backup og meta

Benepisyo ng Ampalaya sa Kalusugan, Alamin Dito!

Benepisyo ng Ampalaya sa Kalusugan, Alamin Dito!

Kilala bilang Ampalaya ang Bitter Gourd o Bitter Melon. Marahil isa ito sa pinaka hindi gustuhing prutas lalo na sa mga bata. Ngunit nananatiling maraming Pilipino ang naniniwala na marami at higit pa sa isa ang sustansya ng Ampalaya. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang benepisyo ng Ampalaya nang suportado ng siyensya na magbibigay ng inspirasyon sa iyo na idagdag pa ito lalo sa iyong diet.

1. Siksik ito ng sustansya

Alam mo bang kabilang sa cucurbit o gourd family ang ampalaya na kinabibilangan ng iba pang minamahal na prutas tulad ng kalabasa at pakwan? Kaya naman hindi nakakagulat na tulad ng mga kamag-anak nito, puno rin ng sustansya ang ampalaya.

Ipinapakita ng mga pagsusuri sa nutrisyon na mayaman sa carbohydrates, fiber, protein, vitamins at minerals ang ampalaya. Sa katunayan, sa lahat ng miyembro ng cucurbit family, ang ampalaya ang may pinakamataas na vitamin C content; mayroon din itong mas mataas na protein content kaysa sa kamatis at pipino. Bukod dito, naglalaman din ang ampalaya ng zinc, iron, phosphorus, magnesium, at calcium.

2. Nagpapababa ito ng blood sugar levels

Marahil ang kakayahan nitong magpababa ng blood sugar levels ang isa sa pinakakilalang benepisyo ng ampalaya, lalo na sa mga Pilipinong may diabetes.

Isang report ang nagsasabi na may kakayahan ang pag-inom ng juice o tsaa na gawa sa prutas na ito na magpababa ng blood sugar level sa pamamagitan ng:

  • Pagpapataas ng insulin, ang hormone na tumutulong sa glucose na makapasok sa cells.
  • Pagpigil sa gut sa muling pag-absorb ng glucose.
  • Pagpreserba sa islet beta cells na naglalabas ng insulin.
  • Pagpapabuti sa paggamit ng peripheral glucose.
  • Pagpigil sa gluconeogenic enzymes na tumutulong sa paggawa ng glucose mula sa noncarbohydrate sources.

At panghuli, sinabi rin sa report na naglalaman ng antidiabetic agents ang ampalaya na tumutulong sa pagpapabuti ng glucose tolerance.

3. Maaaring makatulong ito na palakasin ang kalusugan ng puso

Isa sa mga potensyal na benepisyo ng ampalaya na sinisiyasat ng mga mananaliksik ang kakayahan nitong gamutin ang hypercholesterolemia.

Kahit limitado ang pag-aaral na ito sa hayop, nakita ng mga mananaliksik na isang “potential supplement” ang ampalaya sa paggamot ng hypercholesterolemia at mga kaugnay pang sakit.

Tandaang nauugnay ang mataas na cholesterol sa mas mataas na panganib mula sa mga sakit sa puso.

4. May mataas itong antioxidants

Lubos na iniuugnay ng mga eksperto ang medicinal value ng ampalaya sa yaman nito sa antioxidants. Naglalaman ito ng vitamins A, B, C, at E, pati na rin carotenoids. Mayroon ding phenols, flavonoids, terpenes, isoflavones, anthraquinones, at glucosinolates ang prutas na ito na nakakadagdag sa mapait na lasa ng prutas.

Nakatutulong naman ang antioxidant sa pagprotekta ng cells mula sa free radicals, at nakababawas din ito sa pamamaga ng katawan.

5. Maaaring makatulong ito sa pagpapapayat

Kung nais magbawas ng ilang kilo, maaaring magdagdag ng ampalaya sa iyong pagkain.

Dahil mayaman ito sa fiber, isa sa mga maaaring benepisyo ng ampalaya ang tulong nito sa pagbabawas ng timbang. Makikita na nakakabusog at mas matagal ang epekto ng pagkabusog sa fiber, nakakabawas din ito ng gutom at posibleng maiwasan ang pagnanais na kumain pa ng hindi masustansyang pagkain.

Paano ihalo ang ampalaya sa iyong pagkain?

Isa sa pinakamagandang benepisyo ng ampalaya ang kakayahan nitong maihanda sa iba’t ibang paraan:

  • Ihain ito bilang inumin sa pamamagitan ng pag-juice nito kasama ng iba pang prutas at gulay.
  • Gawin itong tsaa
  • Gumawa ng smoothie mula sa durog at pinong ampalaya. Magdagdag ng lemon at honey para sa mas masarap na smoothie.
  • Magdagdag ng ilang hiwa ng ampalaya sa ginisang baboy.
  • Maglagay ng hiwa ng ampalaya sa iyong vegetable salad. Maaari ka ring gumawa ng bitter gourd salad o ensaladang ampalaya.

Maraming magagawa sa ampalaya. Maaari itong idagdag sa maraming kilalang pagkaing Pinoy tulad ng pinakbet at ginataang alimasag.

Key Takeaways

Kahit gaano kapait ang ampalaya, hindi maikakaila na puno ito ng sustansya at iba pang benepisyong magpapabuti sa iyong kalusugan. Ipinapakita ng mga pag-aaral na maaaring magpababa ng blood sugar level, makatulong sa pagbabawas ng cholesterol, mayroong mataas na antioxidant, at maaaring din makatulong pa sa pagpapababa ng timbang ang prutas na ito.

Matuto pa tungkol sa healthy eating dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chapter 7 – Bitter gourd (Momordica charantia) as an emerging therapeutic agent: Modulating metabolic regulation and cell signaling cascade
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780128194836000072
Accessed July 29, 2021

Chapter 10 – Natural Products for the Management of Diabetes
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780444641793000104
Accessed July 29, 2021

Effects of Karela (Bitter Melon; Momordica charantia) on genes of lipids and carbohydrates metabolism in experimental hypercholesterolemia: biochemical, molecular and histopathological study
https://bmccomplementmedtherapies.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12906-017-1833-x
Accessed July 29, 2021

Antioxidant Potential and health benefits of bitter gourd (Momoridica charantia L.)
https://www.researchgate.net/publication/328077765_Antioxidant_Potential_and_health_benefits_of_bitter_gourd_Momoridica_charantia_L
Accessed July 29, 2021

Phenolic contents and antioxidant activities of bitter gourd (Momordica charantia L.) leaf, stem and fruit fraction extracts in vitro
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26047274/
Accessed July 29, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement