Ang pagdyedyeta ay hindi madaling proseso. Minsan ang katawan at isipan ay naghahanap ng pagkain lalo na tuwing gabi. Ito ay dahil natural lamang na magutom pagkatapos ng 3-4 na oras matapos ang hapunan, na humahantong sa late snacking. Gayunpaman, maraming mga mabubuting dahilan bakit kinakailangan nating iwasang kumain tuwing dis oras ng gabi. Anu-ano ba ang mga paraan kung paano hindi magutom sa gabi?
Bakit Kailangang Hindi ako Kumain sa Gabi?
Ang ibang mga mananaliksik ay nagsasabing ang pagkain sa gabi ay nakasisira sa iyong body clock, na humahantong sa irregular na dalas ng pagkain.
Natuklasan ng pag-aaral na ang ating internal body clock ay kadalasan ay nasa 8 ng gabi para sa mga pagtunaw ng mga matatamis, starchy o maalat na pagkain.
Ang irregular na circadian rhythm ay pinakamadaling humantong sa pagbabago ng hormones, tulad ng pabago-bago ng mood, kakulangan sa tulog, at maling pag-uugali sa pagkain.
May mga pag-aaral na nagsasabing ang pagkain makalipas ang 8 ng gabi ay nagdudulot ng pagdagdag ng timbang. Ano ang mga gawain upang maalis ang craving sa pagkain tuwing gabi?
Paano Hindi Magutom sa Gabi?
Kumain sa Tamang Oras
Isa sa mga posibleng rason kung bakit ka nagke-crave tuwing gabi ay dahil sa irregular na pattern sa pagkain. Kung kumakain ka sa irregular na oras, iwasan ito at piliing kumain sa takdang oras. Ito ay makatutulong sa pag-stabilize ng iyong pag-uugali sa pagkain at mapapanatili ang iyong pangkalahatang kalusugan. Isa ito sa pinakamabisang paraan kung paano hindi magutom sa gabi.
Kumain ng High-Protein Diet
Ang pagkain ng high-protein meal ay isa sa magandang dahilan para mapahaba ang oras sa pagkagutom, sapat na haba ito para sa iyong pagtulog.
Ang high-protein na meal ay mapananatili kang busog sa mahabang oras, na makatutulong mapaliit ang tsansang sa biglaang pagke-crave sa dis oras ng gabi.
May mga nakalipas na pag-aaral na nagsasabing ang pagpapanatili ng high-protein diet ay maaaring makatulong sa pagbawas ng cravings sa gabi ng 60%.
Iwasan ang Stress
Ang isa pang paraan kung paano hindi magutom sa gabi ay ang pag-iwas sa stress. Lalong lalo na kung ikaw ay kumakain para maiwasan ang stress, ang pagtanggal ng stress bago matulog ay nakatutulong.
Ang paggamit ng iyong comfort food para sa iyong emosyon ay kadalasang hindi inirerekomenda dahil maaari itong ugaliin. Maaari mong subukan na maligo nang mainit na tubig o di kaya ay magpamasahe upang mabawasan ang iyong stress.
Bawasan ang Processed Food
Ang pagtanggal ng mga chips, biskwit, at cup noodles na mayroon ka sa iyong pantry ay makatutulong.
Ang pagpapalit ng mga snacks para sa prutas, gulay, at legumes ay labis na makatutulong sa cravings tuwing gabi. Higit pa ay makatutulong sila sa mas mabuting kalusugan.
Gawing Abala ang Sarili
Ang pagiging abala ay makatutulong, lalo na kung nais mong kumain ng iyong mga cravings tuwing gabi. Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:
- Manood ng pelikula
- Makipaglaro sa mga alagang hayop
- Tumawag at makipag kwentuhan sa kaibigan
- Mag-stretching at mag-ehersisyo
- Meditate
- Maglakad-lakad
Kumuha ng Suporta sa Mga Kaibigan
Ang pagkakaroon ng emosyonal na suporta ay isa sa mga magandang paraan para baliin ang nakagisnang pag-uugali. Ang pagkakaroon ng mga taong sumusuporta sa iyong proseso ng pagkain tuwing gabi ay makatutulong baliin ang nakagisnang cycle.
Hindi man ito obvious na paraan kung paano hindi magutom sa gabi, pero malaki ang naitutulong nito.
Kung mayroong tayong suporta, magkakaroon tayo ng motibasyon na malampasan ang mga cravings.
Ang pagkakaroon ng mga kaibigan, pamilya, at mga katrabaho galing sa iba’t ibang parte ng buhay ay labis na makatutulong sa pagbibigay ng suportang emosyonal. Mukha itong simpleng solusyon, ngunit ang pagpapaala sa sarili ng iyong layunin sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kaibigan ay makatutulong upang malampasan ang problema.
Ganun din, kung ikaw ay isa sa mga kaibigang sumusuporta, mahalaga na hindi tayo nanghuhusga.
Ang pinaka-ugat ng pagke-crave tuwing gabi ay mula sa maraming dahilan at mga salik psychological. Kadalasan, guilt, stress, at kahihiyan ang mga karaniwang dahilan ng stress-eating at pagke-crave tuwing gabi.
Key Takeaways
Marami sa atin ang nakauugnay sa pagkakaroon ng hindi masustansyang pagke-crave, ngunit mayroong mga gawain na maaaring makatulong sa ating biglang pag kagutom tuwing gabi.
Ang pinakamahalaga ay manatiling tuloy-tuloy at magsikap upang piliin ang mas malulusog na paraan, kahit na pinagbibigyan natin ang sarili natin minsan.
Isinalin sa Filipino ni Jerra Mae Dacara
[embed-health-tool-bmi]