brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

9 Sintomas Ng Matinding Stress, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?

Halos lahat ng tao ay nakakaranas ng matinding stress, kung saan ito ang normal na reaksyon ng ating katawan kapag nagkaroon ng mga pagbabago at hindi inaasahang pangyayari sa’ting paligid. Maaaring makaapekto nang malaki ang sintomas ng matinding stress sa’yong kalusugan, iyong mga iniisip, damdamin, at iyong pag-uugali. Pwede rin ito makapagbigay ng ambag sa pagkakaroon ng ilang mga problema sa kalusugan gaya ng mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, labis na katabaan at diabetes.

9 Sintomas Ng Matinding Stress, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?

Napakahalaga na malaman ng bawat isa ang mga sintomas ng matinding stress para maiwasan ang mga problema sa pangkalusugan na nabanggit. At ang pagkakaroon mo nang kakayahang makilala ang mga karaniwang sintomas ng matinding stress ay pwedeng makatulong upang mapamahalaan mo ito, at magkaroon ka ng ideya sa pagpapakonsulta sa doktor at eksperto.

9 Sintomas Ng Matinding Stress

Ayon sa Yale Medicine Organization may kognitibo, emosyonal, pisikal, at behavioral signs ang chronic stress. Gayunpaman hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging bahagi ng sintomas ng matinding stress ang apat na kategorya na ito. Pero kapag ang isang indibidwal ay may 3 hanggang 5 na sintomas, maaaring dumaranas sila ng matinding stress. 

Tandaan mo pa rin na hindi ka dapat gumawa ng diagnosis basta-basta dahil sa mga sintomas na iyong nakita. Maganda kung magpapakonsulta ka sa doktor o ipakonsulta ang tao na sa palagay mo ay nangangailangan ng tulong para sa angkop na medikal na diagnosis. 

Narito ang mga sintomas na maaaring makita sa’yo ng doktor kung ikaw ay nakakaranas ng matinding stress:

  1. Pangingirot at pananakit ng katawan
  2. Insomnia
  3. Pagkakaroon ng pagbabago sa social behavior
  4. Mababang enerhiya
  5. Hirap magpokus o may maulap na pag-iisip
  6. Pagbabago sa gana o appetite
  7. Tumaas na paggamit ng alkohol o droga
  8. Pagbabago sa emosyonal na mga tugon sa iba
  9. Emotional withdrawal

Bakit Nagkakaroon Ng Matinding Stress Ang Isang Tao?

Pwedeng magkaroon ng matinding stress ang isang tao dahil sa kahirapan, hindi maayos na pag-aasawa o pamilya, o isang hindi kasiya-siyang trabaho, at marami pang iba. Ang matinding stress ay dahan-dahang nag-aalis o nagde-drain ng psychological resources ng isang tao na sanhi para mapinsala sa kanilang mga utak at katawan. 

Dagdag pa rito, ang mga taong nakakaranas ng matinding stress ay kadalasang nakakaramdam ng kawalan ng kakayahan na baguhin ang kanilang mga sitwasyon.

Paano Pwedeng Harapin Ang Matinding Stress?

Ang isa sa mga pinakamagandang paraan upang maharap nang maayos ang matinding stress ay ang pagpapakonsulta sa eksperto. Sa pamamagitan kasi nang pagpapatingin sa doktor ay maaari kang makakuha ng angkop na medikal na diagnosis at treatment. Makakatulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng maling diagnosis na pwedeng humantong sa mga medikal na komplikasyon.

Gayunpaman narito ang ilang sa mga bagay na pwede mong subukan para mapagaan ang iyong nararamdaman at mapabuti ang iyong kalusugan:

  • Pag-eehersisyo
  • Pagkain ng masustansyang pagkain
  • Pag-aaral ng time management techniques
  • Pagtatakda ng makatotohanang mga layunin o realistic goals
  • Matulog nang mas maayos at mahaba kung kinakailangan
  • Maglaan ng oras para sa mga aktibidad sa paglilibang
  • Pagbuo mo ng mga kasanayan sa pagbabawas ng iyong stress
  • Pag-aaral at pagsasanay sa pag-iisip upang kontrolin ang iyong pokus at emosyon

Key Takeaways


Lahat ng tao ay posibleng magkaroon ng matinding stress. Mahalaga na alam natin ang mga sintomas nito sapagkat bahagi ito ng pangangalaga sa ating sarili. 
Ang pagpapakonsulta at pakikipag-usap sa doktor at eksperto ay makakatulong para mas maunawaan natin ang ating nararamdaman, at kung bakit tayo nakakaranas ng mga sintomas na may kaugnayan sa matinding stress.

Matuto pa tungkol sa Mabuting Pag-Iisip dito.

fact-check
Hello Doctor Medical Panel
Sinuri ang mga impormasyon ni
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 6 araw na ang nakalipas