backup og meta

Mapanganib na Diet: 5 Fad Diets Na Maaaring Makasama

Mapanganib na Diet: 5 Fad Diets Na Maaaring Makasama

Gaano kadelikado ang Fad diet? Paano naging kilala ang mga ganitong diet? Ito ang ilan sa mga tanong ng mga tao, gayunpaman ang isa sa mga dahilan kung bakit ito naging popular na diet ay dahil sa social media. Bagamat may ilang bagay na hindi magandang ipinakikita ang social media sa fad diet, at ito ang pagpipilit na ipakitang perpekto ang isang tao sa lahat ng oras. Mula rito, maraming mga fad diets (kadalasan ay iniendorso ng mga artista at influencers) ay ipinangangakong magkakaroon ng magandang katawan sa loob ng maiksing panahon. Ngunit alam mo ba na ang ganitong paraan ng pagpapayat ay posible ring itong maging mapanganib na diet.

5 Mapanganib na Diet na Dapat Mong Iwasan

#1 Tapeworm diet

Ang fad diet na ito ay mukhang delikado – tunay nga. Walang mga taong nais ng bulate sa kanilang katawan ngunit totoong nakatutulong ang tapeworm sa pagbawas ng timbang. Gayunpaman, hindi ito ideal sa kahit na anong paraan at matagal na itong ipinagbabawal. 

Ang mga tapeworms ay nananatili sa intestinal walls upang kumuha ng nutrisyon sa iyong katawan. Bilang resulta, mababawasan ang timbang ng mga indibidwal. Ito ay maaaring maging dahilan ng sintomas ng anemia na maaaring magkaroon ang ibang mga tao. Kung napapansin ang sarili na kumakain nang marami ngunit nababawasan pa rin ang timbang, ito na ang oras upang magpatingin sa doktor.

#2 Apple cider vinegar (lamang) diet

Ang Apple cider vinegar (ACV) ay ginagamit na ng maraming nagdi-diet sa loob ng maraming dekada. May mga pag-aaral na nagpakita na ang ACV ay maraming benepisyong dala kasama na ang pagbawas ng timbang. Ngunit kung hindi maayos ang paggamit, maaari itong maging mapanganib. Ang mga side effects ng sobrang ACV o pag-inom nito ng hindi tinutunaw ay nagdudulot ng hapdi sa bibig, hyperacidity at pagkasira ng enamel ng ngipin, at maaari rin itong may epekto sa mga tiyak na gamot. 

Ang ACV na diet ay hindi talaga mapanganib na diet kung isasagawa nang tama. Mahalagang malaman din na ang ACV diet ay hindi lamang pag-inom ng suka, ngunit pagsasama rin nito sa iyong diet. Hindi makatutulong sa pagbawas ng timbang ang ACV lamang. Ngunit ang pag-inom ng tinunaw na basong ito ay maaaring makatulong kasama ng calorie counting at pag-eehersisyo.

#3 “K-pop” diets

Sa pagiging sikat ng mga drama na mula sa Timog Korea, pelikula, pop music, sa Asya at sa buong mundo, lahat ng mga mata ay nasa mga artista. Sa Timog Korea lamang, ang standard ng kagandahan ay isa sa mga pinakamalupit, maging sa mga ordinaryong tao sa kanila. Ang pressure na ito ay nakadaragdag ng problema sa mental na kalusugan ng nakararami.

Ilan sa mga delikadong diet fad na makikita online ay ang istriktong diet ng marami sa mga Koryanong aktor at k-pop idols. Ang isang artista ay nagsabing kumakain ng isang apple sa agahan, kamote sa tanghalian, at protein shake sa hapunan. Ito ay kulang-kulang 300 calories lamang! Dito pa lang mapapansin mo na maaari itong maging mapanganib na diet.

Habang ang ilan sa mga nag di-diet ay binabawasan ang kanilang konsumo ng calories, ang 300 calories kada araw ay hindi sapat para sa kahit na sino. Mahalagang malaman kung ilang calorie ang kinakailangan mo base sa komposisyon ng iyong katawan, lebel ng gawain, at pangkalahatang layunin. Talakayin ito kasama ng iyong doktor bago magsagawa ng kahit na anong diet.

https://hellodoctor.com.ph/masustansiyang-pagkain/diyeta-pagbaba-timbang/no-rice-diet-bawas-timbang/

#4 Alkaline diet 

Ang alkaline diet ay hindi mapanganib na diet, gayunpaman, may mga pahayag na hindi sinusuportahan ng agham. Ang pangunahing batayan ng alkaline diet ay maging basic. Para sa isang bagay na maging basic o alkaline, mayroon dapat itong pH lebel na higit sa 7.

