Sa nakalipas na mga taon, parami nang parami ang mga bansang isinasaligal ang medical marijuana. Ito ay tinitingnan noon bilang recreational drug lamang. Samakatuwid, ang marijuana at iba pang over-the-counter products na may cannabidiol (CBD) at hemp oil ay may potensyal na kapakinabangan para sa chronic pain at addiction management. Kaunti pa lamang ang health care professionals ang nahihikayat na alamin pa ang mga benepisyo ng hemp oil.
Pagkakaiba ng hemp oil at marijuana
Ang modernong medikal at nutritional research ay nagsasabi ngayon na marami pang gamit ang hemp oil.
Ang fatty acid spectrum nito ay nagbibigay sa hemp oil ng “balanse at malasang mapagkukunan ng mahahalaga at iba pang bihirang fatty acids para ikonsumo ng tao”. Nagbibigay din ang mga buto ng hemp ng mahahalagang amino acids, vitamin E, at iba pang kaugnay na sustansya.
Hemp oil para sa diet at mas magandang balat
Isang bihirang mapagkukunan ng sustansya para sa mga vegetarian diet ang hemp seed oil. Mabuti rin ito para sa cardiovascular health, balat, hormonal balance, diabetes, at iba pa.
Nagbibigay din ang hemp oil ng tiyak na dami ng bihirang “super” polyunsaturated fatty acids. Lalo na ang gamma-linolenic acid (GLA) at stearidonic acid (SDA).
Natural na ginagawa ng ating katawan ang mga ito mula sa linoleic acid (LA) at alpha-linoleic acid (ALA) essential fatty acids.
May ilang pasyenteng may atopic dermatitis at iba pang may mga kondisyon sa balat ang nagkaroon ng pagbabago matapos makatanggap ng hemp seed oil na may GLA at SDA. Nakapagsagawa na rin sa University of Kuopio sa Finland ng mga clinical trials tungkol sa benepisyo ng hemp oil kapag kinain. Ginagawa ito upang suriin ang lawak ng mga potensyal na benepisyo nito. Malaki ang pagkakaiba ng GLA at SDA content sa mga hemp seed. Kailangan itong ikonsidera kapag gagamit ng hemp oil sa paggamot ng mga ganoong sintomas.
Kapag ginamit naman bilang pamahid, madalas maiulat ang iritasyon sa balat. Nakapag-ulat din ng mga problema sa panunaw tulad ng pagsakit ng tiyan at malambot na dumi sa pag-inom ng hemp oil supplement.
Mga potensyal na benepisyo ng hemp oil
Tungkol sa epekto nito sa cardiovascular health, wala pang tiyak na impormasyon tungkol dito. Sa isang pag-aaral noong 2010, nakitang may potensyal na magandang epekto ang hempseed sa sakit sa puso.
Gayunpaman, marami pa ring mga tanong tungkol sa cardiovascular effects upang maitakda ito bilang pang-iwas o bilang therapeutic dietary intervention. Mayroon nga itong amino acid arginine, gayunpaman, ito ang dapat na makatulong na mabawasan ang panganib ng sakit sa puso.
Mas nagiging kilala ang hemp bilang remedyo para sa maraming mga kondisyon, kabilang na ang stress. Maaari ding may properties ito na nakatutulong upang mabawasan ang mga panganib ng karamdaman tulad ng Alzheimer’s disease. Gayunman, kailangan pa ng dagdag na mga pag-aaral. Nakababawas din ng inflammation sa katawan ang hemp oil.
Taglay ng hemp oil ang malaking dami ng omega-6 at omega-3 fats (dalawang uri ng unsaturated fat o “good fats”). Dahil dito, napakaraming positibong bagay ang maaaring asahan sa benepisyo ng hemp oil sa kalusugan. Lahat ng siyam na essential amino acid ay nasa hemp oil din. Ibig sabihin, lahat ng materyal na ginagamit ng iyong katawan upang gumawa ng protina ay nandito rin.
Isang benepisyo ng hemp oil na kinikilala ay bilang gamot sa chronic pain management. Malaki ang pag-asa ng imbestigasyon sa potensyal na mga therapy tulad ng CBD at hemp oil para sa future ng clinical pain management bilang pampawi ng sakit at addiction management.
Key Takeaways
Dahil sa koneksyon nito sa marijuana, madaling maipagkamali ang hemp oil bilang isang bagay na pang-recreational lamang. Gayunpaman, kung pag-aaralan, nagbibigay ito ng mas marami pang kapakinabangan. Kung wala ang THC na nasa marijuana, napatunayan ang hemp oil na may mga benepisyo para sa vegetarian diets, at bilang gamot sa atopic dermatitis. Bagaman nangangailangan pa ng mas maraming pag-aaral ang bisa nito sa paggamot ng cardiovascular disease, Alzheimer’s disease, at inflammation, nakitang epektibo ang hemp oil sa paggamot ng chronic pain.
Ang mga pananaliksik ukol dito ay kinokonsidera na bago pa, kung kaya may posibilidad na ang paggamit nito ay magdulot ng negatibong side effects para sa ibang tao. Kinakailangan ng mas maraming pag-aaral para malaman kung gaano ka-epektibo ito para sa lahat.
[embed-health-tool-bmr]