backup og meta

Anu-ano Ang Senyales Na Kulang Sa Vitamin A Ang Iyong Anak?

Anu-ano Ang Senyales Na Kulang Sa Vitamin A Ang Iyong Anak?

Isa ang vitamin A sa mga bitamina na kailangan ng ating katawan. Ang bitamina na ito ay isang fat-soluble vitamin na natural sa maraming pagkain. Malaki ang naitutulong ng vitamin A sa pagkakaroon natin ng normal na paningin, mapanatiling malusog ang ating mga ngipin, skeletal, at soft tissue. Maaari rin na mapabuti vitamin A ang immune system, paglaki at pag-unlad ng isang indibidwal— at tinutulungan din nito ang ating puso, baga, at iba pang organs upang mas gumana nang maayos. 

Ang mga benepisyo ng vitamin A ang dahilan kung bakit pinipili ng maraming magulang ipakonsumo ito sa kanilang anak. Gayunpaman, sa kabila ng mga benepisyong taglay ng bitamina na ito, hindi lahat ng tao ay nakakakuha ng sapat na vitamin A dahil sa iba’t ibang factor, gaya nang hindi pagkonsumo ng mga masustansyang pagkain. Habang ang akala naman ng iba ay sapat na ang bitamina na nakukuha nila at ng kanilang anak sa mga pagkain na kanilang kinokonsumo.

Sa katunayan maraming pag-aaral na ang nagpapatunay na ang kakulangan sa vitamin A ay maaaring makasama sa’ting kalusugan, kaya napakahalaga na malaman natin ang mga senyales kulang na tayo— at ang ating mga anak sa vitamin A. 

Para malaman ang senyales na kulang sa vitamin A ang iyong anak, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang mga senyales na kulang sa vitamin A?

Nagaganap ang kakulangan sa vitamin A kapag ang ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na vitamin A. Ang diet na kulang sa bitamina na ito ay maaaring magdulot ng vitamin A deficiency— at narito ang mga sumusunod na senyales na kulang ka o ang iyong anak ng vitamin A:

  1. Delayed na paglaki

Ayon sa mga pag-aaral ang mga bata na hindi nakakakuha ng sapat na bitamina A ay maaaring makaranas ng delayed sa kanilang paglaki. Ito ay dahil ang bitamina A ay kinakailangan para sa tamang pag-unlad ng katawan ng tao.

  1. Infertility

Para naman sa adult ang vitamin A ay kinakailangan para sa reproduction ng lalaki at babae, maging sa tamang pag-unlad ng mga sanggol. Kung ang isang babae ay nahihirapan na magbuntis, maaari na ang kakulangan sa vitamin A ang isa sa mga dahilan. Dahil ang vitamin A deficiency ay maaaring humantong sa infertility ng babae at lalaki— at isa ito sa mga senyales na kulang sa vitamin A ang isang tao.

  1. Tuyong balat

Ang pagkakaroon ng dry skin ang isa sa senyales na kulang sa vitamin A ang isang bata o matanda. Dahil mahalaga ang bitamina na ito sa pagbuo at pag-repair ng skin cells— at pagtulong sa paglaban sa pamamaga na sanhi ng iba’t ibang isyu sa balat.

Bukod pa rito, ang vitamin A deficiency ay maaari rin maging sanhi ng development ng eczema at iba pang kondisyon sa balat.

  1. Acne at Breakouts

Kilala ang vitamin A na nagtataguyod ng skin development at lumalaban sa pamamaga, na maaaring makatulong upang maiwasan natin o magamot ang acne. Kaya naman lumabas sa mga pag-aaral na nauugnay sa mababang antas ng vitamin A ang pagkakaroon ng acne ng isang tao.

  1. Tuyong mga mata

Ang pagkakaroon ng tuyong mata, o ang kawalan ng kakayahang makagawa ng luha ang isa mga unang palatandaan ng kulang ang isang tao sa vitamin A. Maging ang mga problema sa mata ay ilan sa mga pinakakilalang isyu na may kaugnayan sa kakulangan sa bitamina A.

Dagdag pa rito, sa matinding mga kaso, ang hindi pagkuha ng sapat na bitamina A ay maaaring humantong sa kumpletong pagkabulag o pagkamatay ng kornea, na nailalarawan sa bilang Bitot’s spots.

  1. Mabagal na paggaling ng mga sugat

Ang mga sugat na hindi gumagaling nang maayos pagkatapos ng pinsala o operasyon ay maaaring maiugnay sa pagkakaroon ng isang tao ng mababang antas ng bitamina A sa kanyang katawan. Ito’y dahil ang bitamina A ay nagtataguyod ng paggawa ng collagen, isang mahalagang component ng malusog na balat.

  1. Night Blindness

Ang malubhang kakulangan sa vitamin A ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng night blindness o pagkabulag sa gabi. Dagdag pa rito, ang ilang observational studies ay nag-ulat ng high prevalence ng pagkabulag sa gabi sa mga umuunlad na bansa.

Key Takeaways

Mahalaga na malaman natin ang mga senyales na kulang sa vitamin A ang isang tao. Dahil ang bitamina na ito ay may mahalagang papel sa kalusugan— bata man o matanda. Ang kakulangan sa vitamin ay maaaring magdulot ng problema at pagkawala ng paningin, mga isyu sa balat at mga problema sa immune system. Kaya napakahalagang kumuha ng diet na kinabibilangan ng mga pagkaing may bitamina A, tulad ng karne, dairy, mga berdeng gulay, dilaw, o orange na prutas at gulay. 

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vitamin A, https://medlineplus.gov/ency/article/002400.htm Accessed May 12, 2023

Vitamin A Deficiency, https://www.healthdirect.gov.au/vitamin-a-deficiency#:~:text=Symptoms%20of%20lacking%20vitamin%20A,associated%20with%20vitamin%20A%20deficiency. Accessed May 12, 2023

Vitamin A Deficiency, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/23107-vitamin-a-deficiency Accessed May 12, 2023

Vitamin A Deficiency, https://www.msdmanuals.com/professional/nutritional-disorders/vitamin-deficiency,-dependency,-and-toxicity/vitamin-a-deficiency Accessed May 12, 2023

Vitamin A Deficiency, https://www.who.int/data/nutrition/nlis/info/vitamin-a-deficiency Accessed May 12, 2023

Bioconversion of dietary provitamin A carotenoids to vitamin A in humans, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/20200262/ Accessed May 12, 2023

Vitamin A and Carotenoids, https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminA-Consumer/ Accesse2d May 12, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement