Sa bahay ng bawat Pilipino, hindi makokompleto ang kusina kung walang bawang at sibuyas. Ito ay pampalasa at may mabangong amoy, kaya’t kilala sa maraming mga pagkaing Pinoy. Ngunit alam niyo ba ang mga benepisyo ng sibuyas sa kalusugan? Alamin dito.
Alamin pa ang Tungkol sa Sibuyas
Maliban sa tiyak na lasa, kakaibang kulay, at laki, maraming mga benepisyo ang sibuyas. Mainam itong pinagmumulan ng maraming nutrisyon kabilang ang:
- Bitamina C
- Dietary fiber
- Folic acid
- Calcium
- Iron
- Protina
- Flavonoid (hal, quercetin)
Ito rin ay fat-free at mababa ang sodium, at maraming mga espesyal na benepisyo sa kalusugan para sa diabetes mellitus, thrombosis, at asthma.
3 Benepisyo sa Kalusugan ng Sibuyas
Ang mga Sibuyas ay may Antioxidant at Anti-Inflammatory Properties
Tulad ng maraming mga gulay, ang mga sibuyas ay naglalaman ng antioxidants. Ang compounds na ito ay nakatutulong na labanan ang free radicals sa pamamagitan ng pag-delay ng oxidative na pinsala na maaaring mangyari sa cells at tissues ng katawan.
Nakatutulong ang Sibuyas sa Pagpapanatili ng Lebel ng Blood Sugar
Ang mga taong may diabetes ay maaaring makinabang mula sa pagkonsumo ng sibuyas sa pang-araw-araw dahil ito ay nakatutulong sa pagkontrol ng blood sugar.
Ipinakita ng 2015 na pag-aaral na ang mga sibuyas ay may anti-diabetic na epekto sa mga hayop, maging ang pagbaba ng lebel ng blood sugar sa mga tao. Ibinahagi na ang pulang sibuyas at ang mababang doses ng quercetin ay nakatutulong sa pagtaas ng pagiging sensitibo sa insulin habang nagpapabuti ng glucose tolerance.
Upang i-regulate ang mga partikular na proseso, ang quercetin ay nag i-interact sa cells na mayroon sa small intestine, pancreas, skeletal muscle, fat tissue at atay.
Ang Sibuyas ay Mayroong Anti-Cancer Properties
Nabanggit na ng maraming pag-aaral na malaki ang tulong ng quercetin sa iba’t ibang mga sakit, partikular na sa iba’t ibang uri ng cancer. Kabilang dito ang:
- Breast cancer
- Colorectal cancer
- Ovarian cancer
- Lung cancer
- Bladder cancer
Ayon sa 2019 na pag-aaral ng mga Intsik, ang regular na pagkonsumo ng allium na gulay, tulad ng sibuyas, ay nakapagpapababa ng pagkakaroon ng colorectal cancer ng 79%. Karagdagan, ang isang pag-aaral na inilimbag noong Agosto 2019 ay nadiskubre rin ang malinaw na ugnayan ng pagkonsumo ng sibuyas at bawang at ang pagbaba ng banta ng breast cancer.
Paano Idagdag ang Sibuyas sa Iyong Pagkain?
Maaari mong ma-enjoy ang benepisyo ng sibuyas sa pamamagitan ng pagdadag dito na hilaw o luto sa iyong pagkain. Narito ang ilang mainam na mungkahi:
- Salads. Dagdagan ng kulay ang iyong salads sa pamamagitan ng hilaw na pulang sibuyas. May option ka na hiwain ito nang mas maliliit na hiwa.
- Side dishes. Ang pagkakaroon ng masarap na side dish na may kasamang nutrisyon ay makatutulong na ma-enjoy lalo ang meals. Maaari mong mailabas ang tamis ng sibuyas sa pamamagitan ng pag-ihaw, pag-bake at pag-broil ng makapal na hiwa nito.
- Stir-frys. Ilang mga tao ang nagdadagdag ng lasa sa kanilang nilutong pagkain sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sibuyas.
- Sandwiches. Lagyan ang iyong snack ng ilang sibuyas at ibang mga gulay upang lalong palakasin ang pagkonsumo ng phytochemical. Ang paggawa nito ay makatutulong na makuha ang lahat ng nutrisyon na kailangan mo upang ma-enjoy ang meal. Maaari kang magkaroon ng hilaw na sibuyas, ginisa, o maging ang caramelized base sa iyong nais.
Key Takeaways
Ngayong nalaman mo na ang tungkol sa benepisyo ng sibuyas sa kalusugan, siguraduhin na isama ito sa iyong meals.
Matuto pa tungkol sa Pagkain ng Masustansya rito.
Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Mag-sign up dito para maging member ng Hello Doctor community! Sa pagsali, maaari mong i-save ang iyong paboritong articles, at gamitin ang aming mga tools at screeners para mapabuti ang iyong kalusugan.
[embed-health-tool-bmi]