backup og meta

Benepisyo ng Tokwa sa Kalusugan, Anu-ano nga ba?

Benepisyo ng Tokwa sa Kalusugan, Anu-ano nga ba?

Ano ang mga benepisyo ng tokwa? Kadalasang pamilyar ang mga taong mahilig sa Japanese at Chinese food sa tokwa. Kilala rin sa tawag na bean curd, ang tokwa ay mataas sa protina at fat ngunit mababa sa carbs. Ito ang dahilan kung bakit katanggap-tanggap ang tokwa kapag ikinokonsidera ang low-carb vegetarian o sa vegan diet

Ayon sa mga alamat, ang tokwa ay nagmula sa Japan o sa China. Pinaniniwalaang aksidente itong natuklasan ng isang chinese cook. Ayon sa kuwento, natuklasan ng chinese cook ang tokwa higit 2,000 taong nakalipas. Aksidenteng nahalo ang fresh soy milk sa nigari (ang natitira kapag kinuha ang asin sa tubig dagat).

Gawa sa condensed soy milk ang tokwa na hinuhulma bilang kulay puting bloke na kapareho ng prosesong ginagawa sa pagbuo ng keso. Ang tokwa ay puwede ring ipamalit sa hamburgers bilang vegetarian burger options, na may mas mababang fat at cholesterol content. 

Benepisyo ng tokwa sa kalusugan

Taglay ng tokwa ang lahat ng mahahalagang amino acids na kailangan ng iyong katawan. Bukod sa fat at carbs, taglay ng tokwa ang iba’t ibang bitamina at minerals.

Ang isang 3.5 ounce (100-gram) serving ng tokwa ay nagbibigay ng:

  • Protein: 8 grams
  • Carbs: 2 grams
  • Fiber: 1 gram
  • Fat: 4 grams
  • Manganese: 31% of the RDI
  • Calcium: 20% of the RDI
  • Selenium: 14% of the RDI
  • Phosphorus: 12% of the RDI
  • Copper: 11% of the RDI
  • Magnesium: 9% of the RDI
  • Iron: 9% of the RDI
  • Zinc: 6% of the RDI

Mayroon lamang itong kabuuang 70 calories, na dahilan kung bakit ito tinaguriang pagkaing may mataas na dami ng sustansya.

Mga uri at benepisyo ng tokwa

Ang ilang uri ng tokwa ay available para sa iba’t ibang gamit nito.

  • Fermented tofu – Ito ang briny, creamy variety, na inatsara. Inihahain ito bilang dip para sa sariwang gulay o puwede ring gamiting pampalasa ng kanin o sa lugaw.
  • Silken tofu –  kilala rin bilang Japanese-style tofu na ginagamit sa mga panghimagas, smoothies, puddings, at dips. Maaari ding gamitin ang silken tofu bilang pamalit sa itlog sa baking. Creamy ito at malambot ang texture na may mataas na water content.
  • Regular na tokwa – may spongy texture, ang regular na tokwa ay maaaring ibenta bilang malambot, medium, firm, at super firm depende sa taglay nitong tubig. Ang malambot na uri nito ay ginagamit sa mga sinabawan, at ang firm naman ay kadalasang ginagamit sa paggigisa. Puwede rin itong baked. Ang extra firm naman ay ginagamit bilang pamalit sa karne.
  • Smoked tofu – mayroon itong rich at deep flavor na puwedeng kainin nang hilaw bilang appetizer o idagdag sa salad. Karaniwan, pinauusukan ito sa dahon ng tsaa, ngunit ngayon ay ginagawa na gamit ang beech wood.
  • Seasoned tofu – nilagyan na ng mga pampalasa na may iba’t ibang flavor, gaya ng barbeque o teriyaki.

Hindi na nakagugulat na sa listahan ng recipes kaugnay ng masustanyang pagkaing mabababa sa carbs, madalas na kasama dito ang tokwa.

Halimbawang recipe ng tokwa

Sa website ng Mayo Clinic, ang recipe sa isa sa mga vegetarian na pagkain sa vegetarian chili na may tokwa ay nandito. Nagiging daan ito upang lubos na mailabas ang flavor at benepisyo ng tokwa. Sa ulam na ito na puwede sa apat na tao, ang mga sangkap ay:

  • 1 kutsarang olive oil
  • 1 maliit na dilaw na sibuyas, hiniwa (approximately 1/2 cup)
  • 12 ounces extra-firm tofu, hiniwa sa maliliit na piraso
  • 2 cans (14 ounces bawat isa) diced tomatoes (kamatis) na walang dagdag na asin
  • 1 can (14 ounces) kidney beans na walang dagdag na asin, hinugasan at sinala
  • 1 can (14 ounces) black beans na walang dagdag na asin, hinugasan at sinala
  • 3 kutsarang chili powder
  • 1 kutsarang oregano
  • 1 kutsarang hiniwang sariwang cilantro (fresh coriander)

Sa isang kaldero, magpainit ng olive oil sa katamtamang lakas ng apoy. Idagdag ang sibuyas at igisa hanggang maging malambot at translucent sa loob ng anim na minuto. Idagdag ang tokwa, kamatis, beans, chili powder, at oregano. Pakuluan. Hinaan ang apoy at pakuluan ng hindi bababa ng 30 minuto. Alisin sa tapat ng apoy at ihalo ang cilantro. Ilagay sa kanya-kanyang mangkok at ihain agad.  

Mula sa pinagmulan nitong alamat, ang tokwa ay nagsilbing popular na pagkain sa buong mundo. Napakarami at sari-sari ang mga benepisyo ng tokwa. Mataas sa protina at fat ngunit mababa sa carbs. Madalas na pinipili ng mga vegetarian at vegan ang tokwa bilang pamalit sa mga karne dahil sa madaming magandang gamit at epekto nito. 

Matuto pa ng ibang Nutritional Facts dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Health Benefits of Tofu, https://www.webmd.com/food-recipes/benefits-tofu, Accessed November 23, 2021

How to Eat Low-Carb as a Vegetarian or Vegan,

https://www.healthline.com/nutrition/low-carb-as-a-vegetarian, Accessed November 23, 2021

What is Tofu and Is It Good for You? https://www.healthline.com/nutrition/what-is-tofu, Accessed November 23, 2021

Vegetarian chili with tofu, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/recipes/vegetarian-chili/rcp-20049726, Accessed November 23, 2021

Tofu: A Popular Food with High Nutritional and Health Benefits, https://www.researchgate.net/profile/Mahendra-Pal-9/publication/332343856_Tofu_A_Popular_Food_with_High_Nutritional_and_Health_Benefits/links/5caef2caa6fdcc1d498c22dc/Tofu-A-Popular-Food-with-High-Nutritional-and-Health-Benefits.pdf, Accessed November 23, 2021

 

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement