backup og meta

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!

Safe ba ang slimming pills sa kabila ng katotohanan ng kasikatan nito sa mga gustong magpapayat. Natuklasan ng isang pag-aaral sa Unibersidad ng Minnesota na dumami ng doble ang popularidad ng pag inom ng mga slimming pills sa mga teenagers.. Ang mga diet pills ay tumutulong sa pagbaba ng timbang sa pamamagitan ng pagpigil sa gutom o pagpaparamdam na ikaw ay busog na. Maaaring maging kapaki-pakinabang ang pag-inom nito para sa mga taong may labis na timbang. May mga slimming pills na rin na nabibili over-the-counter kung kaya kahit sino ay pwedeng gumamit nito. Dahil dito ay mas madaling maabuso ang pag-inom ng mga diet pills.

Safe ba ang slimming pills: Ang kontrobersiya sa likod nito

Maraming kontrobersyang bumabalot sa pag-inom ng slimming pills. May ilang mga produkto na inalis sa merkado pagkatapos magdulot ng malubhang problema sa kalusugan. Isa sa pinakakilala ay ang kumbinasyon ng fenfluramine at phentermine na binebenta bilang Fen-Phen. Ang Fenfluramine ay unang ipinakilala noong 1970s, ngunit hindi naging popular dahil pansamantala lamang itong nagpapababa ng timbang. Nguni naging mas popular ito noong 1990s nang ito ay pinagsama sa phentermine at nagkaroon ng mas magandang marketing. Nauugnay ang produktong ito sa maraming pagkamatay, pati na rin sa mga kaso ng pulmonary hypertension at mga pagkasira ng heart valves. Dahil na rin sa pagpupursigi ng Food and Drug Administration ay inalis ang produkto sa merkado.

Safe ba ang slimming pills: Ang kasaysayan at epekto

Ang Aminorex ay isang slimming pills na Inalis din sa merkado matapos mapag-alamang sanhi ito ng pulmonary hypertension. Isa itong ilegal na gamot sa Amerika at may mataas na potensyal ng pang-aabuso, walang medikal na paggamit, at hindi maganda sa kaligtasan. Maraming doktor ang hindi gustong magreseta ng slimming pills dahil sa kasaysayan at mga epekto na nauugnay dito. Ayon kay Dr. Romy Block, isang endocrinologist sa Skokie, Illinois, karamihan sa mga umiinom nito ay nababawasan lamang ng 5 hanggang 10 pounds. Ang katamtamang pagbaba ng timbang na ito ay mabilis na bumabalik kapag ang mga pasyente ay huminto sa pag-inom nito. Maraming hindi magandang epekto ang slimming pills na dapat subaybayan tulad ng:

Sino ang maaaring gumamit ng diet pills

Ang mga slimming pills ay para lamang sa mga taong obese. Karamihan sa mga gamot na ito ay idinisenyo para sa mga taong may timbang na 20 porsyento ​​o higit pa sa kung ano ang perpekto para sa kanilang taas at uri ng katawan. Ginagamit ang slimming pills para sa mga taong may mataas na body mass index. Ito ay isang sukatan ng iyong timbang na may kaugnayan kung gaano ka katangkad. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot para gamutin ang labis na katabaan kung mayroon kang:

  • BMI na 30 o mas mataas.
  • BMI na 27 o higit pa at mayroon kang sakit o kundisyon na maaaring nauugnay sa iyong timbang 

[embed-health-tool-bmi]

Dapat ka bang uminom ng slimming pills

Mag-ingat sa mga produkto na nangangako ng mabilis at madaling pagbaba ng timbang. Ang mga over-the-counter na slimming supplements ay hindi kinokontrol ng FDA. Ayon sa kanila, karamihan sa mga produktong ito ay hindi gumagana, at maaaring maging mapanganib. Ang mga slimming pills na inaprubahan ng FDA ay hindi isang magic bullet para sa pagbaba ng timbang. Hindi ito gagana para sa lahat, at lahat ay may mga side effects at kaakibat na panganib. Ngunit dapat timbangin ang mabuti at masamang epekto nito kung may mga problema sa kalusugan na nauugnay sa labis na katabaan.

Tanungin ang iyong doktor kung tama para sa iyong kondisyon at kalusugan ang mga slimming pills. Maaari syang magbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa ligtas at epektibong mga diskarte upang makapag bawas ka ng timbang at mapanatili ang isang malusog na pangangatawan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What health organizations say about slimming pills
https://www.chla.org/blog/rn-remedies/diet-pills-are-dangerous-what-you-can-do-parent#:~:text=National%20Institutes%20of%20Health&text=Pills%20that%20speed%20up%20the,Diarrhea
Are weight loss supplements safe
https://www.poison.org/articles/are-weight-loss-supplements-safe#:~:text=Many%20weight%20loss%20supplements%20contain,to%20get%20your%20money%20back.
How well do weight loss drugs work
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/weight-loss-drugs/art-20044832#:~:text=The%20combination%20of%20weight%2Dloss,lost%20with%20lifestyle%20changes%20alone.
Appetite suppressants
https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/9463-appetite-suppressants#:~:text=How%20long%20should%20you%20take,with%20your%20healthcare%20provider’s%20approval.
Weight loss products and heart disease

Weight loss products and heart disease— there is no silver bullet

Kasalukuyang Version

11/07/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Planong Magdiet? Narito Muna Ang Mga Dapat Mong Malaman

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement