Mahalaga ang maging malusog sa panahon ngayon dahil dumarami ang mga impeksyon, virus at iba pang nagiging sanhi ng sakit. At sa kasalukuyan, mas nagiging madali ang pagkalat ng mga ito dahil sa dami ng tao. Nagkalat din maging ang mga impeksyon sa balat tulad ng buni. Kaya ang madalas na tanong, mayroon bang bawal na pagkain sa may buni?
Ano ang Buni?
Ang buni ay isang ng fungal na impeksyon sa balat. Ito ay tumutubo sa anumang bahagi ng katawan. Tinatawag na tinea capitis kung ito ay tumubo sa anit at tinea corporis kapag sa ibang bahagi ng katawan.
Maraming bakterya at fungi na nabubuhay sa ating balat. Ilan sa mga ito ay kapaki-pakinabang at iba naman ay maaaring maging sanhi ng mga impeksyon. At ang bakterya na naging sanhi ng buni ay hindi kapaki-pakinabang sa balat.
Tandaan din na ang buni ay nakahahawa. Ito ay naipapasa mula sa isang taong may buni tungo sa iba sa pamamagitan ng balat sa balat. Kung ikaw ay humawak sa bahaging may buni, at inihawak mo ito sa iyong katawan,ikaw ay maaaring mahawa.
Sintomas ng Buni
Buni sa Balat
Madaling matukoy ang buni kung ito ay nasa bahagi ng balat. Kaagad itong napapansin at nakikita.
Ang buni sa balat ay nagsisimula na mapula at may tila bukol. Maaaring matuklap, mangati, masakit o masunog ang balat sanhi upang hindi maging kumportable.
Buni sa Anit
Nangangating anit? Marahil ito ay buni sa iyong anit. Nagsisimula ang buni sa anit bilang isang maliit na sugat na mukhang tigyawat bago maging tagpi-tagpi. Maaari itong maging sanhi ng pagkalagas ng mga buhok na nagiging kalbo. Pinamamaga at pinamumula rin nito ang iyong anit.
Buni sa Kuko
Maaaring maapektuhan ng buni ang isa o higit pang kuko sa mga paa at kamay. Magiging makapal, puti, o madilaw-dilaw ang mga kuko.
Mga Dapat Gawin upang Maiwasan ang Buni
Ang buni ay maaari mo pa rin maiwasan sa pamamagitan ng sumusunod.
- Panatilihin na malinis at tuyo ang iyong balat. Gumamit lamang ng iyong sariling tuwalya bilang pamunas.
- Ugaliin na maghugas araw-araw at punasan upang matuyo ang bahagi ng iyong katawan.
- Gumamit ng malinis na tuwalya at huwag magbabahagian ng paggamit nito.
- Iwasang magsuot ng masikip na damit.
- Gamutin kaagad ang anumang impeksyon sa katawan. Kumonsulta sa doktor upang malaman ang wastong gamot para sa impeksyon.
- Maghugas ng kamay pagkatapos makipaglaro sa mga alagang hayop. Gayundin, ugaliin na maghugas bago kumain o humawak sa ibang bahagi ng iyong katawan.
- Huwag maglalakad na walang suot na panyapak o tsinelas.
- Huwag ulitin ang pagsuot ng medyas at damit panloob.
Mga Bawal na Pagkain
Hindi pa ganoong napapatunayan ng mga dalubhasa ang koneksyon ng ating mga kinakain pagdating sa sakit sa balat. Ganoon pa man, pinaniniwalaan na nabubuhay ang fungal na organismo o yeast sa mga pagkaing mataas sa asukal, refined carbohydrates, at sa mga pagkaing fermented, at may amag na pagkain. Kaya ang mga ito ay maiging iwasan muna.
Ilan pa sa mga inumin at pagkaing ipinapayong iwasan upang hindi lumala ang buni ay ang sumusunod:
- alak
- tinapay
- suka
- toyo
- ketchup
- mayonnaise
- mustard
- tsokolate at iba pang matatamis na pagkain
- gatas
- crackers
- mushroom
Key Takeaways
- Mahalagang ang pagiging malinis sa iyong katawan upang maiwasan ang mga sakit sa balat sanhi ng bakterya tulad ng buni.
- Bagamat hindi pa rin napapatunayan kung mayroon kaugnayan ang diet sa pagkakaroon ng buni at pagagaling nito. Ugaliin pa rin na kumain ng mga masusustansyang pagkain.
- Kumonsulta sa iyong doktor kung tila lumalala ang buni sa iyong katawan. Iwasan na magpahid ng kung ano-anong bagay na walang payo mula sa doktor.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.
[embed-health-tool-bmi]