Nasira ang reputasyon ng tinapay nitong mga nakaraang taon. Ito ang sinisisi kung bakit tumataas ang timbang ng mga tao at kung bakit nahihirapan din silang bawasan ito. Nang dahil sa taglay na carbohydrates nito, ang white bread ay nagiging mainit na usapin kamakailan. Gayunpaman, mayroon din namang iba’t ibang uri ng mga tinapay para sa mga taong diet-conscious. Magbasa rito at alamin kung nakakapayat ba ang tinapay o hindi.
Isang Masamang Reputasyon Para sa White Bread
Kahit na maraming kritisismo sa pagkain ng tinapay, may mga pag-aaral na nagsasabing hindi siya nakakatulong sa pagkakaroon ng obesity. Nakasaad sa isang pag-aaral na, “Ang pakiramdam ng pagkabusog sa mula ng pagkain ng tinapay at pinapatindi ng tinapay na naglalaman ng cellulose ay nakakatulong para sa taong nagdidiyeta na kontrolin ang kanyang mga kinakain. Kasabay nito, maaaring magkaron ng malaking kabawasan sa timbang ang paghihigpit sa pagkonsumo ng mga pagkain na mataas sa calories.
Sinabi rin sa pag-aaral na ito na ang mga lalaking nasa edad na pang-kolehiyo na labis sa timbang na kumakain ng reduced calorie high-fiber bread ay nabawasan ng humigit-kumulang na 8.77kg sa kanilang timbang sa loob ng walong linggo. Samantala, ang mga kumakain ng ordinaryong enriched white bread ay nabawasan lamang ng humigit-kumulang na 6.26kg sa parehong panahon.
Ayon pa sa isang pag-aaral noong 2008, ang pinaka-pangkaraniwang tinapay na kinakain ng mga matatanda noong 2000–2001 ay ang white bread. Ang mga lalaki ay kumakain ng mas maraming tinapay kaysa sa mga babae at white bread ang pangkaraniwan nilang kinakain kumapara sa ibang uri ng tinapay. Dahil dito, nagkaroon ng mas malaking kontribusyon sa enerhiya, fiber, at nutrient intake ang white bread kaysa sa iba pang uri ng tinapay. Ang pagpapalit ng whole meal bread sa white bread ay magpapataas ng nutrisyon sa diet.
Ang white bread ang pinakamalaking nag-aambag sa pagkonsumo ng asin sa UK. Bagama’t bumababa na ang nilalaman na asin sa mga pagkain dahil sa mga programa at stratehiya ng gobyerno na bawasan ang paggamit ng asin.
Sourdough bread bilang isang opsyon
Sa usapin kung nakakapayat ang tinapay o hindi ay isang uri ng tinapay ang lumitaw bilang isang mas malusog na opsyon. Ito ay ang sourdough bread. Ang sourdough bread ay isang tinapay na may lebadura gamit ang sourdough starter. Ito ay pinaghalong harina at tubig na tinitirhan ng wild yeasts at bacteria, na nakakapagpaalsa sa tinapay at nagbibigay ng kakaiba niyang lasa.
Ang trigo na ginamit ay giniling sa bato at hindi sa roller mill na sumisira sa ilan sa mga sustansya sa mikrobyo ng trigo. Ginagawa ito gamit ang sourdough starter at hinahayaang umalsa sa loob ng 7–8 na oras at pagkatapos ay ihinuhurnong. Ang sourdough bread ay naglalaman ng lahat ng sustansya na nasa buong butil at yaong nasa mikrobyo ng trigo.
Sa isang pag-aaral noong 2019, ipinakita ng sensory analysis na ang wheat sourdough bread na naglalaman ng oat at rye fibers (WSBDF) at wheat sourdough bread (WSB) ay mas ninanais kaysa sa wheat yeasted bread (WYB). Ito ay dahil sa masim-asim na amoy at lasa nito.
Ang nakagawiang pagkonsumo ng wholemeal sourdough bread ay nag-ambag sa pagbabawas sa panganib ng coronary heart disease (CHD), diabetes, at cancer sa mga populasyon sa timog Mediterranean.
Bilang karagdagan sa mga de-kalidad na protina at mahahalagang fatty acid, naglalaman ito ng maraming bitamina at mineral. Ang sourdough bread, sa katunayan, ay nagbibigay ng sumusunod:
- Bitamina-E
- Bitamina-B1, B6, at B12
- Thiamin
- Niacin
- Folate
- Riboflavin
- Potassium
- Sink
- Bakal
- Magnesium
- Selenium
- Calcium
- Phosphorus
- Manganese
Kaya, kung naghahanap ka ng tinapay para sa iyong dyeta, maaaring isaalang-alang ang pagsunod sa paraan ng mga Mediterranean. Piliin ang sourdough bread kaysa sa white bread.
Key Takeaways
Mula noong sinaunang panahon, partikular sa Greece at Mediterranean, ang sourdough bread ay napatunayang isang mas malusog na opsyon kumpara sa white bread at mga katulad nito. Ang paraan ng paghahanda ng sourdough at ng sourdough starter at wheat germ ay kinikilala para sa maraming kapaki-pakinabang na epekto nito.
Kaya’t sa usapin kung nakakapayat ba ang tinapay o hindi, mahalagang piliin ang mga uri ng tinapay na mas masustansya kumpara sa iba.
Matuto pa tungkol sa malusog na pagkain, dito.
[embed-health-tool-bmr]