuhay ng bakterya sa mataas na concentration ng asin. Sa katawan, tumutulong ang asin sa nerve impulses, pag-contract at pag-relax ng muscles, at pagbalanse ng tubig at minerals.

Ngunit masama ang anumang sobrang dami. Maaaring magresulta sa mataas na blood pressure, sakit sa puso, at stroke ang maraming asin. Dagdag pa rito, nahihirapan ang mga bato na mag-manage ng asin sa dugo. At habang naiipon ang asin, nag-iiwan ng tubig ang katawan para palabnawin ito, na humahantong naman sa pagtaas ng dami ng fluid sa cells pati na rin ng dami ng dugo sa daluyan nito.

Nahihirapang gumana ang puso at nagbibigay ito ng mas maraming pressure sa blood vessels dahil sa pagdami ng dugo. Dahil sa dagdag na trabaho ng puso, maaaring manigas ang mga blood vessel, na nagreresulta naman sa mataas na blood pressure at iba pang nakamamatay na kondisyon.

Mababa ang sodium content ng mga unprocessed food. Sa kabaligtaran, nangunguna naman bilang mapagkukunan ng asin ang mga tinapay, pizza, sandwich, cold cut, savory snacks gaya ng chips, popcorn, pretzel, manok, keso, at itlog. Tinatawag na hypernatremia ang sobrang asin sa dugo. Nagdudulot ito ng matinding dehydration bukod sa iba pang bagay. Maaari din itong magdulot ng hirap sa paghinga, pagduduwal, pagsusuka, pagkawala ng gana kumain, matinding pagkauhaw, pagkalito, at problema sa bato.

Lilinawin natin ang pagkakaiba ng betsin at asin sa susunod na seksyon.

MSG, isang amino acid derivative

Isang asin ang monosodium glutamate na nabuo sa glutamic acid, na isa namang amino acid na nakikita sa katawan. Tulad ng asin, isa rin itong pampalasa na kadalasang dinadagdag sa Chinese food at mga processed meat. Nagbibigay ito ng “umami” o savory flavor.

Bagaman sinasabi ng mga tao na “karaniwang ligtas itong gamitin”, may mga naitala pa rin itong mga masamang epekto. Kabilang dito ang: pananakit ng ulo, pagpapawis, pamamanhid, palpitation, pananakit ng dibdib, pagduduwal, at panghihina. Sa kabila ng mga ulat na ito, natuklasan naman ng isang pag-aaral na nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral para mapatunayan ang mga ebidensya sa epekto nito. Marahil ito ang isa pa sa pagkakaiba ng betsin at asin.

Natural din itong nakikita sa mga pagkain tulad ng kamatis at keso.

Asukal, isang energy supplier

Natural na nakikita ang substance na asukal sa carbohydrates at nagbibigay din ng enerhiya habang nangyayari ang digestion.

Nagkakaroon ng panganib sa pagkain ng maraming added sugar, na nasa mga soda, fruit drink, sweets, at processed foods. Sinasabi ng mga eksperto sa nutrisyon na malakas ang koneksyon sa pagitan ng obesity at diabetes, at maaari itong negatibong makaapekto sa kalusugan ng puso.

Hindi pa ganap na malinaw ang direktang koneksyon ng asukal at kalusugan ng puso. Ngunit kilala ang asukal na nagbibigay ng stress sa atay, na tumutulong sa pag-iipon ng taba sa katagalan. Maaari itong maging fatty liver disease, na isa sa nagdudulot ng diabetes. Posible din nitong mapataas ng blood pressure at magpalala ng chronic inflammation.

Key Takeaways

Natural na nakikita ang mga substance na asukal, asin, at betsin sa pagkain, ngunit mayroon silang kakayahang magdulot ng sakit sa puso kapag marami nito ang kinain. Walang isang substance sa kanila ang mas mahusay kaysa sa dalawa, dahil may kapasidad ang bawat isa na magdulot ng sakit.

Kumain ng mga ito sa tamang dami sa pamamagitan ng pagkain ng whole grains, prutas, at gulay, at lean protein. Makikita ang pagkakaiba ng betsin at asin sa kung paano ito nabuo, ngunit pareho lamang silang ginagamit bilang flavor additives. Tulad ng iba pa, marapat lang na kumain nito nang tama.

Alamin ang iba pang Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Salt and Sodium, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/salt-and-sodium/ Accessed 18 July 2021

The sweet danger of sugar, https://www.health.harvard.edu/heart-health/the-sweet-danger-of-sugar Accessed 18 July 2021

Nutrition and healthy eating, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/monosodium-glutamate/faq-20058196 Accessed 18 July 2021

Questions and Answers on Monosodium glutamate (MSG), https://www.fda.gov/food/food-additives-petitions/questions-and-answers-monosodium-glutamate-msg  Accessed 18 July 2021

A review of the alleged health hazards of monosodium glutamate, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31920467/ Accessed 18 July 2021

Kasalukuyang Version

06/07/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement