Unti-unting sumisikat ang benepisyo ng air fryer para sa kalusugan. Isa ito sa itinuturing na mas malusog na alternatibo. Kumpara sa regular na pagpiprito. Ngunit ano ba talaga ang iba’t ibang benepisyo at epekto ng air fryer? Talaga nga bang mas malusog na opsyon ito?
Basahin ang artikulong ito para sa mga kasagutan sa mga tanong na ito.
Mga benepisyo ng air fryer
Habang tumatagal, parami nang parami ang mga taong nagsisimulang maging mas conscious tungkol sa kanilang kalusugan. Ang mga tao ay nagiging mas aktibo. Kung saan mas sinusubukan nilang kumain ng mas malusog. Makikita rin na isa sa naging recent trends ng ating panahon ay ang paggamit ng air fryer sa halip na regular na pagpiprito.
Sinasabi ng mga tao na isa itong mas malusog na paraan ng pagluluto. Kumpara sa regular na pagprito— dahil gumagamit ito ng hangin para “iprito” ang pagkain. Ngunit ito nga ba ay talagang mas malusog? Mayroon bang anumang posibleng panganib sa air frying?
Mga Paraan ng Malusog na Pagluluto: 6 na Alternatibo sa Pagprito
Paano gumagana ang isang air fryer?
Ang air fryer ay gumagana nang katulad sa mga convection oven. Dahil pareho silang gumagamit ng heated air para makaluto ng pagkain.
Sa loob ng isang air fryer ay ang isang heating element at isang fan. Ang heating element ay bumubuo ng init— pagkatapos ay isini-circulate sa loob ng air fryer sa pamamagitan ng fan. Ang air circulation na ito ay mahalaga. Sapagkat ina-allow nito ang air fryer na magluto ng mga pagkain nang pantay-pantay.
Habang ang air fryers ay hindi aktwal na “nagpiprito”. Gumagana ang mga ito sa katulad na paraan sa pagluluto gamit ang mantika.
Ito’y dahil kapag nagprito ka ng mga pagkain nang normal, ginagamit mo ang mainit na mantika para ilipat ang init sa pagkaing iyong niluluto. Tulad nito, ang air fryers ay gumagamit ng hot air. Upang mailipat ang init sa loob ng pagkain.
Isa pa sa karagdagang epekto nito sa pagkaing niluluto ay ang pagpapatuyo sa ibabaw na bahagi nito. Kung saan ang air fryer din ay may epekto sa paggawa ng malutong na pagkain. Kahit na hindi ito kasing lutong ng mga pagkaing pinirito mula sa mantika.
Ano ang mga benepisyo ng isang air fryer?
Isa sa pinakamalaking benepisyo ng air fryer ay maaari kang magluto ng pagkain na may kaunting mantika lamang. Sa pamamagitan ng paggamit ng mas kaunting mantika, maaari mong bawasan ang iyong fat intake. Mas makapagluluto ka rin ng mas malusog na pagkain.
Ang isa pang benepisyo ng air fryer ay ang pagluluto ng pagkain nang napakabilis. Dahil ang hangin sa loob ay maaaring uminit nang husto. Nangangahulugan ito na kung karaniwan kang kumakain sa labas o nagluluto lang ng instant na pagkain para makatipid sa oras. Ang paggamit ng air fryer ay maaaring makakatulong para maging mas inclined ka sa pagluluto sa bahay.
Tandaan, na ang pagkakaroon ng fresh home-cooked ay mas malusog. Dahil makokontrol mo kung ano ang eksaktong pagkain para sa’yo. Kung gusto mo ng mas kaunting asin, pwede mong gawin ito. Maaari rin na magluto ng pagkain na walang mga additives o artipisyal na pampalasa.
Ang mga air fryer ay mahusay din para sa pagluluto ng mga gulay. Sapagkat ang pagkain na niluto sa air fryer ay may posibilidad na maging malutong at mas masarap. Kumpara sa paggisa o pagpapakulo lamang.
Nangangahulugan ito na maaari kang magdagdag ng mga gulay sa’yong diyeta nang hindi sinasakripisyo ang panlasa.
Ano ang mga drawback?
Bagama’t maraming benepisyo ang air fryer, may ilang drawbacks ito.
Una, maaaring uminit nang husto ang air fryer. Kung hindi ka sanay, maaari masunog ang iyong pagkain. Tandaan na ang nasunog na pagkain ay maaaring maging isang carcinogen.
Ang isa pang drawbacks ng air fryers ay hindi nito karaniwang kayang tumanggap ng maraming pagkain. Karamihan sa air fryers ay nakapagluluto lamang ng pagkain para sa mga 2-3 tao. Kaya kung nagluluto ka para sa isang malaking pamilya— maaaring tumagal ito ng ilang oras.
Posible rin na mawalan ka ng healthy fats kung gumagamit ka ng air fryer. Ang healthy oils tulad ng avocado oil o olive oil ay maaaring makatulong nang malaki para sa’ting katawan. Partikular sa ating utak at hormones.
Ang ilang mga tao ay may posibilidad na kumain ng mas maraming pagkain dahil ito ay air-fried. Gayunpaman, hindi ito malusog. Dahil ang pagkain ng masyadong maraming pagkain, pinirito man ito o hindi, ay maaaring makasama sa’yong kalusugan.
Key Takeaways
Ang air fryers ay isang mahusay na karagdagan kagamitan sa kusina. Subalit, mahalaga pa ring tandaan na ang pagkakaroon nito ay hindi otomatikong magpapalusog sa’yo.
Sa pagtatapos ng araw, ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin ay magkaroon ng isang malusog na diyeta at makisali sa daily exercise.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]