Dahil sa pressures sa pagsunod sa mga pamantayan ng lipunan, tumataas ang bilang ng suicide sa Pilipinas. Maraming indibidwal ang nakikipagtunggali sa kanilang sariling mga personal na laban sa likod ng mga saradong pinto. Sa kabutihang palad, ang mga isyung ito ay unti-unting nabibigyang-pansin. Ito ay makikita sa paraan na ang mga internasyonal na programang pangkalusugan. Kung saan ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng mental health.
Ang bagong pokus na ito ay nagmumula sa lumalaking trend ng mga kaso ng pagpapatiwakal. Makikita na ito ang pangatlong nangungunang dahilan ng kamatayan sa teenagers. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mahahalagang katotohanan. Tungkol sa suicide sa Pilipinas at ang iba’t ibang serbisyo sa mental health na magagamit ng mga Pilipino.
Ano ang Pagpapakamatay o Suicide?
Batay sa pagpapakahulugan— ang pagpapakamatay ay ang pagkilos ng pananakit sa sarili na may layuning mamatay. Kadalasan, ito ay nagmumula sa maraming factors. Kabilang ang hindi nalutas na mga personal na laban at mga kondisyon sa lipunan at kapaligiran. Maaari rin itong maging reaksyon sa iba pang sintomas ng mental health.
Ang suicide attempt ay isang pagtatangka na wakasan ang buhay sariling buhay. Kung saan nakaligtas pa rin ang isang indibidwal mula sa pagpapakamatay. Samantala, ang suicide naman ay isang matagumpay na pagpapakamatay. Sinasabi na ang mga tao na namatay mula sa suicide ay maaaring hindi nakaranas ng suicide attempt sa nakaraan.
Mayroong ilang komon na ginagamit na paraan para sa pagpapakamatay. Tulad ng paglalason, pagbibigti, o pagbaril sa sarili.
Paglaganap ng Suicide sa Pilipinas
Sa Pilipinas, ang mental health ay hindi pa itinuturing na nangungunang pambansang alalahanin. Ngunit sa mga nakalipas na taon, parehong pampubliko at pribadong organisasyon ay nagsimulang itaas ang kamalayan. Tungkol sa mga isyu sa kalusugan ng isip tulad ng depresyon at pagkabalisa.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang intentional self-harm ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipinong nasa edad 20-24. Samantala, ipinakita naman ng isang pag-aaral noong 2011 na 16% ng mga mag-aaral na may edad 13 -15 taong gulang. Ang nag-iisip na kitilin ang kanilang sariling buhay. Gayundin, 13% ang nagtangkang magpakamatay.
Bagama’t may kakulangan sa malawak na pag-aaral at data tungkol sa pagpapakamatay sa Pilipinas. Makikita na ang mga numero at porsyento ay tanda na dapat ng pagbutihin. Ang mga pambansang programa sa kalusugan ng isip. Mahalagang itaas ang kamalayan sa lumalagong krisis sa mental health. At mga serbisyo na maaaring gamitin sa mental health ng mga tao sa Pilipinas.
Bakit Nagpapakamatay ang Isang Tao?
Maraming kadahilanan (madalas na magkakaugnay) ang maaaring maging sanhi na maisip ng isang tao na kitilin ang buhay. Karaniwang iniisip ng mga taong nag-iisip ng mag-suicide na wala na silang dahilan para mabuhay. O kaya naman ay nararamdaman ng tao na hindi na nila kaya ang buhay.
Gayundin, ang mga isyu sa kalusugan ng isip. Tulad ng depression, pagkabalisa, at bipolar disorder. Ang mga ito ay maaari ring umakyat sa mga saloobin ng pagpapakamatay.
Maaaring may kaugnayan din ito sa pagitan ng family history at sa risk ng pagpapakamatay. Kung ang isang tao sa pamilya ay namatay dahil sa suicide. Masasabi na ang iba pang mga miyembro ng pamilya ay may posibilidad na mag-suide din. Mayroon ding mga karagdagang risk factors na nauugnay sa mas mataas na panganib ng suicide. Narito ang mga sumusunod:
- Mga taong may mga naunang suicide attempt, depresyon o iba pang sakit sa pag-iisip.
