Benepisyo ng olive oil ay hindi na lihim para sa karamihan. Gamitin man ang olives bilang mantika o kainin ng buo, ang maliliit na prutas na ito ay kilala dahil sa pagbibigay nito ng cardiovascular boost. At kapag nalaman mo ang iba pang mga benepisyo nito, gugustuhin mong simulan ang mamuhay sa Mediterranean na paraan.
Makakakuha ka ng olive oil mula sa paggiling o pag-extract sa buong prutas at pagkolekta ng langis na tumatagos palabas. Maaari gamitin ang olive oil sa lahat ng uri ng pagkain. Pwede mo itong lutuin, ibuhos sa tinapay, pasta, o salad, o gamitin bilang sangkap sa mga inihurnong produkto. Masarap na, marami pang benepisyo sa kalusugan.
Uri at benepisyo ng olive oil
Extra virgin olive oil
Ang EVOO o extra virgin olive oil ay hindi gaanong dumaan sa pagproseso. Dahil dito, mas maraming nutrisyon ang EVOO kaysa sa virgin o refined olive oils. Halimbawa, ito ay may mas mataas na antas ng phytochemicals na maaaring makatulong sa paglaban sa kanser at sakit sa puso.
Virgin olive oil
Ang virgin olive oil ay hindi tulad ng regular na olive oil dahil ito ay ginagawa sa pamamagitan ng proseso na tinatawag na “cold-pressed.” Ibig sabihin nito ay walang ginamit na anumang init o kemikal sa pagkuha ng oil. Nangangahulugan ito na ang langis ay nakuha lamang sa pamamagitan ng paggiling ng mga olives upang ito ay maging malapot bago makuha ang mantika nito.
Refined olive oil
Ang pinong olive oil ay ang uri na dumaan sa mas maraming proseso upang ma-neutralize ang mga depekto sa mantika. Kabilang sa mga depekto ay ang natural na acidity na mas mataas sa 3.3 porsyento, hindi mainam na lasa, at hindi kanais-nais na amoy.
Mga benepisyo ng olive oil sa Mediterranean diet
Ang olive oil ay isang pangunahing pagkain ng mga Mediterranean sa loob ng libu-libong taon, mula pa noong mga Sinaunang Griyego at Romano. Nananatili itong pinakasikat na mantika sa rehiyon hanggang ngayon. Sa katunayan, naniniwala ang mga eksperto sa nutrisyon na ang Mediterranean basin ay tahanan ng ilan sa mga populasyon na may pinakamahabang buhay. Dahil ito sa kanilang pang-araw-araw na diyeta na puno ng masustansyang mantika mula sa olives, mani, at matabang isda.
Mayaman sa antioxidants ang olive oil. Ang pangunahing taba na nilalaman nito ay monounsaturated fatty acids (MUFAs), na itinuturing ng mga eksperto bilang isang malusog na taba. Maaari itong makapagbigay proteksyon sa katawan mula sa cellular damage na maaaring humantong sa isang hanay ng mga kondisyon sa kalusugan at sakit. Ang extra virgin olive oil ay may mapait na lasa, ngunit naglalaman ito ng mas maraming antioxidant kaysa sa iba pang mga uri.
Mga benepisyo ng olive oil
Sangkap sa pagkain
Ginagamit ang olive oil sa pagluluto, pagpapaganda, gamot, sabon, at bilang panggatong para sa mga tradisyonal na lampara. Maaaring ipreserba ang prutas na olives sa olive oil o sa tubig na may asin. Kinakain ito nang buo o tinadtad at idinagdag sa mga pizza at iba pang mga pagkain.
Maaari gamitin ang olive oil bilang isang sawsawan para sa tinapay, pambudbud sa pasta, o bilang isang salad dressing. Ang Greek olive oil ay masarap ilagay sa salad kasama ng kamatis, pipino, feta cheese, at arugula.
Mayaman sa monounsaturated fats
Ang olive oil ay natural na langis na may sumusunod na komposisyon:
- Saturated fat 14%
- Polyunsaturated fat 11%
- Monounsaturated fat o oleic acid 73%
Iminumungkahi ng mga pag-aaral na ang oleic acid ay nakakabawas ng pamamaga. Maaaring magkaroon ito ng mga kapaki-pakinabang na epekto laban sa mga genes na nauugnay sa kanser.
Panlaban sa Alzheimer’s Disease
Ayon sa mga siyentipiko, ang pagsasama ng extra virgin olive oil sa diyeta ay maaaring makatulong laban sa Alzheimer’s disease. Ito ay maaaring dahil sa proteksyong binibigay nito sa mga daluyan ng dugo sa utak. Iniulat na ang pagkonsumo ng extra virgin olive oil na mayaman sa oleocanthal ay maaaring makatulong sa pagpapabagal ng Alzheimer’s.
Panlaban sa mga sakit sa puso
May pag-aaral na nagsasabing ang mga taong sumusunod sa Mediterranean na diyeta ay may mas mataas ang life expectancy. May mas mababa din silang panganib na mamatay dahil sa cardiovascular disease. Inirerekomenda ng Food and Drug Administration at ng European Food Safety Authority ang pag-inom ng humigit-kumulang 20 gramo ng extra virgin olive oil. Katumbas ito ng dalawang kutsara bawat araw upang maiwasan ang panganib ng cardiovascular na sakit at pamamaga.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmr]