backup og meta

Sakit ni David Licauco: Ano ito at Bakit Kailangan Operahan?

Sakit ni David Licauco: Ano ito at Bakit Kailangan Operahan?

Sakit ni David Licauco na sleep apnea ang pinag-uusapan ngayon ng kanyang mga tagahanga. Naging interesado rin dito ang iba pang tao na may ganitong problema. Inihayag ni David Licauco na siya ay dumaranas ng sleep apnea, isang disorder kung saan biglang humihinto ang paghinga habang ang isang tao ay natutulog. Sumikat si Licauco bilang Fidel sa historical fantasy series na  “Maria Clara at Ibarra” sa GMA.

Ibinahagi ni Licauco ang kanyang pakikibaka sa sleep apnea na ayon sa kanya ay nakakatakot at pinagmumulan ng kanyang kawalan ng kapanatagan. Nagsimula ang kanyang sleep apnea noong siya ay 16 anyos kung kaya halos 11 taon na siyang naghihirap dahil dito.

Nakakatakot na sakit ni David Licauco

Ayon kay Licauco ay humihinto ang kanyang paghinga ng humigit-kumulang tuloy-tuloy na 30 segundo sa halos dalawampung apat na beses sa isang oras habang siya ay natutulog. At dahil naistorbo ang kanyang tulog ay nagiging iritable siya at may masamang timpla pagkagising. Inamin niya ang pagiging masungit sa maraming tao at umaasa siyang maiintindihan nila kung bakit sya ganito.

Plano ni Licauco na magpa-opera upang malunasan ang kanyang sleep apnea dahil hirap na sya sa nararanasang kondisyon. Suportado naman sya ng kanyang ina at sasamahan sya nito upang kumunsulta sa doktor tungkol sa operasyon.

Sleep Apnea

Ang sleep apnea na sakit ni David Licauco ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan humihinto ang paghinga at nagre-restart nang maraming beses habang natutulog ka. Maaari nitong hadlangan ang iyong katawan na patuloy makakuha ng sapat na oxygen. 

Dapat magpatingin sa doktor kapag:

  • Kapag may makakapagsabi sa iyo na humihilik ka 
  • Hinahabol ang iyong paghinga habang natutulog
  • Nakakaranas ka ng mga sintomas ng mahinang kalidad ng pagtulog
  • Labis na pagkakatulog o pag ka antok sa araw o palaging tila pagod

Ano ang nangyayari kapag may sleep apnea ?

Kapag ang mga kalamnan ay nakaka relax, ang daanan ng hangin ay lumiliit at nagsasara habang ikaw ay humihinga. Humahadlang ito sa iyong paghinga sa loob ng 10 segundo o mas matagal pa. Maaari nitong mapababa ang antas ng oxygen sa iyong dugo at maging sanhi ng pagka ipon ng carbon dioxide. 

Nararamdaman ng iyong utak ang problema sa paghinga na ito at saglit na ginigising ka mula sa pagtulog upang sa pamamagitan ng ganitong “reflexes” ay mabuksan mong muli ang iyong daanan ng hangin. Ang biglang pag gising na ito ay kadalasang napaka-ikli kung kaya hindi mo ito maalala.

Maaari kang gumising nang may kakapusan sa paghinga na mabilis na nagwawasto sa sarili, sa loob ng isa o dalawang malalim na paghinga. Maaari kang makagawa ng likas na tunog ng pagsinghot, pagsakal o hingal sa sandaling ito, at paulit-ulit ito ng ilang beses habang natutulog ka.

Sakit ni David Licauco magagamot ba ng operasyon?

Maaaring ibalik ng surgical procedure o operasyon ang daloy ng hangin upang mapadali ang paghinga. Pagkatapos ng sleep apnea surgery, maraming tao ang humihilik nang mas kaunti at mas nakakatulog ng mabuti sa buong gabi. Nagiging sanhi ito ng mas magaan na pakiramdam pag gising mo. May mga surgical procedures na maaaring makapagbigay ng lunas sa sleep apnea:

Tracheostomy 

Sa pamamagitan ng tracheostomy ay isang butas ang ginagawa ng mga surgeon sa harap na bahagi ng leeg at papunta sa windpipe o trachea. Ang isang tracheostomy tube ay inilalagay papasok sa butas upang panatilihin itong bukas para sa paghinga. Tracheotomy ang termino para sa surgical procedure upang lumikha ng butas na ito.

Ang operasyong ito ay maaaring maka tugon sa sleep apnea na sanhi ng pagbara sa naka ta-taas na daanan ng hangin. Ngunit ang iba pang mga paggamot ay gumagana halos kasing husay din sa karamihan ng mga tao. At ang operasyon, gaya sa pangkalahatan, ay maaaring magdulot ng maraming komplikasyon.

Uvulopalatopharyngoplasty

Ang Uvulopalatopharyngoplasty ang pinaka karaniwang operasyon para sa obstructive sleep apnea. Tinatanggal ng surgeon ang labis na tissue sa likod ng dila, paiikliin ang soft palate at inaalis ang uvula. Ang isa pang anyo ng UPPP na tinatawag na uvulopalatal flap ay nag-aalis ng nakapaligid na taba sa tonsils at soft palate.

Ang antas ng tagumpay sa mga pag-aaral ay nag-iiba na may saklaw sa pagitan ng 16% at 83%. Maaaring tumagal ng ilang linggo ang paggaling, at maaaring bumalik ang mga sintomas ng apnea, lalo na sa mga pasyenteng napakataba.

Larawan mula sa Instagram.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

David Licauco says he is suffering from sleep apnea

https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/healthandwellness/859749/david-licauco-says-he-is-suffering-from-sleep-apnea-considering-getting-surgery/story/

David Licauco might need operation due to sleep apnea

https://philstarlife.com/celebrity/579342-david-licauco-operation-sleep-apnea

What is sleep apnea

https://www.nhlbi.nih.gov/health/sleep-apnea#:~:text=Sleep%20apnea%20is%20a%20common,body%20from%20getting%20enough%20oxygen.

Sleep apnea

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/obstructive-sleep-apnea/symptoms-causes/syc-20352090#:~:text=Obstructive%20sleep%20apnea%20occurs%20when%20the%20muscles%20in%20the%20back,the%20tonsils%20and%20the%20tongue.

Cure for sleep apnea

https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-apnea/sleep-apnea-treatments#:~:text=While%20there%20is%20no%20cure,to%20not%20get%20enough%20air.

Kasalukuyang Version

05/27/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Kaugnay na Post

Paghilik: Anu-ano Ang Mga Uri Nito, At Paano Makokontrol?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement