backup og meta

Namamana Ba Ang Takot At Ano Ang Mga Senyales Nito? Alamin Dito!

Namamana Ba Ang Takot At Ano Ang Mga Senyales Nito? Alamin Dito!

Habang tumatagal dumarami ang mga taong nagtatanong — kung namamana ba ang takot sapagkat patuloy ang pagtaas ng kaso ng depresyon sa Pilipinas. Isa ang “takot” sa dahilan ng pagiging balisa ng isang indibidwal kaya naman napakahalagang masagot ang katanungan tungkol sa takot — kung ito ba ay namamana?

Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon, tungkol sa ano ang generational trauma.

Namamana ba ang takot: Ang Generational trauma

Maraming bagay ang pwedeng manahin sa magulang, tulad ng physical characteristics at genetic condition. Subalit, alam mo ba ang takot at trauma ay maaaring maipasa sa anak at sa mga susunod pang henerasyon? Maaaring napapaisip ka, kung ito ba ay posible — at ayon sa mga ilang pag-aaral — pwede itong maipasa.

Generational trauma ang tawag sa “takot” na pwedeng mamana, dahil sa genetic changes sa DNA ng tao, kung saan ang mga pagbabago mula sa trauma ay hindi nakakasira sa gene (genetic gene). Sa halip, inaalter nila kung paano gumagana ang gene (epigenetic change). 

Namamana ba ang takot: Iba pang katawagan

Kilala rin ito bilang “intergenerational trauma” o “transgenerational trauma“. Masasabi na maiuugnay ito sa new field study ng mga researcher, dahil maraming bagay pa ang pwedeng matuklasan, tungkol sa mga epekto nito — at paano kumikilos ang mga taong nakakaranas nito.

Ayon sa kay Dr. Melanie, isang clinical psychologist at parenting evaluator. Ang namamanang takot ay pwede maging tahimik, tago at hindi tukoy, kung saan lumalabas ito sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Bakit ginagamit ang terminong “intergenerational trauma” at “transgenerational trauma”?

Ginagamit ang mga term na ito para ilarawan ang impact ng traumatic experience. Binuo ang konseptong ito para makatulong sa pagpapaliwanag ng years of generational challenges sa loob ng isang pamilya. Madalas na hindi pinag-uusapan ang intergenerational trauma, kaya nagreresulta ito sa pangmatagalang epekto. 

Bakit nagkakaroon ng mga takot na namamana?

Ang takot ay maaaring madebelop mula sa mga traumatic experiences, tulad ng sexual abuse, rape, murder at iba pa. Kung saan, ang mga takot na ito ay pwedeng maging dahilan ng pagiging balisa — at pagkakaroon ng depresyon. 

Dagdag pa rito, ang lahat ng mga negatibong emosyon na nararanasan ng tao ay pwedeng makaapekto sa kanyang katawan, pag-iisip at kalusugan. 

Lumalabas din sa mga pag-aaral, na ang tao ay maaaring magkaroon ng fear conditioning. Ito ay nagpapahiwatig, na ang ilang takot na nararamdaman ng isang indibidwal ay coded sa ating DNA.

Ano ang Generational Trauma: Mga Pag-aaral

Noong 2008, nakita ng mga researcher ang ugnayan sa pagitan ng prenatal exposure sa famine at offspring’s later adult disease risk. Ang mga offspring o supling ay nakitang may mas kaunting DNA methylation (isang biological process na kumokontrol sa kung paano i-express ang genes) — ng naka-imprint sa IGF2 gene. 

Sinuportahan din ng mga karagdagang pag-aaral — ang ideya na ang exposure sa trauma ng mga nakakatanda ay pwedeng makaapekto sa mga susunod na henerasyon.

Pinag-aralan din ng researchers sa New York ang ilang dosenang kababaihan na buntis noong 2001 kung saan, sila ay naging malapit sa pag-atake ng terorista. Mayroong mga babae na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD). Ang grupong ito ay may mas mababang level ng stress hormone cortisol sa kanilang laway kung ikukumpara sa mga hindi nagkaroon ng PTSD.

Kaugnay nito, ang 9 months old na anak ng mga babaeng may PTSD — ay mayroong mababang level ng cortisol, kumpara sa mga sanggol na ang ina ay walang PTSD.

Mayroon pang isang pag-aaral na isinagawa noong 2015 sa Holocaust exposure at intergenerational effects. Nakakita nang ugnayan sa pagitan ng preconception trauma at epigenetic alterations sa magulang at anak. Subalit, ang pag-aaral ay binatikos dahil sa maliit lamang ang sample size nito.

Ayon naman sa Civil War study, sinasabi na ang transmission ng trauma ay pwedeng naapektuhan dahil sa kultura, psychological at socioeconomic factors. Halimbawa, kung ang magulang ng mga bata ay survivor ng giyera, at nagkaroon ng traumatic experiences, maaaring lumaki sa unstable na magulang ang mga bata. Maaaring maipasa ang trauma sa mga bata at sa susunod na henerasyon, batay na rin sa magiging pagtrato, at pag-uugali sa mga anak ng magulang.