- Pagkakaroon ng karanasan sa matinding stress o trauma.
- Pag-abuso sa droga o alkohol.
- Karanasan ng pisikal o sekswal na pang-aabuso mula sa mga miyembro ng pamilya o ibang tao.
- Matinding sakit mula sa isang kondisyong medikal.
- Mga taong nasa edad 15 hanggang 24 taong gulang, o higit sa 60 taong gulang.
Sa kasamaang-palad, mayroong kultural na stigma na umiikot sa mental health. Maging sa mga taong may sakit sa isip. Kung saan ang mga ito ang maaaring pumigil sa tao na humingi ng tulong. Ang stigma na ito ay maaaring resulta ng kakulangan ng pampublikong edukasyon. Sa kalusugan ng isip at suicide sa Pilipinas.
Mga Isyu sa Kalusugan ng Pag-iisip ng Teen – Ayos ba ang Iyong Anak?
Ano ang Mga Palatandaan ng Babala ng Pagpapakamatay?
Kung pinaghihinalaan mo na ang isang kaibigan o mahal sa buhay ay nahihirapan. At mayroong suicidal thoughts, mahalagang malaman ang indicators na dapat bantayan.
- Paglalahad ng mga bagay tungkol sa kamatayan o kagustuhang magpakamatay.
- Pagbili ng mga bagay na maaaring gamitin sa pagpapakamatay tulad ng mga pampatulog o baril.
- Mga biglaang pagbabago sa hitsura, walang ingat na pag-uugali, o matinding pagbabago ng mood.
- Ang pamimigay ng mga gamit nang walang dahilan, o pagpunta sa self-isolation.
Mahalagang malaman din ang mga senyales ng pagpapakamatay sa mga teenager. Dahil sila ay bumubuo ng isang mataas na porsyento ng mga pinaka nasa panganib na magpakamatay.
- Ang pagbaba ng kanilang pagganap sa paaralan.
- Biglaang pagka-engage sa sex o malaswang aktibidad.
- Mga biglaang pagbabago sa personalidad at sa mga gawi sa pagtulog o pagkain.
Ang mga matatanda ay nanganganib din na magpakamatay. Dahil dito, magandang malaman ang mga senyales ng babala para sa kanila.
- Isang diagnosis ng isang malubhang kondisyong medikal.
- Isolation mula sa mga kaibigan o pamilya, o pamumuhay ng mag-isa. Lalo na pagkatapos ng pagkamatay ng kapareha.
- Nakakaranas ng mga pagbabago sa buhay tulad ng pagreretiro o pagkamatay ng isang mahal sa buhay.
Saan ako Makakahanap ng Tulong tungkol sa Suicide sa Pilipinas
Sa Pilipinas, maraming institusyon ang nag-aalok ng libreng pagpapayo. Para sa mga kasalukuyang nahihirapan sa depresyon at pag-iisip ng pagpapakamatay.
- Bagong National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotlines – 0917 899 8727 at 989 8727
- Ateneo Bulatao Center for Psychological Services – 426-5982
- Mental Health First Responders (MHFR) – [email protected]
- Philippine Mental Health Association (PMHA) – 0917 565 2036
- Psychological Association of the Philippines – 0915 422 5189 at 0947 571 7629
Kung ikaw o may taong kilala na nag-iisip ng suicide. Pinakamahusay na humingi ng medikal na payo o humingi ng pagpapayo para sa suicide risk assessment. Kasunod ng assessment, maaaring mag-alok ang mga doktor. Nang mga kurso ng tritment na kinasasangkutan ng therapy at gamot.
Key Takeaways
Ang pagpapakamatay ay ang pagkilos ng pananakit sa’yong sarili na may layuning tapusin ang sariling buhay. Mayroon ding kultura ng stigma tungkol sa kalusugan ng isip at suicide sa Pilipinas. Bilang resulta, nagiging isa itong lumalagong isyu sa kalusugan ng isip. Kung saan marapat lamang na ipaalam ito. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay para bang nahihirapan. Abutin at hikayatin silang humingi ng tulong sa isang medikal na propesyonal bago maging huli ang lahat.
Matuto pa tungkol sa Mental Health dito.