backup og meta

Vitamin A: Para Saan Ang Vitamin Na Ito? Alamin Dito!

Mahalaga ang bitamina sa katawan ng isang tao, dahil tumutulong ito na mapanatili na malusog at malakas ang ating pangangatawan. Gayunpaman, sa dami ng mga bitamina na dapat nating kinokonsumo, nakakalimutan ng ilan sa atin kung para saan ang bitamina A. Kaya naman sa artikulong ito ay ating lilinawin kung ano ang gamit nito at saan natin ito maaaring makuha.

Vitamin A: Para Saan Ang Vitamin Na Ito? Alamin Dito!

Para Saan Ang Bitamina A?

Isa sa pangunahing sustansya na dapat makuha ng ating katawan ay ang bitamina A. Sapagkat malaki ang responsibilidad nito sa ating kalusugan at sangkot sila sa mga sumusunod:

  • Pagpapasigla ng ating mga mata
  • Pagbuo ng mga bagong cells sa ating katawan
  • Pagpapatibay ng ating immune system

Kilala rin ang vitamin A sa tawag na “retinoid” na pwedeng makuha sa mga sumusunod:

  • Produkto mula sa hayop (gatas, atay, karne, at isda)
  • Gulay at prutas gaya ng karots, kamote, spinach, kalabasa, melon, mangga, kamatis, red bell pepper, letsugas at iba pa

Ang vitamin A ay mayroon ding mga antioxidant properties na maaaring magprotekta sa ating mga cell laban sa mga epekto ng free radicals. Kung saan malaki ang papel na ginagampanan ng free radicals sa pagkakaroon natin ng sakit sa puso, kanser, at iba pang mga sakit.

Ano Ang Kahalagahan Ng Bitamina A Sa Katawan Ng Tao?

Narito ang listahan ng mga kahalagahan ng vitamin A sa ating kalusugan na dapat mong malaman:

  • Pang-iwas sa mga sakit gaya ng tigdas at kanser
  • Napapanatili nito na mahusay ang ating paningin
  • Napapababa nito ang panganib sa pagkakaroon ng kanser

Ang daily value sa vitamin A ay nasa 5000 international units (IU), ngunit maaari itong magbago batay sa mga kaganapan sa iyong katawan gaya ng katandaan at pagbubuntis.

Dapat Ba Maging Sobra Ang Pag-Take Ng Vitamin A?

Isang fat-soluble ang vitamin A, kaya ang sobrang pagkonsumo nito ay pwedeng maimbak sa’yong atay. Maaari rin na maging sanhi ito ng pagkalagas ng iyong mga buhok at pagsusuka kung masosobrahan ka ng bitamina A.

bitamina a

Ano Ang Pwedeng Epekto Ng Kakulangan Ng Vitamin A Sa Katawan?

Narito ang listahan ng mga hindi magandang epekto ng kakulangan sa vitamin A na dapat mong malaman:

  • Pagtatae
  • Panlalabo ng mga mata sa gabi na pwedeng humantiong sa pagkabulag kapag napabayaan ito
  • Pagkakaroon ng tigdas
  • Pagiging mahina ng immune system dahilan para mas madaling makapitan ng iba’t ibang mga sakit
  • Vertigo
  • Pagnipis ng mga buto o bone thinning
  • Pagkasira ng atay
  • Pagsakit ng ulo
  • Diarrhea
  • Skin irritation
  • Pananakit ng mga buto at kasukasuan
  • Birth defects

Tandaan mo rin na kung ikaw ay buntis ay mangyari na makipag-usap ka sa’yong doktor bago uminom ng vitamin A. Ang sobrang paggamit ng vitamin A sa panahon ng pagbubuntis ay may koneksyon sa pagkakaroon ng birth defects.

Key Takeaways

Ang pag-alam sa mga gamit ng bawat bitamina na kinokonsumo ng ating katawan ay makakatulong para mas mapangalagaan natin ang ating mga sarili. At ang pagkakaroon ng wastong kaalaman ang magiging susi upang maiwasan natin ang sobrang pagkonsumo ng mga bitamina na pwedeng maging sanhi ng ilang problema sa kalusugan.
Mahalaga ang vitamin A sa ating kalusugan dahil sa kakayahan nitong palakasin ang ating immune system upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit. Malaki rin ang naitutulong ng vitamin A para mapanatili na mahusay ang ating paningin. Maganda rin kung magpapakonsulta rin tayo sa doktor para makakuha ng wastong medikal na payo para sa angkop na dami ng vitamin A na dapat nating makonsumo. Sapagkat, maaaring mag-iba ang dami ng pagkonsumo ng vitamin A batay sa kasalukuyang edad at medikal na estado ng isang tao. Maaari mong makuha ang vitamin A sa mga gulay, prutas, at mga produkto na galing sa hayop.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bitamina A: Pampalinaw ng mata, panlaban sa impeksyon pa! https://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/publications/writers-pool-corner/57-food-and-nutrition/213-bitamina-a-pampalinaw-ng-mata-panlaban-sa-impeksiyon-pa, Accessed August 24, 2022

Vitamin A, https://www.nhs.uk/conditions/vitamins-and-minerals/vitamin-a/#:~:text=Vitamin%20A%2C%20also%20known%20as,such%20as%20the%20nose%2C%20healthy, Accessed August 24, 2022

Vitamin A, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-a/, Accessed August 24, 2022

Vitamin A, https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements-vitamin-a/art-20365945, Accessed August 24, 2022

Vitamin A and Carotenoids, https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminA-Consumer/, Accessed August 24, 2022

 

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retinol, at Paano Ito Nakatutulong sa Balat?

4 Vitamins Na Makatutulong Magpabuti Ng Iyong Paningin


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas