Ang problema sa pag-iisip ay hindi lamang nakukuha sa genetics – maaaring makuha rin ito sa mga karanasan. Lahat ng AOT Characters ay nagpupumilit na maka-survive sa mundong kinalalagyan. Bilang bahagi ng kanilang mga karanasan sa istorya. Ilang beses ipinakita ng mga karakter sa kuwento na walang panig na mas mahusay kaysa sa iba. Tama man o mali – sapagkat ito’y usapin lamang ng mga pananaw. Kung paano titingnan ang perpekstibo at kilos ng bawat karakter para maunawaan ang lalim at mithiin ng bawat isa.
“For me, everything was an art, the whole story is perfectly beautiful. This anime series is truly a masterpiece. Thanks Isayama for attacking us. Shinzou Sasageyo!” – AOT Fan.
Ang AOT o kilala rin sa pamagat bilang Attack on Titan na nilikha ng isang Japanese manga artist na si Hajime Isayama. Naging best-selling manga series of all time ito. Dahil sa 100 milyon kopya na nasa sirkulasyon noong Disyembre 2019.
Bukod pa rito, inilabas ang AOT bilang anime series sa Wit Studio (seasons 1-3) at MAPPA (season 4). Nanalo rin ng several awards ang AOT tulad ng Kodansha Manga Award, The Attlilio Micheluzzi Award at The Harvey Award. Kaya hindi nakapagtataka kung ang AOT ay madalas na nakasasama sa worldwide trend dahil sa bawat episode na inilalabas nito kada linggo.
Maraming fan ang nagkakaroon ng separation anxiety dahil sa anime series na ito dahil napamahal na sila sa AOT Characters.
Ngunit, alam mo ba na ang ilan sa mga AOT Characters ay nagpakita ng ilang mga sintomas ng problema sa pag-iisip? Alamin dito.
AOT Characters: Ano Ang Kanilang Maaaring Problema Sa Pag-iisip?
1. Levi Ackerman – Obsessive-Compulsive Disorder (OCD)
Ang OCD ay isang problema sa pag-iisip – nag-fe-features ng pattern ng unwanted thoughts at takot (obsessions) na maaaring magresulta sa paggawa ng paulit-ulit na pag-uugali (compulsions). Sinasabi ng mga pag-aaral na ang obsession at compulsion ay nakasasagabal sa pang-araw-araw na gawain. At nagdudulot sa isang tao ng pagkabalisa. Maaari pa ring subukang alisin ang pagkahumaling. Subalit pinatataas lamang nito ang lebel ng pagkabalisa.
Levi Ackerman: Hindi Kumpirmadong May Problema Sa Pag-iisip!
Bagama’t hindi kumpirmado na may problema sa pag-iisip si Levi – isa sa AOT Characters. Siya ay nagpakita ng ilang sintomas ng OCD sa kabuuan ng kuwento. Dahil sa pagiging OA niya pagdating sa pagpapalinis sa Survey Corps. At ang matinding pagsunod niya sa kalinisan. Makikita ito sa manga at sa mga piling episode ng series.
Isa sa pinaka-kilalang sintomas ng OCD bilang problema sa pag-iisip ay ang matinding pag-ayaw sa kontaminasyon o dumi. Ilang beses itong nakita ng AOT Characters tulad nina Eren Jaeger at Mikasa Ackerman. Ang pag-uugali ni Levi tungkol sa matinding kalinisan ay maaaring bunga ng kanyang karanasan sa paninirahan ng matagal na panahon sa underground o slum. Kaya madalas na makikita sa manga at anime ang pagkasuklam ni Levi sa maruruming bagay at kapaligiran. Dahil ang OCD ay maaaring madebelop sa pamamagitan ng mga matitinding karanasan sa buhay.
Dagdag pa ng mga eksperto, ang paraan ng mga tao na may OCD para makayanan ito ay sa pamamagitan ng matinding paghuhugas ng kamay o paglilinis.
2. Erwin Smith
Ang sociopath ay isang problema sa pag-iisip na tumutukoy sa taong nabubuhay na may anti-social personality disorder (ASPD). Tulad ni Levi Ackerman hindi rin kumpirmado kung sociopath ba si Erwin Smith o problema sa pag-iisip. Ngunit sa kabuuan ng manga at series nagpakita ng sociopathic tendencies si Erwin Smith.
Ano Ang Sociophatic Tendencies ni Erwin?
Ang ilan sa mga eksena na nagpakita ng sociopathic tendencies ni Erwin ay mula sa Season 3 ng AOT. Noong inutusan niya ang natitirang Survey Corps na i-distract ang Beast Titan upang sila ang atakihin – na nangangahulugang pagpatay sa kanila ng kalaban. Sa ganoong paraan makapupunta si Levi at maatake nito ang Beast Titan. Nagtagumpay ang plano – ngunit isang Survey Corps lamang ang nabuhay. At napatumba ni Levi ang kalaban, dahil na rin sa abilidad niya bilang Ackerman.
Ang ipinakitang ito ni Erwin ay tumutugon sa sintomas ng sociopathic tendencies. Dahil ang pagsasawalang-bahala na mapahamak ang iba at sarili ay tugma sa sintomas ng sociopath.
Ayon sa mga eksperto kapag sociopath ang isang tao. Wala silang pakialam kung nasasaktan ba nila ng pisikal o emosyonal ang isang tao – vice-versa rin sa kanilang sarili. Hangga’t nakukuha nila ang kanilang goal at gusto.
Narito ang ilan pang mga sintomas ng pagiging sociopath o pagkakaroon ng problema sa pag-iisip:
- lumabag sa mga tuntunin o batas
- kumilos nang agresibo o pabigla-bigla
- nakakaramdam ng kaunting pagkakasala para sa pinsalang idinulot nila sa iba
- gumamit ng pagmamanipula, panlilinlang, at pagkontrol sa pag-uugali
Bagamat nagpakita ng sociopathic tendencies si Erwin hindi pa rin ito kumpirmado. Kung sociopath ba s’ya o may problema sa pag-iisip. Dahil batay sa eksenang nabanggit maaaring nagpakita rin ng moral at wastong desisyon si Erwin sa bahaging iyon ng istorya. Ang paggawa ng tamang mga desisyon sa panahong mahirap ay taliwas sa pagkakaroon ng sociopathic tendencies.
3. Reiner Braun – Dissociative Identity Disorder (DID)
Kung ikukumpara sa AOT Characters na sina Levi at Erwin mas naging malinaw ang mga sintomas ni Reiner Braun sa pagkakaroon ng problema sa pag-iisip.
Ano ang DID?
Ang DID ay isang mental health condition. Ang taong may Dissociative Identity Disorder ay may dalawa o higit pang magkahiwalay na personalidad. Kinokontrol ng mga identities na ito ang pag-uugali ng isang tao sa iba’t ibang sitwasyon o panahon. Ang DID ay maaaring maging dahilan ng gaps sa memory at iba pang mga problema. Ang various types ng psychotherapy ay maaaring makatulong sa pagma-manage ng sintomas ng DID.
Kailan Nakita Ang Sintomas Ng Problema Sa Pag-Iisip ni Reiner?
Unang nakita ang sintomas ng Dissociative Identity Disorder o DID kay Reiner sa Season 2 ng AOT. Nang malaman ng lahat na siya ang Armored Titan. Ang isa sa mga Titan na nagpabagsak ng unang wall sa Season 1 ng AOT. Para matupad ang kanyang misyon bilang Marleyan Soldier kinakailangan ni Reiner na magpanggap. Nagsanay siya ng maraming taon sa pagiging Survey Corps. Dahil dito naging ganap na ibang tao siya – na halos ituring niyang kapatid ang iba pang mga AOT Characters sa Survey Corps. Gayunpaman, nananatili pa rin sa kanyang loob ang personalidad ni Reiner na may misyon bilang isang Marleyan Soldier.
Mula noong malaman ng lahat ang kanyang pagkatao. Nagsimula na rin maghirap si Reiner dahil nagtatalo ang kanyang 2 identitidad: Marleyan Soldier at bilang Survey Corps.
Nananatiling tapat si Reiner sa Marley, ngunit hindi niya kayang tiisin ang konsensyang nadarama dahil sa misyon nilang humahantong sa pagpatay. Dagdag pa na talagang nagkaroon siya ng simpatya sa Survey Corps.
Ano Ang Aksyon Na Ginawa ni Reiner Para Masabi Na May DID Siya?
Nang malaman ni Marco na sina Reiner at Bertholdt ay mga titan. Para hindi masabi ni Marco sa iba pang Survey Corps ang lihim na ito. Tinanggal ang gear na gamit ni Marco para mapigilan siya sa pagtakas at makain ng titan. Habang pinagmamasdan nina Annie at Bertholdt na kinakain si Marco ng titan. Makikita na takot na nakatitig si Reiner kay Marco at nagsasabing “hoy! bakit kinakain si Marco?” – na para bang nakalimutan niya na siya ay isang Marleyan Soldier at siya ay isang Survey Corps. Ito ay naging defense mechanism ni Reiner dahil sa trauma na nasaksihan niya. Sa kanyang splitting memories at pagkalimot na siya ay Marleyan Soldier nandoon si Bertholdt para ipaalala ang kanilang tunay na misyon.
Ang DID ay isang problema sa pag-iisip. Kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng split personality disorder na maaaring mabuo. Dahil sa trauma na dinanas ng isang tao. Para malagpasan nila ang traumang ito, gumagawa ang utak ng isa pang persona na maaaring tumugon sa mga kahinaan mo. At makalimot sa mga traumatic experience.
4. AOT Characters – Post Traumatic Disorder and Severe Depression (PTSD)
Binuo ni Hajime Isayama ang mundo ng AOT na napakabigat. Ang mabuhay sa isang apocalyptic world ay mahirap. Hindi na nakapagtataka kung ang AOT Characters ay magkakaroon ng PTSD o problema sa pag-iisip. Dahil sa mga traumatic events tulad ng giyera, patayan at disaster.
Ang PTSD ay problema sa pag-iisip na na-trigger sa isang nakatatakot na karanasan. Narito ang ilang sintomas na makikita sa ilang AOT Characters:
- Pagkakaroon ng flashbacks
- Bangungot
- Matinding Pagkabalisa
- Overthinking
Key Takeaways
Mga larawan nakuha mula sa screen capture at Instagram