Ano ang Generational Trauma: Mga Eksperimento

Batay sa ilang eksperimento sa mga daga, nakitang ang traumatikong karanasan ay pwedeng aktwal na makapasok sa germ line. Kapag ang isang daga ay natakot sa isang tiyak na amoy, ang takot na ito ay naililipat sa kanyang sperm (tamud), ayon sa natuklasang pag-aaral.

Sinanay ng mga researcher na matakot ang mga daga sa ilang mga amoy, kung saan pinarisan nila ang mga amoy na ito ng mild shock sa paa at makikita sa mga dagang sinanay na matakot, na mas mataas ang kanilang pagkagulat sa partikular na amoy na iyon, kumpara sa ibang daga na hindi sinanay na matakot. 

Ayon din sa isang chemist na si Dias, ang mga dagang sinanay na matakot sa acetophenone ay hinayaan nilang makipag-sex sa kapwa daga upang dumami. Lumabas sa eksperimento na ang mga anak na daga ay may mataas na pagkagulat sa acetophenone, kahit hindi pa nila nararanasan ang amoy na ito. Ang aceptophenone ay kaamoy ng orange blossom na may kaunting artipisyal na cherry.

Mga kilos o senyales ng mga taong nakamana ng takot

Narito ang mga sumusunod na senyales at kilos ng mga taong posible na nakamana ng takot, ayon sa mga ilang pag-aaral:

  • Emosyonal na pamamanhid at depersonalization
  • Hindi malutas at komplikadong kalungkutan
  • Isolation
  • Withdrawal
  • Hyper-vigilance
  • Pagkatakot
  • Pagkawala ng memorya
  • Galit at inis
  • Mga bangungot
  • Kawalan ng kakayahang kumonekta sa iba
  • Kawalan ng tiwala sa iba
  • Pag-abuso sa mga sangkap
  • Paulit-ulit na pag-iisip ng kamatayan, pagkamatay, at pagpapakamatay
  • Mayroong disciplinary issues

Namamana ba ang takot: Sino ang maaaring makamana nito?

Kahit sino ay maaaring makamana nito. Babae ka man o lalaki, pwede kang makaranas ng generational trauma.

Paano nadi-diagnose ang generational trauma

Ayon sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders, Fifth Edition,  walang specific diagnosis sa generational trauma.  Gayunpaman, tinatanggap pa rin ang phenomena ng intergenerational trauma.

Namamana ba ang takot: Mga Treatment

Ang generational trauma ay pwedeng masolusyunan sa isang holistic, intense intervention. Madalas ay kinakailangan ng individual therapy. Habang ang group at family therapy ay isang opsyon.

Key Takeaways

Lumalabas na pwedeng manahin ang takot ng magulang. Kahit ang isang anak ay hindi pa nakakaranas ng kahit anong traumatic experiences. Maaari rin maipasa ang takot sa pamamagitan ng paraan ng pagtrato ng magulang sa anak, lalo na kung ang isang magulang ay may traumatic experiences sa kanyang buhay. Kaugnay nito, ang kultura at kapaligiran na ginagalawan ay may malaking factor sa pagkakaroon ng generational trauma.
Ang paksa tungkol sa kung namamana ba ang takot ay isang new field study. Kung saan ay patuloy pa rin itong tinutuklas at pinag-aaralan. Sa ngayon, wala pa itong specific diagnosis, subalit maaari pa ring subukan ang individual therapy para sa ikabubuti ng kalusugan ng pag-iisip.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Is Generational Trauma? Here’s How Experts Explain It

https://www.health.com/condition/ptsd/generational-trauma Accessed April 26, 2022

Intergenerational Trauma: 6 Ways It Affects Families

https://oie.duke.edu/inter-generational-trauma-6-ways-it-affects-families Accessed April 26, 2022

Intergenerational Trauma: Recognize These Signs and Symptoms https://michaelgquirke.com/recognize-these-intergenerational-trauma-signs-symptoms/ Accessed April 26, 2022

Understanding Intergenerational Trauma: An Introduction for Clinicians https://www.goodtherapy.org/blog/Understanding_Intergenerational_Trauma Accessed April 26, 2022

Intergenerational Trauma: What It Is And How To Heal https://www.choosingtherapy.com/intergenerational-trauma/ Accessed April 26, 2022

Intergenerational transmission of trauma of effects: putative role of epigenetic mechanisms https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6127768/ Accessed April 26, 2022

Mice Inherit the Fears of Their Fathers https://www.nationalgeographic.com/science/article/mice-inherit-the-fears-of-their-fathers Accessed April 26, 2022

Can Trauma Be Passed Down From One Generation to the Next? https://www.psycom.net/trauma/epigenetics-trauma Accessed April 26, 2022

Kasalukuyang Version

05/29/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya

Infatuation Vs Love: Ano Ba Ang Nararamdaman Mo Para Sa Kanya? Alamin!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement