Ang acid reflux ay isang kondisyong kung saan ang acid sa tiyan ay dumadaloy paitaas sa’yong esophagus at lalamunan. Ang medical term para dito ay gastroesophageal reflux disease (GERD), at naka-characterize ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng reflux incidents. Pwede ring makaranas ng GERD ang isang tao dahil sa paghina o pagkakaroon niya ng pinsala sa lower esophageal sphincter (LES) na pumipigil sa stomach contents at acids mula sa pag-agos pataas sa’yong lalamunan kapag hindi ka pa tumatayo.
Dagdag pa rito ang isa sa mga kilalang sintomas ng acid reflux ay ang heartburn, na tumutukoy sa isang burning sensation sa itaas na bahagi ng thoracic na dulot ng acid backflow. Kasama rin sa mga karagdagang sintomas ng GERD ang pagkakaroon ng namamaos na boses, mabahong hininga, bloating, pagduduwal, paulit-ulit na pagsinok, at pagkakaroon ng tuyong ubo.
Pero huwag kang mag-alala dahil may tritment para sa acid reflux na kinasasangkutan ng lifestyle, diyeta, at paggawa ng mas malusog at mas matalinong pagpipilian ng mga pagkain na dapat mong malaman.
Kaya naman basahin ang artikulong ito para sa mahahalagang impormasyon.
Mayroon ba kong Acid Reflux?
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang heartburn ay kadalasang init o apoy sa gitna ng iyong dibdib na nagdudulot ng metal na lasa sa’yong bibig na nagmumula sa backflow ng acid ng tiyan. Kung saan ang senaryo na ito ay kilala bilang sintomas ng GERD, dahil ang acid reflux ay tumatalakay sa backflow ng acid sa tiyan ng isang tao.
Ano ang Nagiging sanhi ng Acid Reflux
Ang acid reflux ay natri-trigger, lumalala, umuulit, at maaaring wala itong katapusan na pwedeng umatake kahit anong oras. Dagdag pa rito, maaaring mag-trigger ng heartburn at acid reflux ang ilang partikular na pagkain. Kung saan ang mga karaniwang nagtri-trigger na pagkain ay ang mga sumusunod:
- carbonated beverages o soft drinks
- kape
- alak
- tsokolate
- iba pang fatty o spicy food.
Huwag mo ring kakalimutan na ang iba pang mga dahilan ng paglala ng acid reflux ay ang pagiging sobra sa timbang, pagbubuntis ng isang tao, pagkakaroon ng labis na stress, pagkabalisa at ilang mga gamot.
Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Isang Doktor?
Dapat maging malinaw sa’yo na magpatingin na sa doktor kapag hindi na epektibo ang iyong lifestyle at diyeta para sa pagharap sa’yong acid reflux, lalo na kung masyadong nagiging madalas ang pag-atake nito.
Kung nakakaranas ka madalas ng sintomas tulad ng pagbara sa lalamunan, pananakit ng tiyan atbp. kumonsulta na sa doktor at huwag kang mahiya. Dahil tutulungan ka rin nila na i-narrow down ang mga dahilan kung bakit natri-trigger ang iyong acid reflux.
Tandaan na maaaring magreseta ang doktor ng antacids para mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan, at ang mga antacid na ito ay pwedeng omeprazole at lansoprazole. Kung saan may kakayahan ito sa pagpapagaan ng mga sintomas ng heartburn at maalis ang iyong discomfort.
Paano Ko Maiiwasan ang Acid Reflux?
Ang pinakamahusay na paraan para maiwasan ang acid reflux ay intindihin kung ano ang sanhi nito at makatutulong na magkaroon ka ng food diary para masubaybayan mo kung ano ang iyong kinakain, at kung ano ang iyong nararamdaman.
Sa pagsubaybay sa’yong pagkain at kapag nakaramdam ka ng heartburn, maaari mong tanggalin kung anong mga pagkain ang dahilan ng iyong heartburn, at makakatulong rin ito upang malaman kung anong pagkain ang dapat mong iwasan.
Ano ang Nagtri-trigger ng Acid Reflux?
Ang high-fat food ay pwedeng makapagpa-relax sa LES, at sa pagre-relax ang acid ng tiyan mo ay dumadaloy pabalik. Sa mga ganitong kaso, maaaring kapaki-pakinabang para sa’yo na i-tsek kung kumain ka ba ng mga fast food, tulad ng onion ring o french fries, full-fat dairy products gaya ng gatas, keso, mantikilya, o maging ang mga byproduct nito tulad ng ice cream, sour cream, at pritong pagkain, o matabang produkto ng karne kabilang ang bacon, ham, at mantika.
