Ang mga itlog ay karaniwang sangkap sa karamihan ng mga baking recipes. Gayunpaman, ang mga taong may allergy sa itlog ay hindi dapat gumamit ng sangkap na ito upang makagawa ng perpektong cake o iba pang mga pagkain. Kung mayroon kang allergy sa itlog, tingnan ang 8 ligtas na mga alternatibo sa artikulong ito.
Ano ang Allergy sa Itlog?
Ang allergy sa itlog ay isang kondisyon na nangyayari kapag inaatake ng immune system ang mga sustansya na nasa itlog dahil hindi ito pinahihintulutan ng katawan.
Kung ikaw ay allergic sa itlog, maaari kang magkaroon ng makating pantal, at maraming pamamaga sa mukha at lalamunan pagkatapos kumain nito. Ito ay isang malubhang kondisyon na maaaring magdulot sa iyo ng anaphylaxis. Ito ay isang senyales na nagbabanta sa buhay mo dahil ito ay maaaring maging sanhi ng paghinto ng paghinga,o maging pagkawala ng malay.
Bakit Kailangan Mong Pumili ng Pamalit sa Itlog?
Bukod sa allergy sa itlog, ang mga taong naka-vegan diet ay kailangan ding magkaroon ng iba pang mga alternatibo sa itlog sa kanilang pang-araw-araw na diyeta o mga recipes.
Ang vegan diet ay isang diyeta na walang karne, dairy, itlog, o anumang produkto na may kinalaman sa mga hayop. Iniiwasan ng mga vegan ang pagkonsumo ng mga produktong hayop sa maraming kadahilanan tulad ng paglilinis ng katawan, pagmamalasakit sa kapaligiran, at iba pang mga salik na nauugnay sa mga karapatan ng hayop.
8 Baking Ingredients Para sa mga Mayroong Allergy sa Itlog
Kung mayroon kang allergy sa itlog, pumili sa mga sumusunod na alternatibo:
1. Apple sauce
Ang apple sauce ay isang produktong gawa sa mga nilutong mansanas. Madalas itong may matamis na lasa o lasa ng iba pang spices tulad ng cinnamon at nutmeg.
Ang 65 grams (1/4 cup) ng apple sauce ay maaaring palitan ng isang itlog sa karamihan ng mga recipe, kabilang ang mga pie.
Ayon sa mga nutritionists, pinakamahusay na gumamit ng apple sauce na walang asukal. Kung hindi, bawasan ang nilalaman ng asukal o pampatamis sa recipe.
2. Mashed banana
Ang mashed o dinurog na saging ay isa pang sikat na food substitute para sa mga taong may allergy sa itlog. Bukod sa mashed na saging, maaari ka ring gumamit ng mga pureed fruits tulad ng avocado o kalabasa (luto). Anumang katas ng prutas na ginagamit mo bilang kapalit ng isang itlog ay dapat ding may sukat na 65 grams.
Ang kapalit na ito ay angkop lalo na kapag naghahanda ka ng mga baked goods.
3. Flax o chia seeds
Ang flaxseed o chia seeds ay mahusay na alternatibo para sa mga taong may allergy sa itlog. Mataas ang mga ito sa omega-3 fatty acids, fiber, at iba pang mga plant compounds.
Bilang kapalit ng itlog, paghaluin ng tubig ang 1 kutsara (mga 15 grams) ng chia seeds at 3 kutsarang flaxseed (mga 45 grams) hanggang sa lumapot ang timpla.
Ang flaxseed, chia seed, at water mix ay mainam din para sa mga baked goods.
4. Palitan ang mga itlog ng commercial products
Mayroong ilang mga egg substitutes sa merkado na gawa mula sa potato starch, tapioca starch, at yeasts.
Ang bawat produkto ay may sariling mga tagubilin para sa kung gaano karami ang kapalit ng isang itlog kapag nagluluto o nagba-bake. Maaari mong mahanap ang mga ito sa mga supermarket o online stores.
5. Tofu
Ang tofu ay isa sa mga soy products. Ito ay gawa mula sa condensed soy milk na pinindot sa soft mass. Nagbabago ang texture ng bawat piraso ng tofu batay sa nilalamang tubig nito. Mas maraming napigang likido, nagiging mas firm ang tofu.
Maaaring palitan ng 65 grams ng tofu ang isang itlog sa bawat pagkain.
6. Buttermilk o yogurt
Dapat palitan ng mga taong may allergy sa itlog ang itlog ng buttermilk o yogurt. Ang parehong yogurt at buttermilk ay may mga sangkap na katulad ng komposisyon ng itlog. Pinakamainam na gumamit ng plain yogurt. Maaaring ikasira ng iyong ulam ang mga may lasa at matatamis na uri.
Maaaring palitan ng 60 grams ng buttermilk o yogurt ang isang itlog.
7. Suka at baking soda
Paghaluin ang 1 kutsarita (mga 5 grams) ng baking soda at 1 kutsara (mga 15 grams) ng vinegar water upang gawing egg substitute sa karamihan ng mga recipes. Kapag pinaghalo, ang suka at baking soda ay lilikha ng isang chemical reaction na gumagawa ng carbon dioxide at tubig. Ginagawa ng dalawa na mas malambot ang mga baked goods.
8. Starch powder
Ang starch powder ay isang produkto na gawa mula sa starchy tuber plant na native sa South America. Ito ay kahawig ng cornstarch (gawgaw) at ginagamit sa maraming mga recipe.
Kung mayroon kang allergy sa itlog, palitan ang 1 itlog ng pinaghalong 2 kutsara (mga 30 grams) at 3 kutsara (mga 45 grams) ng tubig.
Sa listahang ito, umaasa kami na hindi mo mararamdamang na bawal kang sumubok at gumawa ng mga bagong pagkain!
Alamin ang iba pa tungkol sa Nutrition Facts dito.
[embed-health-tool-bmr]