Paboritong gulay ng mga Pilipino ang Singkamas o Jimaca. Kadalasan itong inihahain nang hilaw nang may suka, asin, o bagoong. Ngunit bukod sa pagiging matamis at malutong na pagkain, marami din itong sustansya. Sa katunayan, ang maraming benepisyo ng singkamas ay maaaring makatulong upang maiwasan ang mga seryosong sakit gaya ng cancer at diabetes.
Ang mga Kahanga-hangang Benepisyo ng Singkamas
Ang mga root vegetable gaya ng Singkamas ay may taglay na sapat na fiber, minerals, multivitamins, moisturizers, at iba pang antioxidants. Mataas ang mga ito sa calorie, cost effective, at masustansyang pagkaing mababa sa protina at fat.
Dagdag pa sa structural proteins, mayroon din ang mga ito ng starch, asukal, pectin, cellulose, at hemicellulose (non-starch polysaccharides). Naglalabas at sumisipsip ang mga root vegetables ng mga sustansya mula sa lupa.
Kabilang sa iba pang root vegetables ang patatas, kamote, beets, carrots, celeriac, parsnips, turnips, labanos, taro, tapioca, artichoke, at yams.
Mga Benepisyo ng Singkamas: Fiber
Mayamang pagkunan ng dietary fiber ang Singkamas. 13 grams (g) ng hilaw na Singkamas serving ay may taglay na 6.4 g ng dietary fiber.
Ang inirerekomendang arawang pagkonsumo ng dietary fiber ay 25 g kada araw para sa mga babae at 38 g para sa mga lalaki. Ang inirerekomendang arawang pagkonsumo para sa mga taong lagpas ang edad sa 50 ay 21 g para sa babae at 3 g sa mga lalaki. Nakatutulong upang maiwasan o magamot ang constipation ng dietary fiber. Nakatutulong din ito upang maging stable ang blood sugar levels, na nakatutulong ding gamutin at maiwasan ang diabetes. Ayon sa FDA, ang diyetang mataas sa fiber ay nagtutulak sa pagkakaroon ng madalas na pagdumi at nakababawas sa panganib ng mga sakit sa puso.
Maaari ding mabuhay nang mas matagal ang mga taong kumakain ng mas maraming fiber. Sinundan sa isang 2016 na pag-aaral ang 1060 matatanda na ang edad ay lagpas 49 sa loob ng sampung taon. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga matatandang kumokonsumo ng mas maraming fiber ay mas matagumpay na tumatanda
Sa mga sustansyang sinuri sa pag-aaral na ito, napag-alamang ang pagkonsumo ng dietary fiber ang pinakaimportanteng predictor ng kalusugan at haba ng buhay. Imomumungkahi ng mga data na ito na ang dagdag na pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay nakababawas sa mga sakit habang tumatanda.
Benepisyo ng Singkamas: Vitamin C
Napakagandang pagkunan ng vitamin C ang Singkamas. Isang serving lamang ng isang tasa o 13 g ng hilaw na Singkamas ay may lamang 26.3 milligrams (mg) ng Vitamin C. Ang inirerekomendang arawang pagkonsumo ng Vitamin C para sa matatanda ay 90 mg para sa mga lalaki at 75 mg sa mga babae.
Isang antioxidant ang vitamin C na nangangahulugang kaya nitong kontrahin ang mga epekto ng oxidative stress sa katawan. Ayon sa National Center for Complementary and Integrated Hygiene, nakaaambag ang oxidative stress sa pagtanda at nauuwi sa iba’t ibang sakit. Kabilang dito ang cancer, cardiovascular disease, at diabetes.
Benepisyo ng Singkamas: Prebiotics
Maaari ding pagkunan ng prebiotics ang Singkamas, na kilalang pinanggagalingan ng insulin. Ang insulin ay isang uri ng prebiotic fiber na nananatili sa dumi at hindi natutunaw agad-agad. Tumutulong ang mga ito sa paglaki ng ilang good bacteria, na kalaunan ay pumoprotekta sa katawan mula sa mapaminsalang bacteria.
Ang prebiotics ay piniling fermented na sangkap na nagdadala ng tiyak na mga pagbabago sa parehong komposisyon at aktibidad ng gastrointestinal flora. Nakatutulong ito sa kalusugan at kapakanan ng isang tao. Kabilang sa dagdag pang pinagmumulan ng prebiotic ang soybeans, artichokes, chicory, hilaw na oats, unrefined wheat (trigo), unrefined barley, at yacon.
Anti-diabetic properties
May potensiyal na maging magandang pagpipilian ang katas ng Singkamas para sa natural na gamot laban sa diabetes. Sa isang pag-aaral, lumalabas sa katas ng Singkamas ang antihyperglycemic effects sa sinuring doses (200 mg/kg, mice).
Mga Pag-iingat
Sa kabila ng maraming benepisyo ng Singkamas, mahalaga pa ring malaman na tanging ang tubers ang ligtas na kainin. Ang iba pang bahagi ng halaman tulad ng beans at bulaklak ay may taglay na Rotenone. Lason sa katawan ng tao ang Rotenone, lalo na kung makakain nito nang marami. Iminumungkahi ng mga pag-aaral na maaaring mapataas ng Rotenone ang panganib ng pagkakaroon ng Parkinson’s disease.
Kailangan mo ring tanggalin ang brown skin bago kainin ang Singkamas upang maiwasan ang allergic reactions o gastrointestinal symptoms.
Nais mo bang magkaroon ng healthier dietary choices? Matuto pa dito.
[embed-health-tool-bmi]