Huwag mo ring kakalimutan na ang mga citrus fruit at kamatis ay malusog na pagkain pero kilala rin bilang pagkaing acidic. Kaugnay nito ang mga prutas tulad ng orange, grapefruit, lemon, kalamansi, pinya, kamatis, at mga byproduct ng mga ito ay pwedeng maging sanhi ng paglala ng iyong heartburn.
Ang tsokolate ay maaari ding magpalala ng GERD dahil naglalaman ito ng methylxanthine. Sapagkat kemikal ito na nagrerelaks sa LES’s smooth muscles para paganahin ang reflux.
Tandaan din na ang mga maanghang na pagkain, at ilang partikular na pampalasa tulad ng bawang, o sibuyas ay maaaring mag-trigger ng reflux sa karamihan ng mga tao.
Kilala rin na nagtri-trigger ng acid reflux ang caffeine, pero kung habit mo na ang palaging pag-inom ng kape, siguraduhing dahan-dahan mong i-cut out ito sa iyong diyeta, o uminom na lamang ng mas kaunting acidic na kape para maiwasan ang withdrawal symptoms.
Panghuli, ang personal intolerance tulad ng dairy, gluten, mint, at pampalasa ay maaari ring mag-ambag sa pagpapalala ng iyong GERD.
Anong mga Pagkain ang Maaaring Magpaalis ng mga Sintomas ng Acid Reflux?
Bagama’t hindi mapagagaling ng mga pagkain ang iyong acid reflux, nakakatulong ito na mapawi ang mga sintomas at maiiwasan ang paglala ng kondisyon.
Maaaring maging kapaki-pakinabang para sa’yo na dagdagan ang iyong pag-intake ng mga gulay dahil ang mga gulay ay mababa sa fat at sugar na nakatutulong para mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan. Kabilang sa mga gulay na ito ang asparagus, green beans, cauliflower, broccoli, leafy greens, at cucumber.
Ang mga prutas ay mabuti rin para sa’yo ngunit dahil ang mga citrus fruit ay maaaring mag-trigger, maaari mo pa ring subukan ang mga hindi citrus na prutas tulad ng mga melon, saging, mansanas, at peras, dahil ang mga ito ay mapagkukunan rin ng mga bitamina at micronutrients.
Pwede ring magamit ang luya sa acid reflux dahil kilala ito sa pagiging gamot upang gamutin ang mga problema sa gastrointestinal tract, kabilang ang heartburn.
Ang oatmeal, mga whole grain product, at high fiber diet ay nakakatulong din para mapababa ang risk mo sa acid reflux. Maging ang mga walang taba na karne at pagkaing-dagat na mababa sa fat ay nakatutulong din sa pagpapababa ng kanilang mga sintomas. Gayunpaman, dapat mong iwasan ang paghahanda nito na may maraming langis. Kaya ipinapayo na umiwas sa pritong pagkain at maging mahilig sa pagbe-bake, o poaching.
Magandang opsyon din ang mga puti ng itlog para sa acid reflux dahil ang pula ng itlog ay mayroong mataas na taba na dapat mong iwasan.
Panghuli, pinakamahusay rin na pumili ng mas malusog na mga opsyon tulad ng avocado, flaxseed, walnut, sesame, olive, o sunflower oil upang maiwasan ang acid reflux. Tandaan mo rin na mas kapaki-pakinabang para sa’yo na bawasan ang iyong paggamit ng saturated fats at trans fats dahil ang mga iyon ay nadedeposito sa’yong tiyan nang mas matagal.
Key Takeaways
Sa pangkalahatan para mawala ang mga sintomas ng acid reflux dapat mong iwasan ang mga pagkaing maaaring makapag-trigger nito. Gumawa ng mas mahusay na lifestyle choices sa pamamagitan ng pagkain ng mas mahusay at smaller meals sa mas mataas na frequency. Maghanap ng mga paraan para itaas ang iyong dibdib at ulo kapag nakahiga at subukang makakuha ng mas malusog na timbang at routine.
Isinalin sa Filipino ni Lornalyn Austria
[embed-health-tool-bmi]