Kadalasan, ang ating dugo ay nanatili sa pH lebel na 7.35 hanggang 7.45. Kahit na anong pagtaas o pagbaba nito ay maaaring makaapekto ng masama sa katawan. Ang diet na alkaline ay naglalayon na kumonsumo ng pagkain at inuman na mayroong mas matass na pH upang maiwasan ang acidification sa dugo at sa katawan.

Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang cancer cells at ang acid sa tiyan ay maaaring magdulot ng ulcers. Pero hindi ito nangangahulugang ang pagkonsumo ng alkaline na pagkain ay nakagagamot o nakaiiwas sa mga ganitong kondisyon. Ang ating katawan ay mayroon nang mga buffer systems na nagsasagawa ng pagpapanatili ng optimmol na pH sa dugo. Sa kabuuan, ang acidic at alkaline na substance ay parehong nakasasama sa katawan.

[embed-health-tool-bmi]

#5 Cracker diet

Ang kanin ay pangunahing pagkain sa maraming mga bansa lalo na sa Pilipinas. Ang pagbawas ng kanin o refined sugar ay hinihikayat ng mga eksperto sa kalusugan upang magbawas ng timbang at maiwasan ang mga sakit tulad ng diabetes.

Gayunpaman, marami sa mga Pilipino ang pinapalitan ang kanin ng panibagong arina na hindi masustansya. Halimbawa, isa sa pinakamatandang fad diet ay ang pagkain laman ng saltine crackers o biskwit, nilagang itlog at tubig.

Hindi balanse ang cracker diet kaya ito mapanganib na diet. Karagdagan, ang isang pack ng biskwit ay may kabuuang dami ng kaparehong calories, carbs, at protina sa kalahating cup ng puting kanin. Sa kabilang banda, ang mga pre-packed crackers ay mayroong mas maraming fat, sodium, at kaunting mga bitamina at minerals kaysa sa parehong dami ng kanin.

Kasama rin sa pagkain ng Military Diet ang saltine crackers at nilagang itlog. Gayunpaman, hindi ito ikinonsidera bilang delikadong fad diet dahil ito ay tumatagal lamang sa loob ng 3 mga araw sa isang panahon at kabilang rito ang ibang mga uri ng pagkain.

Ang mas ligtas at mas napapanatiling alternatibo sa cracker diet ay ang pag-alala sa dami ng iyong kanin sa hapag at damihan ang mga dahong gulay para sa carbohydrates. Ang nilagang itlog ay mayaman sa protina ngunit limitahan ang pagkain dahil ito rin ay mayaman sa cholesterol. Magandang ideya ang parating pag-inom ng maraming tubig.

Mahalagang Tandaan

Sa pangkalahatan, wala ring salamangka at mabilis na paraan sa pananatiling malusog o fit. Habang ang fad diets ay nakikitaan ng resulta pagkatapos ng ilang mga araw o linggo, ito ay dahil sa kawalan ng tubig sa katawan. Sa kasamaang palad, kadalasan ang mga nawalang timbang sa diets ay mabilis ding babalik sa oras na bumalik ka sa dating routine.

Ang pangmatagalang diet at planong ehersisyo, maging ang positibong pananaw ay mas mainam kaysa sa mga mapanganib na diet. Kung nais magkaroon ng magandang hugis ng katawan at mabawasan ang timbang, kontakin ang iyong doktor upang magpatingin. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa isang nutrionist, dietitian, at personal na tagapagsanay upang matulungan sa iyong proseso tungo sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

Isinalin sa Filipino ni Jerra Mae Dacara

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fad diets: Slim on good nutrition https://journals.lww.com/nursing/Citation/2004/12000/Fad_diets__Slim_on_good_nutrition.16.aspx Accessed November 24, 2020

Fad diets: are they sustainable? https://www.ohsu.edu/womens-health/fad-diets-are-they-sustainable Accessed November 24, 2020

How to diet https://www.nhs.uk/live-well/healthy-weight/how-to-diet/ Accessed November 24, 2020

Journal of Functional Foods Vol. 43: Beneficial Effects of Apple Cider Vinegar on Weight Management, Visceral Adiposity Index and Lipid Profile in Overweight or Obese Subjects Receiving Restricted Calorie Diet: A Randomized Clinical Trial https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1756464618300483?via%3Dihub Accessed November 24, 2020

The chemistry, physiology and pathology of pH in cancer https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3917353/ Accessed November 24, 2020

Taeniasis FAQs https://www.cdc.gov/parasites/taeniasis/gen_info/faqs.html Accessed November 24, 2020

USDA FoodData Central https://fdc.nal.usda.gov/ Accessed November 24, 2020

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Puwede Bang Pumayat Nang Walang Ehersisyo? Alamin Dito!

Safe Ba Ang Slimming Pills? Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement