backup og meta

Is It Good Or Bad: Masustansya Ba Ang White Rice Para Sa’yo?

Is It Good Or Bad: Masustansya Ba Ang White Rice Para Sa’yo?

Ang white rice ay isa sa mga sikat na pagkain dahil abot-kaya ang presyo nito, madaling lutuin, at may neutral na lasa na madaling ipares sa iba’t ibang uri ng pagkain. Bukod pa rito, itinuturing din ang white rice bilang isang nakakabusog na produkto.

Kilala rin ang white rice bilang isa sa magandang source ng carbohydrates, na isang mahalagang pinagkukunang enerhiya para sa katawan. Ngunit sa kabila ng mga benepisyo ng white rice sa kalusugan ng tao, marami sa’tin ang hindi alam ang health benefits ng white rice, na sanhi ng kawalan ng interes ng ilang mga tao sa pagtangkilik o pagbili nito.

Kaya naman gumawa ang Hello Doctor ng isang listahan ng mga benepisyo ng white rice sa kalusugan ng tao — at para malaman ang health benefits na taglay ng white rice, patuloy na basahin ang article na ito.

5 Benepisyo Ng Pagkain Ng Puting Kanin

Hindi maitatanggi na maraming tao ang mahilig sa pagkain ng white rice. Ang pagkonsumo din nito ay isa sa pangunahing kultura ng iba’t ibang bansa, gaya ng Pilipinas. Kaya mahalaga na malaman din ng bawat isa ang mga benepisyo nito sa kalusugan, para maging mulat sila sa iba’t ibang epekto ng white rice sa kanilang katawan at kalusugan.

Kaya narito na ang ilan sa mga katangian at potensyal na benepisyo sa kalusugan ng pagkain ng white rice:

1. May improve digestion

Ang white rice ay madaling matunaw, kaya ito ay isang mahusay na pagpipilian para sa mga taong may mga problema sa pagtunaw o mga indibidwal na nagpapagaling mula sa isang sakit. Bukod pa rito, iminumungkahi rin ng ilang pag-aaral na ang bigas ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng pagdumi at bawasan ang panganib ng paninigas ng dumi.

2. Rich in carbohydrates

Ang white rice ay isang mahusay na mapagkukunan ng carbohydrates, na siyang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya para sa ating katawan. Kung saan ang carbohydrates ay mahalaga para sa pagpapagana o fuel sa utak, kalamnan, at iba pang mga organ ng isang tao.

3. Contains essential vitamins and minerals

Kilala ang white rice sa paglalaman ng mahahalagang bitamina at mineral, tulad ng thiamin, niacin, at iron. Ang mga ito ay napakahalaga para sa pagpapanatili ng ating pangkalahatang kalusugan.

4. Gluten-free

Kagaya ng unang nabanggit ang white rice ay natural gluten-free — at ibig sabihin nito, maaaring maging isang mahusay na opsyon ang pagkain ng white rice para maging ligtas at mapanatili ang kalusugan ng mga taong may celiac disease o gluten sensitivities.

5. Low in fat

Isa sa mga kilalang benepisyo ng white rice ay ang pagiging natural gluten-free nito. Kaya naman ang pagkain ng white rice ay isang mahusay na pagpipilian para sa mga taong nagsisikap na mapanatili ang isang malusog na timbang.

Sa kabila ng mga benepisyo ng white rice sa kalusugan, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan ito dahil sa sobrang pagkain ng white rice ng isang tao.

Para malaman ang mga negatibong epekto ng sobrang pagkain ng white rice, patuloy na basahin ang article na ito.

5 Masamang Epekto Ng Sobrang Pagkain Ng White Rice

Tandaan mo na ang pagkain ng sobrang white rice ay maaaring maging sanhi ng ilang negatibong epekto sa iyong kalusugan, lalo na kung ito ang pangunahing pinagmumulan ng carbohydrates sa iyong diyeta. 

Narito ang ilan sa mga potensyal na negatibong epekto ng sobrang pagkain ng white rice:

1. Weight gain

Kilala rin ang white rice sa pagiging calorie-dense na pagkain na maaaring mag-ambag sa pagtaas ng timbang kung magiging sobra ang pagkain nito. Mababa rin ito sa fiber at protina, na maaaring maging sanhi para makaramdam ng gutom sa lalong madaling panahon pagkatapos mong kumain.

Kaya naman may posibilidad na sa paglipas ng panahon, maaari nitong mapataas ang panganib ng pagkakaroon mo ng type 2 diabetes.

2. Digestive issues

Ang sobrang pagkonsumo ng white rice ay maaaring humantong sa mga isyu sa pagtunaw, tulad ng bloating, gas, at constipation. Ito ay dahil ito ay mababa ang white rice sa fiber, na mahalaga para sa pagpapanatili ng isang malusog na digestive system.

3. Spike in blood sugar levels 

Kagaya ng nabanggit ang white rice ay isang pinong carbohydrate na walang fiber at iba pang nutrients na matatagpuan sa whole grains. Ibig sabihin, mabilis itong natutunaw na maaaring humantong sa mabilis na pagtaas ng blood sugar levels. 

4. Nutrient deficiencies

Ang white rice ay mababa sa ilang mahahalagang sustansya, tulad ng fiber, minerals, at vitamins. Kaya naman kung kasama ang pagkain ng maraming white rice sa’yong diet, maaaring hindi ka makakuha ng sapat na sustansya na kailangan ng iyong katawan, na maaaring humantong sa mga kakulangan at mga problema sa kalusugan.

5. Increased risk of heart disease

Tandaan mo na ang pagkakaroon ng diet na mataas sa pinong carbohydrates, tulad ng white rice ay nauugnay sa mas mataas na panganib ng sakit sa puso. Ito ay dahil ang mga pinong carbohydrates ay maaaring magpataas ng mga antas ng triglyceride at magpababa ng mga antas ng HDL (magandang) kolesterol sa dugo.

Key Takeaways

Maaaring kailanganin ng mga taong may diabetes o mga indibidwal na may iba pang mga isyu sa blood sugar na limitahan ang kanilang pagkain ng white rice. Kung saan, maaari silang pumili ng mga alternatibong pagkain na mas mababang glycemic, tulad ng brown rice o quinoa. Gayunpaman, ang white rice ay mababa sa fiber, kaya mahalagang ipares ito sa iba pang mga pagkaing mayaman sa fiber upang maisulong mo ang malusog na panunaw. Tandaan mo rin na ang white rice ay maaaring maging bahagi ng isang malusog na diet kapag kinakain ito sa tamang dami. Habang ang pagkonsumo ng labis nito ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa iyong kalusugan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Top 5 Health Benefits of Rice, https://www.bbcgoodfood.com/howto/guide/top-5-health-benefits-of-rice Accessed May 16, 2023

Is Rice Good For You?

https://www.chhs.colostate.edu/krnc/monthly-blog/is-rice-good-for-you/ Accessed May 16, 2023

Celiac Disease Diet: How Do I Get Enough Grains? https://www.mylrh.org/celiac-disease-diet-how-do-i-get-enough-grains/#:~:text=When%20possible%2C%20choose%20foods%20made,free%20oats%2C%20sorghum%20and%20teff. Accessed May 16, 2023

Association between intake of white rice and incident type 2 diabetes — An updated meta-analysis, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/33422584/ Accessed May 16, 2023

Resistant starch, microbiome, and precision modulation, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8288039/ Accessed May 16, 2023

Rice, white, long-grain, parboiled, enriched, cooked, https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/169708/nutrients Accessed May 16, 2023

The anti-inflammatory and antioxidant effects of acute consumption of pigmented rice in humans, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31729520/ Accessed May 16, 2023

Resistant starch: Impact on the gut microbiome and health, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0958166919301077?via%3Dihub Accessed May 16, 2023

Rice: Importance for Global Nutrition, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31619630/ Accessed May 16, 2023

Manipulating the Phytic Acid Content of Rice Grain Toward Improving Micronutrient Bioavailability, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5764899/ Accessed May 16, 2023

Heavy metals in Australian grown and imported rice and vegetables on sale in Australia: Health hazard, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0147651313005198?via%3Dihub Accessed May 16, 2023

Arsenic in Rice and Rice Products Risk Assessment Report, https://www.fda.gov/files/food/published/Arsenic-in-Rice-and-Rice-Products-Risk-Assessment-Report-PDF.pdf Accessed May 16, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/09/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement