May ilang bahagi ng populasyon na nagsasabing may sweet tooth sila. Iyong naghahanap ng matamis at maasukal, kadalasang nangangahulugan ito ng pagkagusto sa mga cake, ice cream, cookies, at donut. Ibig sabihin din nito ang posibilidad na mataas ang triglyceride, mabigat na timbang, mahinang nutrisyon, pati na rin pagkabulok ng ngipin.
Nagkaroon ng mga pag-aaral upang maunawaan ang mga pinagmulan ng sweet taste perception. Isang pag-aaral ang nagpakita na may dalawang sweet receptor genes (TAS1R2 at TAS1R3), at ang isa sa mga alleles ng dalawang genes ang nakitaan ng pagkagusto ng mga mammal na uminom ng matatamis.
Natuklasan ng isa pang pag-aaral na malaki ang pagkakaiba ng gustong sugar levels ng mga tao, parehong sa mga pagkain at sa iba pang uri ng mga pagkain. Nakakagulat pero ito ang nagpapatunay na totoo nga ang sweet tooth. May malakas na pagkakapareha sa mga matatamis na pagkain at pagkakagusto sa matatamis na pagkain.
Asukal sa iba’t ibang anyo
Nirerekomenda ng World Health Organization (WHO) na panatiliin ang added sugar intake ng parehong matatanda at bata ng mababa pa sa 10 percent ng daily calories. Para sa mga naghahanap ng matamis, humigit-kumulang nasa 12 na kutsarita ito ng asukal. Para makontrol ang sugar intake, mahalagang alam ang pinagmumulan ng asukal sa iyong diet.
Bilang panimula, kailangan mong dumaan sa pinakanakakabagot na gawain – ang pagbabasa ng food labels. Maraming alyas ang asukal, kabilang dito ang corn syrup, molasses, honey, high-fructose corn syrup, malt sugar, at dextrose. Mayroon tayong tinatawag na natural sugar na makikita sa mga pagkain tulad ng prutas, gatas, at plain yogurt. Ang added sugar ang idinadagdag sa mga pagkain at inumin, sa proseso (sa soft drinks at flavored yogurt) man o sa paghahanda (kapag naglalagay ng asukal sa kape).
Dahil may iba ring benepisyo na sustansya ang mga pagkaing naglalaman ng asukal, tulad ng vitamins, minerals, fibre, at protein, karaniwang hindi sila kasama sa mga rekomendasyon sa sugar consumption.
Pagbabawas ng asukal
Narito ang iba pang mga kapaki-pakinabang na tip para sa pagbabawas ng sugar consumption sa iyong diet:
- Siyasatin ang sugar content sa iyong paboritong pagkain. Bawasan ang dami ng added sugar sa iyong mga pagkain at mag-ingat sa mga sweetener.
- Bumili at kumain ng mas kaunting processed food. Mas piliin bumili ng whole foods, tulad ng mga prutas, gulay at buong butil, at mag-eksperimento ng mga bagong recipe.
- Baguhin ang iyong kapaligiran. Palitan ng isang mangkok ng prutas ang mangkok ng kendi sa trabaho o sa bahay.
Ang unang payo na dapat mong sundin, sabi ni Elizabeth Somer, MA, RD, may-akda ng 10 Habits That Mess Up a Woman’s Diet, ito ang “alisin ang mga fat-free desserts.”
“Ounce sa ounce, karamihan sa mga fat-free dessert ang may kasindami rin ng calorie ng higher-fat version nito,” sabi ni Somer. “At kahit na low-cal sila, hindi mo natutulungan ang iyong sarili sa pagkain ng buong kahon nito.”
Tsokolate bilang cure-all para sa sweeth tooth?
Nakitang may kakayahan ang tsokolate mag-stimulate ng paglabas ng feel-good chemicals sa utak, kabilang dito ang endorphins at serotonin. Tukso para sa karamihan sa atin ang tsokolate, sa kabila ng calories at posibilidad nitong mag-trigger ng heartburn.
Ang solusyon para sa iyong diet at heartburn? Isaalang-alang ang pagkain ng kaunti ngunit masarap naman. Maghiwa ng anumang uri ng prutas na gusto, at isawsaw ang piraso nito sa chocolate syrup. Ibibigay nito ang hinahanap mong lasa ng tsokolate nang may kasamang nutritional value mula sa prutas.
Maaari mo ring punan ang iyong chocolate fantasies, sabi ni Somer, sa tulong ng isang mug ng mainit na tsokolate (gawa sa mataas na kalidad na cocoa o chocolate bar, hindi ang powdered instant variety). O sa isang pares ng Choco Mallows.
Hindi pantay na ginawa ang lahat ng pagkaing tsokolate. Marami ang mataas sa calorie, added sugar, at highly processed ingredients. Kapag bumibili ng pagkaing tsokolate, isaalang-alang ang nutritional content at kalidad ng sangkap ng produkto.
Kahit ilan sa atin ang mahilig at naghahanap ng matamis para mapunan ang sweet tooth cravings, dapat pa rin itong gawin in moderation. Hindi dapat balewalain ang pag-iwas sa panganib ng labis na pagkain ng matatamis. Ngunit mabuting malaman na may mga paraan (sa tsokolate) para mapangasiwaan ito.
Matuto pa ng ibang Diyeta at Pagbabawas ng timbang Tips dito.
[embed-health-tool-bmi]