Ang kimchi ay tradisyonal na Korean side dish na gawa sa binurong mga gulay. Ito ay regular na nasa hapag. Maliban sa side dish, ginagamit din ito sa iba’t ibang soups at stews. Marami itong variation depende sa rehiyon, ngunit ito ay karaniwan na gawa sa napa cabbage, radish, scallions, at spices. Maliban sa ito ay nakatutulong sa pagbawas ng timbang, maraming mga benepisyo ang kimchi. Alamin ito rito.
Benepisyo ng Kimchi sa Obesity at Prediabetes
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang ilang mga benepisyo ng kimchi ay kabilang ang pag-iwas o pagbawas sa obesity, maging ang pag-iwas sa diabetes. Ang isang pag-aaral na nalathala sa Nutrition Research journal ay nagpakita kung paano ang mga labis na timbang at obese na pasyente ay nagpakita ng mahalagang pagbawas sa timang ng katawan, body mass index, at fat sa katawan matapos na makonsumo ang binurong kimchi sa loob ng 4 na linggong diet.
Ang pagkonsumo ng kimchi habang nasa diet ay nagpakita rin ng pagbawas ng waist-hip ratio, maging ang blood glucose sa mga pasyente. May tendensiya rin sa pagbawas ng fasting insulin matapos ang konsumo ng binurong kimchi.
Sa parehong pag-aaral ay nakitaan din na ang mga indibidwal na kumakain ng binurong kimchi ay nagpakita ng mas magandang resulta sa pagbaba ng blood pressure, body fat, fasting glucose, at total cholesterol kaysa sa mga kumokonsumo ng sariwang kimchi.
Isa pang pag-aaral na nailathala sa Annals of Nutrition and Metabolism ay nagpakita na ang kimchi ay nakatutulong sa mga indibidwal na may prediabetes. Ang grupo ng 21 na participants ay enrolled sa 8 linggong diet na kung saan kumonsumo sila ng binurong kimchi. Matapos ang 8 linggo period, ang mga kalahok ay nagpakita ng pagbaba sa kanilang systolic at diastolic blood pressure. Nakakitaan din sila ng mas resistant o sensitive sa insulin. Ang kanilang tolerance sa glucose ay bumuti rin.
Probiotics sa Kimchi
Ngayong alam mo na ang benepisyo ng kimchi sa pagbawas ng timbang, tingnan natin ang ibang mga epekto nito sa katawan. Ang kimchi, tulad ng ibang binurong pagkain, ay may benepisyo sa kalusugan ng isang tao dahil sa kakaiba at functional properties nito. Naglalaman ang mga binurong pagkain ng probiotics, live microorganisms na makatutulong na labanan ang bad bacteria at mapanatili ang “good” bacteria (normal microbial flora) sa katawan. Ang ilang microorganism ay nakita sa kimchi kabilang ang Bacillus mycoides, B. pseudomycoides, at B. subtilis.
Kada araw, hindi natin pansin na nakalulunok tayo ng bacteria na nagtataglay ng sakit, kilala ito sa tawag na pathogens, at hindi tayo laging nagkakasakit mula rito. Ito ay dahil sa good bacteria na makikita sa intestinal linings ng ating katawan na tumutulong na sugpuin ito. Ang probiotics na makikita sa kimchi ay bumubuo ng acidic fermentation byproducts, na nakapagpapababa ng pH sa bituka. Makikita ang probiotics sa mga pagkain tulad ng yogurt at sauerkraut.
Isa sa mga benepisyo ng kimchi ay ang pagiging antioxidant nito na lumalaban sa free radicals at nakatutulong na maiwasan o mapabagal ang pinsala sa cells ng katawan. Ang kimchi ay nakatutulong din sa pag-iwas sa mga sakit tulad ng cardiovascular diseases, kanser, gastrointestinal problems, allergic reactions, at diabetes.